I miss my babypupu.🥺
Ang laki ng bait niyan ai, sinakop na ang higaan.hehe
Kitam ayaw talaga niyang ipatanggal yung tali sa nanay.hehe
Para daw pati sa panaginip niya ay nasa galaan siya.hahaha
Ang cute niya diyan, nakangiti pang tumingin sa camera. sarap niyang pupugin ng halik, naku kung malapit ka lang sakin talaga.hehe
Anyways , doon po sa mga may alaga ng hayop kahit makulit at pasaway sila huwag po natin silang pababayaan.
Mahalin at alagaan natin sila, dahil may pakiramdam din po silang kagaya natin nasasaktan kapag pinabayaan...
Magandang gabi po sa lahat..
#petlovers
© cjjamer
Almusal
Ehem pasintabi sa mga diet jan ha medyo matakaw kasing kumain ang inyong Hugoterong senti pero hindi sawi lalo na kapag sarili kong luto ang aking kakainin, taob ang kaldero...😁😁
Adobong tokwa with kangkong sabi ng aming lalabs ponyang.hahaha
Magana lang talaga akong kumain ngayon lalo na kapag kanin, dati kasi nong bata pa ako puro root crops ang nakahain sa lamesa namin,lalo na kapag nauubusan kami ng bigas.🤭
Habang nagpapababa ako ng aking kinain, tinanim ko yung tangkay ng kangkong sa likod bahay,sana lang tumubo.haha
Siya ako'y pipikit na po,diyan na po muna kayo. Good mornyt everyone.😘
© cjjamer
Pagod yan....
Sumalampak na ng upo pagkadating sa bahay ng boss ko.haha
Hindi naman ako pagod sadyang mas gusto ko lang umupo sa may semento para maunat ang mga binti ko. mabuti nalang hindi bumuhos ng malakas ang ulan habang nasa daan ako, kung hindi basa kami ng aking babykuku.☺️
Hello noise world, maghahating gabi na pero ngayon palang ako nagparandam dito.
Busy agad kasi may bilin boss ko sakin kanina.
Tapos need ko pa tutukan ang output ng isang process sabay check sa samples for data gathering na need ng aming head bossing. huhay buti nalang bago yun nakapagkape na ako.haha
Anyways, gusto ko lang pong magpasalamat sa santa claus po dito. kung sino kaman po maraming thank you, God bless and more blessing to you.☺️
Good evening to all awake here and good night sa mga nasa kanilang mga dream land na.😘
#Randomthoughts
© cjjamer
Yung babypupu kong puro gala ang laman ng isip.
Nagagalit kapag tinatanggal ang tali.
kaya naman hanggang sa pagtulog niya nakakabit pa din sakanya yung taling mahal na mahal niya.haha
Hello noise world!
What's up what's up 🤗
May nakamiss po ba sakin dito? kung wala ayos lang po.hehe
Ganun po talaga ang buhay kapag hindi ka importante hindi ka nila mamimiss....
Real talk,wala man lang nakakamiss sakin sa pamilya at mga kaibigan ko.huhay
buti nalang talaga Introvert ako,mas masaya kapag tahimik ang paligid ko....
Ang problema lang may pusong mamon ako, lumalambot kaagad kapag kumatok ka sa pintuan nito.🥺
Anyways, magandang magandang gabi po sa inyong lahat. Mag iingat po tayo lagi.
© cjjamer
Hello noisers!
Wala akong magawa ngayon dahil tinapos kona lahat ng aking gagawin.
Chillax ang peg ko now kaya napabukas ako sa isang site na isa sa pinaglalabasan ko ng aking emosyon.
You can check this out guys.😉
Basta walang pulaan ng boses.😁😁😁
Magandang gabi po sa lahat.
#ShareInvitation
Fill my invitation code M7UVY to pick me! Your vote can take me to StarMaker Top BillBoard!
https://m.starmakerstudios.com/d/playrecording?app=sm&from_sid=13373456747&is_convert=true&recordingId=2814749817326741&share_type=copyLink
Cake and Ice cream
Birthday ng QA Manager namin ngayon kaya may nadatnan kaming para sa amin.
Ang sweet lang☺️ subrang sweet kasi ng ice cream. inupakan kona before ako kumain ng aking late dinner at mainit ang tiyan ko.😁😁
Hello noisers kumusta ² kayong lahat?
Me im fine thank you.☺️
Okay na ako dahil nasayaran na ng malamig at matamis na food ang aking tiyan.hehe
Thank you very much po sa food, nabusog ang inyong Hugoterong senti pero hindi sawi.
Good evening po sa lahat. kunting silip lang po ulit ako dito balik trabaho na po ulit.🤗
© cjjamer
Evening
Nakalimutan ko pala ipost ang ginawa kong content kanina before ako mag start ng work ko.
Naging busy na agad kasi, daming tumatawag sa phone hindi naman ako ang kailangan. kainis ai naiisturbo tuloy ginagawa ko, gusto kona talaga siyang ihang up muna para wala ng makatawag.hahaha
Napakape pala ako ng maaga, dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako baka sakaling makabawi ng lakas kapag nasayaran ng kape ang tiyan ko.
See kitang kita sa aking mga mata ang pagod na aking nadarama.
Buti nalang okay na ako ngayon, kape lang talaga sapat na.☺️
Kain tayo mga ka noisers, late dinner na 'to, adobong chicken ang aking ulam. tirang ulam ko kaninang umaga.😁
One of my favorite ulam.☺️
Magandang gabi po pala sa lahat.
Good night po sa mga tutulog na. sweet dreams.
#Randomthoughts
© cjjamer
Stolen shot
Paisa nga po muna ako, tagal ko ng hindi nagpaparamdam ulit dito. super duper busy kasi ang inyong Hugoterong senti pero hindi sawi.
Laging naghahapit sa work, paguwi ng bahay pahinga na agad para makabawi ng lakas.
Daily routine ko work-bahay lang, kaya minsan nagala din kapag may time.
Kuha pala po yan nung linggo, nag Padre Pio po ako.
Inuupuan ko muna dahil pagod na ang mga paa at sumilong na din dahil sa subrang init ng araw.
Hindi ko namalayan may kumuha pala ng picture ko habang ako'y nakatanaw sa langit.
Buti nalang maganda ang kinalabasan.hehe
Hello noise world! what's up what's up, what's y'all's doing? anong balita sa noise platform? may bago po ba or gaya pa din po ng dati? hehe
Anyways, nasa work ko ako ngayon. panggabi na po ulit ako,kaya padaan lang po dito.
Ingatz po ang lahat , God bless everyone.🙏
© cjjamer
What's up noise world!
Isang mapagpalang araw po ng biyernes sa ating lahat.
Thank you Lord rest day na bukas. makakasama kona ang aking babypupu.☺️
Nga pala nagpabudol po ako kay Lazada, anyways nagustuhan ko lang siya dahil kapag pinofold siya ay hindi napupunit.hehe
Naaawa na kasi ako sa sapatos ko nasisira na kababike ko.
- Sapatos -
Sa lahat ng hamon ng buhay andiyan ka handang umalalay.
kahit sa baku-bakong daan
ako ay iyong pinoprotektahan
at sa mga naka usling bagay,
iyong ipinanangalang ang iyong katawan
huwag lamang akong masaktan at makapagpatuloy sa aking paruruunan.
Salamat aking kaibigan sa iyong pagmamahal na hindi matatawaran.
kaya ikaw ay aking pahahalagahan kagaya ng pagpapahalaga ko sa aking buhay.☺️
© cjjamer
"God heals the brokenhearted
and binds up their wounds"
Psalm 147:3
Ayoko man aminin
minsan ako ay nahihirapan
ayoko man ipakita
pinagkakanulo ako ng aking mata.
ayoko man iparamdam
makikita mo sa aking bagsak na katawan.
sa problemang andiyan lang
na hindi alam kung paano susulosyonan.
pasok ka lang kung saan
siya ay naghihintay lamang,
saiyong pagkatok sa kanyang tahanan
kung saan laging bukas sa lahat.
tenga niyang nakahandang makinig
naghihintay lamang siyang
ibulong mo ang iyong nararamdaman.
Laging tandaan na siya ay laging nandiyan lamang. Kaya't huwag kalimutan magdasal, humingi ng tawad sa lahat at huwag kalimutan na magpasalamat.🙏
© cjjamer
Breakfast
Fried rice with fried egg and longganesa.
pakiramdam ko kulang yung rice ko, kukunti lang kasi.hehe
Mababawasan ko ata yung tinapay na pang merienda ko.haha
Tara po kain tayo, kahit kulang sakin to aayain ko pa din po kayo. masabi lang na inalok ko kayo.hehe
Hello mga ka noisers, napasilip po ulit ako dito.
after 5days, naging busy lang subra kaya hindi po makasilip dito, pati sa kabila matumal ang pagbisita ko. sana po hindi niyo ako makalimutan.hehe
Anyways, ingatz po ang lahat.
ito ang lagi kong paalala at sana baunin niyo po lagi ito.☺️
Have a great day ahead. god bless everyone.
© cjjamer
Masamang panaginip
Natulog ako ng payapa
magaan ang loob saka mata'y ipinikit
umaasang paggising maganda ang resulta
at makaka ipon ng lakas paggising ng umaga.
Ngunit bakit nagbago ang timpla
sa kalagitnaan ng aking pagtulog
Matiwasay na paglalakbay
napunta sa isang bangungot.
Sa panaginip ko'y ako ay inaanod
sa sapang malaks ang agos
sinisikap igalaw ang mga paa at kamay
upang hindi malunod.
ngunit merong isang kamay na humawak
sa aking mga paa
at hinilang bigla pailalim sa tubig.
Gustuhin ko man sumigaw ng "tulong"
walang boses na lumalabas
sa bibig kung tila ba may pumipigil
sa pagsigaw ko ng malakas.
"Ina'y" ang tangi kong nasasambit
habang nanghihina
dahil ang lakas ko nasaid na
saka ko naalala paalala ng aking ina
na laging tumawag sa pangalan niya
at laging humingi ng tulong sa pamamagitan ng taos pusong pagdadasal sakanya
upang tayo ay maisalba
sa kamatayang nakikita.
© cjjamer
My two babies
May kasama na ang aking babycj,
walang iba kundi ang aking babypupu.
ang problema inaaway ng aking babypupu si babycj ko.
kawawa naman kapag nakagat siya iwawasiwas pa ng aking babypupu sabay aapakan ng dalawang paa.😁🤭
minsan kagat kagat niya yan bitbit tas aakyat ng sopa.hehe
Kuha ko pala yan sa kanila nung linggo, family time.🤣
Good morning po, kumusta po ang lahat? nasa area niyo pa po ba si karding?
si karding na siyang naging dahilan ng pagkansela ng aming pasok kahapon. sayang ang isang araw ko pang kain na sana yun ng aking babypupu.🥺
Anyways, ingatz po ang lahat.have a great day ahead.
© cjjamer
Ang sugat na galing sa matalas na bagay ay naghihilom,
ngunit nag iiwan ito ng bakas.
At ang sugat na dulot
ng masaklap na kahapon ay
nag iiwan ng bakas at
hindi naghihilom.
hello my dear noise.app family.
Unang post ko po ito dito.
sa tulong ng mga ka tiger ko andito ako ngayon, tumawid mula sa kabila para maki join dito at mag ingay ng panibago.😊