read.cash Log in
@cjjamer

Blocked Numbers! Gaano kadami ang natawag na numbers sainyo, tapos ang pakay lang naman ay alukin ka ng credit card. Ganito na kadami ang na blocked kong numbers, naiisturbo kasi ang tulog ko kapag natunog ang cellphone ko. Yung iba sinasagot ko para sabihin na hindi ako interested at sabihin din sakanila na huwag na akong gambalain dahil nakakaisturbo sila ng tulog. Pero hanggang ngayon natawag pa din, kaya i decided na iblocked nalang sila. Ikaw ba naman araw-araw tawagan.grrrr Nakakapag init kaya ng ulo dahil nawawala ang antok ko. Sabi ng mga kaibigan ko suplado ako sa text or call. madami ng nagsabi niyan sakin. Suplado lang naman ako kapag hindi ko gusto ang kausap ko at saka ayoko dun sa makulit dahil makulit din ako.😁😁😁 Anyways, magandang gabi noise world! May 4hours lang akong tulog kanina pero sapat na yun para sa magdamag na puyatan.hehe Ingatz po ang lahat, nakita ko sa ibang lugar maulan dahil sa hanging amihan tapos meron pang bagyong parating. Sana lumihis siya para naman walang maapektohan na aking mga kababayan.🙏 © cjjamer

24 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.