read.cash Log in
@cjjamer

Madilim na kalangitan Lumabas ako kaninang madaling araw sapagkat gusto kong malaman kung ano nga ba ang dahilan ng kakaibang lamig na aking nararamdaman. Tumuloy tuloy pala ang ulan na siyang dahilan kung bakit naubos ang aking lakas. Hindi ko kasi napansin na ito ay bumuhos pa dahil sa focus ako sa aking ginagawa. Sa kadiliman na aking nakikita mababanaag ang lungkot sa aking mukha at may tanong sa aking mga mata bakit nga ba umuulan nalang bigla? Dumungaw sa salamin na bintana upang tingnan ang kalangitan kung may bituin ba akong makikita. Sad to say wala, wala kahit na isa. marahil pati ang langit ay malungkot sapagkat wala ang mga bagay na sa kanya'y nagpapasaya sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa mga mumunting bituin na kung ituring ay anak niya na. Malamig ang simoy ng hangin kung mayayakap lamang kita lamig ay 'di na madarama🎶🎶🎶🎶 Kanta na pala yung dulo...😁😁😁 Good morning noise world. para sa panibagong umaga,thank you lord.🥰🙏 © cjjamer

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.