Who are construction workers? Sila ang mga taong kasama sa gumagawa ng mga gusali tulad ng paaralan na kung saan nag-aaral ang mga bata, bahay natin kung saan tayo nakatira, mall kung saan namimili tayo ng ating wants and needs, simbahan na kung saan dito natin pinipraise at ewoworship si God at marami pang ibang mga bagay o estruktura na kabilang ang mga construction workers.
Sa sarili nilang pamilya sila din ay BAYANI. Sa kanilang pagtatrabaho maulan man o maaraw, tulo ng sipon at pawis magkasabay para may ipambubuhay sa pamilya. Kahit langhap nila minsan ay nakakasama na sa kanilang katawan tulad ng pintura at mga alikabok, tuloy pa rin sa buhay. Para sa pag- aaral ng mga anak at sa kinabukasan ng pamilya.
Di natin alam ang buhay ng isang construction worker. Minsan mapalad minsan hindi. Dahil ilan sa kanila nadidigrasya. Di natin hawak ang buhay natin.
Ngayong panahon ng pandemic karamihan ng tao ay naghihirap. May mga mag- aaral ngayon na nagtatrabaho na bilang isang construction worker. Sa umaga nagtatrabaho at sa gabi naman nag- aaral at sinasagutan ang modules.
Di madali ang buhay ng isang construction worker.
Again! You are called a HERO not because you are smart and you have a lot of contribution to our country. You are called a HERO because you did your best to satisfy the needs of your family in a good way. GOOD JOB! MAY GOD WILL BLESS YOU MORE, HUNDRED FOLDS.❤️❤️
Kaya kapag meron kami pagawa dito sa bahay, binubusog namin sila. Kasi grabe nga ang hirap at pagod nila. Sabi nga nung isang karpintero namin na sanay na siya sa init. Yung biglang uulan o aambon doon daw kadalasan mga construction worker mas takot.