Tatay

41 113
Avatar for carisdaneym2
3 years ago

You don't need to read this. hinaing ko lang to sa buhay.

I am not supposed to write an article today but something bad happened right now. I don't know what to do. I can't even say it properly. Gusto ko lang mabawasan yung bigat na nararamdaman ko ngayon. Kanina ang saya saya ko pa nga at sobrang busy kakabasa ng articles at masyado akong busy sa gadgets ko. Hindi ko namalayan na tanghali na pala. Kauuwi lang ni tatay galing bukid hindi ko na pinansin kasi ganon naman palagi, nakaluto naman na ako kaya makakakain na siya. Nalaman ko na umalis pala siya gamit ang sasakyan ng aking nakatatandang kapatid para magsauli ng modyul ng aking mga kapatid na nasa elementarya pa lamang. Ganoon naman ang nakasanayan ko na dahil siya naman palagi ang gumagawa ng mga ganoong bagay para sa amin. Napakapasipag ng tatay ko sa totoo lang, napakaresponsable at wala na akong mahihiling pa bukod sa malusog na pangangatawan at humaba pa ang buhay niya.

Kanina narinig ko na nakabalik na siya, wala akong kaalam alam naaksidente pala siya kanina at yung barangay tanod ang naghatid sa kanya dito sa bahay. Kung hindi niya pa sabihin na nahihilo siya hindi ko malalaman na naksidente pala siya. Tiningnan kong mabuti yung buong katawan nang humiga siya sa folding chair namin. Puro dugo at gasgas na kaniyang mukha, hindi ko alam gagwin ko kumuha ako ng alcohol at bulak para sana linisin ang sugat niya pero nanginginig ang kamay ko. hindi ko kaya, hindi ako sanay na ganon ang sitwasyon niya. Nasanay ako na kahit sobrang malala yung sugat niya ay kayang kaya niya tiisin dahil sanay na sanay ang katawan niya. Pero iba ngayon, dala na rin siguro ng katandaan niya kung bakit nanghihina na ang katawan niya ngayon. Mabuti na lang bago ako umiyak ng umiyak ay nagawa ko pang balitaan ang mga kapatid ko na wala dito sa bahay ako lang ang nandito dahil nasa trabaho silang lahat pati ang aking ina.

Hindi ko na alam gusto ko lang isulat 'to dito kasi isa to sa nakapagpapagaan ng kalooban ko. Pasensya na talaga, Ngayon andito na ang mga kapatid ko, mabuti nalang sampu kaming magkakapatid dahil kung hindi, hindi ko talaga alam gagawin ko. yung iba galing sa bayan yung iba nasa bukid pero nang malaman nila kalagayan ni tatay nandito na sila agad. sobrang mahal ko yung tatay ko pero wala akong nagawa kanina kung hindi umiyak at hayaan silang gumawa ng aksyon. Hindi ako mabulaklak sa mga salita na sinasabi ko sa kanila na mahal ko sila pero pinapakita ko yun sa araw-araw, tuwing umaga at hapon ipagtitimpla ko siya ng kape, lulutuan ko ng mga ulam na masabaw dahil gustong-gusto niya iyon at para hindi siya mahirapan sa pagkain.

Sobrang madamdamin akong tao. Napaka emosyonal ko at naiinis ako sarili ko dahil habang nag ta-type ako dito ay pilit pa ring tumutulo ang luha ko na akala mo gripo na hindi napatay ng isang linggo.

Ngayon nakaalis na sila para ipatingin sa doktor ang aking ama, sana lang hindi malala ang nangyari sa kanya, hindi ako makasama dahil natatakot ako at isa pa naka quarantine pa rin tayo par makaiwas sa virus. Sana lang talaga lord bigyan mo pa ng mahabang panahon si itay, gusto ko makita niya na lahat ng pagod, hirap at sakripisyo niya sa mga anak niya ay may napuntahan at gusto ko na masaksihan niya kaming nakasuot ng itim na toga. Sa sampung anak mo, tatlo na ang napagtapos mo, dalawa ang nasa kolehiyo, dalawa ang nasa high school level at dalawa sa elementary ang isa man sa iyong anak ay masaya na dahil pamilyado na siya at biniyayaan ka ng apo. Tay laban lang malapit na kami, onting hintay nalang maiingat ka na namin. Mahal kita tay, hindi ko masabi ng harapan pero alam na alam mo iyan. ikaw ang the best sa lahat, kaya siguro wala pa akong kasintahan dahil wala pa akong nahahanap na katulad mo, nakakatuwa din ang love story niyo ni nanay dahil 18 years ang tanda mo sa kanya pero nagagwa mo pa rin unawain ang ugali niya. Tay para sa inyo to lahat, yung pag iipon ko ng BCH dito para to sa inyo lahat. lahat para sa iyo dahil ikaw lang nag iisang tatay ko.


Sorry sa rants,ngayon kalmado na ako.

edited

Update:

Nakauwi na sila at dumating na din yung result, buti naman okay lang siya sobra akong nag alala sayo tay. Palakas ka pa ha a :>

14
$ 10.77
$ 10.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Jane
$ 0.11 from @lagrapefruit
+ 2
Sponsors of carisdaneym2
empty
empty
empty
Avatar for carisdaneym2
3 years ago

Comments

I didn't know about this, ngayon lang kasi ako nagbabasa ng articles. Kaya pala nakakapanibago ka this past few days, happy to hear that he's okay now.

$ 0.00
3 years ago

Medyo na trauma pa haha, ayaw niya sa hospital eh ayaw din pa ct scan. Mas gusto daw niya sa bahay ngayon pero okay naman kinalabasan ng x-ray kaya nagpapagaling nalang siya ng mga sugat sa katawan.

$ 0.00
3 years ago

Kahit naman siguro sino ayaw sa hospital. Get well soon!

$ 0.00
3 years ago

SalamatπŸ’—

$ 0.00
3 years ago

I teared up while reading this. Glad to hear that your father is okay now.

$ 0.00
3 years ago

Sobrang thankful po talaga ako kay God. Sabi ni tay noong nakauwi siya sa bahay saka lang lumiwanag yung paningin niya. Kinabahan po talaga ako don.

$ 0.00
3 years ago

Thanks God talaga.. mahaba pa ang buhay ni tatay mo.. :) makikita pa nya kayong mag succeed lahat. Doble ingat kamo sya next time

$ 0.00
3 years ago

Salaamat po ateπŸ’–

$ 0.00
3 years ago

I translated hehe I clicked on the little earth icon that's next to the bookmark icon up top.

I had started reading in English and then you switched to philipino πŸ˜… and I was like, "I have to find out what happened!"

I only speak native English and Spanish and a little bit of super basic French. Though now I'm thinking maybe I should learn Philipino. πŸ˜„πŸ˜„

$ 0.00
3 years ago

Haha so cuteeπŸ˜† we're actually the same if I can't understand the article my brain says "oh u should translate this" πŸ˜†

$ 0.01
3 years ago

How'd you learn English?

$ 0.00
3 years ago

English is Philippines second language πŸ‡΅πŸ‡­ (we usually speak and learn english in our school from elementary to college)

$ 0.00
3 years ago

Oooooh I didn't know that! Now it makes sense why so many of you speak natively. ☺️☺️

Alright, I'm going to give philipino a try, give me 6 months. πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

The Filipino language is kinda similar to Spanish because of the 333 years of their colonisation.

$ 0.00
3 years ago

You're right!

I just finished a session of Tagalog and it is so similar. Like Keso sounds like cheese in Spanish which is Queso. Lol.

$ 0.00
3 years ago

There's more😹

$ 0.01
3 years ago

I was shocked to read what happened to your dad!

Hope he's doing better. It's normal that you worried because you love him. πŸ™‚πŸ™‚

Best wishes, @lagrapefruit

$ 0.00
3 years ago

Yes, thank you so much. Thank God because the result came out with no major damage on his head.

$ 0.00
3 years ago

I'm very glad to hear that! πŸ˜ƒπŸ˜ƒ

$ 0.00
3 years ago

salamat :> pilipino ka ba? or u translate it?

$ 0.00
3 years ago

Mabait kang anak kya magiging okay dn tatay mo 😊

$ 0.00
3 years ago

salamat po ate jane :>

$ 0.00
3 years ago
$ 0.00
3 years ago

Payo lang car, sabihin mo sa tatay mo yun mga salitang "mahal kita" baka kasi dunating ang araw na pagsisihan mo na di mo nasabi sa kanya yan. Isa yan sa mga regrets ko sa buhay, yun di ko man lang nasabi sa papa ko na mahal ko sya..

Pero tiwala lang at pray kay God, magiging maayos din si tatay mo.

$ 0.00
3 years ago

salamat po ate mel <3 nasasabi ko naman po sa kaniya pero hindi madalas, tahimik lang po kasi talaga ako. super mahiyain po ako sa personal.

$ 0.00
3 years ago

Kmusta na sya ngayon?

$ 0.00
3 years ago

okay naman na po, nag papa x-ray pa po sila hindi pa po bumabalik.

$ 0.00
3 years ago

Pray lang car, magiging okay din si tatay mo.

$ 0.00
3 years ago

Opo ate melπŸ’– thank you poπŸ’

$ 0.00
3 years ago

sana gumaling mga sugat niya pero wala naman daw minor injuries?

$ 0.00
3 years ago

hindi ko pa alam pero duguan siya kanina. sana okay lang siya

$ 0.00
3 years ago

magiging okay lang yang papa mo, basta wag ka masyado mag isip ng negatives, ikalma mo din self mo baka kase ikaw naman ang magkakomplikasyon. πŸ™‚

$ 0.00
3 years ago

hoy salamat haa nahihirapan akong huminga kanina kaya nagsulat ako, sorry din kasi dito pa ako nag rarant ng problema ko.

$ 0.00
3 years ago

hindi naman masama kung maglalabas ng problems dito mas ok nga na magseek ng advice galing sa mga strangers, basta wag ka lang magoverthink, baka kase ikaw pa mamaya isugod sa ospital

$ 0.00
3 years ago

huwag naman haha pero salamat haaa :>

$ 0.00
3 years ago

huwag naman haha pero salamat haaa :>

$ 0.00
3 years ago

Magiging okay tatay mo. Tiwala lang. At yung parents mo naman ay napaka swerte dahil mayron silang anak na super mapagmahal gaya mo. ❀

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po, kinakabahan lang po talaga ako ngayon. hindi ko po alam gagawin ko

$ 0.00
3 years ago

Your reaction was valid nman. Of course yoh were shocked. But it's good na you calmed yourself na.

$ 0.00
3 years ago

thank you po :> (dito pa ako nagkalat sa read.cash)

$ 0.00
3 years ago