Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi?

15 42
Avatar for bheng620
3 years ago

Magandang Hapon po sa lahat, kumusta po kayo? Ako, sa awa ng Diyos eh buhay pa naman po, lol, ngayon lang ulit magsusulat ng aking artikulo dito pagkatapos ng pananahimik, pag-iisip, pagmumulay-mulay o pagmumuni-muni dito, pagkatapos ng pagiging tamad at hindi pagsusulat dito sa loob ng dalawang araw pero ngayon, ang inyong abang lingkod po ay nabuhay at naritong muli para sa kaniyang artikulo, sana ay inyong magustuhan, lol.

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi?

Ang mga katanungang iyan ang aking itinatanong dito ngayon sa aking sarili, saan nga ba, kailan ba ako liligaya't magiging masaya?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Ang mga katanungang hanggang ngayon eh walang sagot na mahanap at laging nasa balag ng alinlangan o kawalan.

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Saan, bakit at ano ang aking nagawa, bakit ako ang nagdurusa, ito ba ang aking tadhana?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Hindi ko mawari, hindi ko maintindihan, ako ba ang laging may mali o pagkakamali kaya sa bandang huli, ako ang umuuwing laging sawi?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Ito ba ang guhit ng aking palad at kapalaran? Ganito lamang ba ang aking mararanasan sa aking buhay dito sa Mundong ibabaw?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Saan, bakit? Ako ba'y ipinanganak lamang para laging masawi sa pag-ibig na aking inakalang totoo pero iyon pala eh isa lamang pagkukunwari?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Bakit ako ang laging sawi at lumuluha? Hindi ba ako swerte sa pag-ibig at hindi ba ako pwedeng maging masaya?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Ito ba talaga ang aking buhay at kapalaran, hindi ba ako pwdeng magmahal at maranasan kung paano mahalin tulad ng ibang tao o nilalang dito sa ating Mundong ginagalawan?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Saan, bakit at ako ba talaga'y laging uuwing lumuluha at sawi dahil sa pag-ibig na sa una lamang pala totoo't maganda?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Hindi ko na ngayon maintindihan o mawari, ang aking bang inibig o iniibig sa ngayon eh puro pagdududa at tamang hinala lamang ang basehan para ako eh tuluyang iwanan na sawi at luhaan?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Ang mga katanungan sa aking isipan na hanggang ngayon walang sagot na mahagilap o mahanap? Ito ba ang kaloob sa akin ng Poong Maykapal sa Kalangitan habang ako'y nabubuhay dito sa Mundong ibabaw?

Saan Ako Nagkamali, Bakit Sa Huli, Ako Ang Laging Sawi? Saan nga ba, bakit nga ba at ako ba talaga ang laging nagkakamali sa pag-ibig na sa bandang huli uuwing bigo at sawi?

Saan nga ba ako nagkamali, bakit sa huli, ako ang talunan at laging sawi sa pag-ibig na aking inakalang totoo pero sa bandang huli eh isa lamang palang huwad at puro pagkukunwari't tamang pagduda at hinala ang akin lamang palang mapapala? Ngayon ang aking puso eh hindi lamang namamaga kundi puro pasa't tahi at benda na panahon lamang ang nakakaalam at makakahilom sa sugat ng nakaraan at kasalukuyan, hindi ko alam kung hanggang kailan at kung hanggang saan pero dasal o dalangin ko'y sana dinggin na iyon ay hindi habambuhay dahil gusto kong mabuhay na masaya't payapa sa piling ng aking magiging pamilya kung sakaling iyon ay ibibigay sa akin ng Diyos na alam kong Mapagpala at Mapaghimala.

Iyan lamang po sa ngayon, magandang hapon po ulit dito sa lahat, magkakape na po ako dito, lol, ingat po sa lahat at lagi po nating tandaan na napakabuti at mapagmahal po ang ating Diyos dito sa Mundong ibabaw, sa susunod at uulitin po ulit :)

9
$ 7.37
$ 7.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Codename_Chikakiku
$ 0.05 from @Jane
+ 4
Sponsors of bheng620
empty
empty
empty
Avatar for bheng620
3 years ago

Comments

Maraming salamat po sa mga ngbgay po ng upvote, God bless po sa inyong lahat :)

$ 0.00
3 years ago

wag magmadali :) just enjoy your career and be a better version of yourself :) darating din sya

$ 0.01
3 years ago

Salamat n gnun po ba, lol, sna po dmating na po xa kc 2 years from now, 40 years na po me, lol, gusto q po mgkaanak khit isa lng po sna, lol

$ 0.00
3 years ago

heheh hanap ka ng "sperm donor" make sure na guapo joke..Pray for it..Mag journal ka..Isulat mo ang characteristics ng lalaking gusto mo..Sulat ka ng 3 sa unang araw, then say "Thank you 3x", dagdagan mo ng 3 araw2 and say "thank you kada basa mo ng characteristics nya"..law of attraction :D

$ 0.01
3 years ago

Opo, lol, salamat n subukan q po gwin ung cnsbi nyo po dhil bka epektibo po, opo, naniniwala po aq sa law of attraction n karma po :)

$ 0.00
3 years ago

May dahilan ang bawat hakbang, bawat pagtapak ng ating paa ay isa ng landas patungo sa ating kagustuhan. Sa ngalan ng pagibig, handa tayong masaktan, ika nga nila walang perpektong pagibig, ang pagibig na dalisay ay nabubup ng pagsubok at panahon. Sa pag-ibig normal na masaktan, iyan ay isang karanasan na maaring maging daan upang tayo ay matuto sa pagkakamaling ginawa sa nakaraan. Ipagpatuloy lamang ang buhay, yan ang mahalaga, kung makakatagpo ng bagong pagibig ay huwag basta basta sunggaban, alamin muna ang ugali at kanyang kakayanan. Dito ko na ito tinatapos sapagkat pag akoy nagpatuloy baka makagawa pa ako ng isang artikulo.😅😅

$ 0.01
3 years ago

Tma po kau sa mga cnbi nyo po n opo, pwde na pong gwing artikulo ang inyo pong nging komento d2, hahaha, ang buhay at pag-ibig ay preho pong mhrap pro my mga tao po na prehong swerte sa dalawang 'yan po, hiniling ko po dti na sna isa po aq sa kanila pro ndi po ngyri, cguro po ndi q pa panahon o oras pra po sa gnyang bgay, lol

$ 0.00
3 years ago

You will find out soon enough.

$ 0.01
3 years ago

Hope so too po, hope it will be very soon po :)

$ 0.00
3 years ago

Sa huli talaga magkakaalaman ng katotohanan, bhengbheng!

$ 0.01
3 years ago

Un nga po, lol, akla q po my happy ending n prince charming na po aq, ang ending, nganga po aq d2 ngaun, lol, salamat po sa upvote, miss bloghound :)

$ 0.00
3 years ago

ganun talaga ang buhay, bheng. welcome :)

$ 0.01
3 years ago

Opo, prang life lng po, lol

$ 0.00
3 years ago

ahaha onga po eh

$ 0.01
3 years ago

Opo, lol, gnun po tlga ang buhay, prang lyf lng po, lol

$ 0.00
3 years ago