Pinagtagpo, Ngunit Hindi Tinadhana

15 84
Avatar for bheng620
3 years ago

Magandang gabi po sa lahat, kumusta po kayo? Ang artikulo ko po para sa gabing ito ay base o hango sa aking karanasan at sa isang kanta, lol, ipagpaumanhin at sana maintindihan po ninyo ang tema o ipinapahiwatig ng aking isusulat sa gabing ito, ang buhay po talaga eh napakaraming sorpresa, sa isang iglap, ika'y masaya, sa isang iglap, ika'y hindi na, ngayon, sisimulan ko na po ang aking isusulat, sana po magustuhan ninyo, lol.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ang lahat ay nauwi lamang sa wala.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, hindi maiwasang isipin kung saan ako nagkulang.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, hindi maintindihan kung saan ako nagkamali o kung sino ang may mali.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, sa loob ng dalawang taon, ang lahat eh nauwi lamang sa wala.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, kailangan ko na bang kalimutan kahit ako'y masasaktan?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, sadya bang magpalaro ang tadhana't ang puso?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, mainam bang kalimutan nalang para sa aking sariling kapakanan?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, hindi maiwasang balikan ang nakaraan, ang masasayang sandali na alam kong hindi ko na makakalimutan.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, nakakapanghinayang ang dalawang taong relasyong iningatan at pinagsamahan.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, bakit ang sayang naramdaman eh parang panandalian lamang?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, bakit sadyang parang napakadali lamang ang magpaalam?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, hindi maiwasang tanungin ang aking sarili kung ito ba talaga ang aking kapalaran?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, bakit ang sakit eh hindi agad mawala-wala?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, sa isang iglap, ang sayang naramdaman eh parang bulang naglaho't napunta lamang sa kalangitan.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ito ang aking napala dahil agad akong naniwala't nagtiwala.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ngayon, ang sakit at luha ay parang malabo ng mawala.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ito siguro ang paraan ng Maykapal at tadhana para sabihin na hindi siya ang aking kapalaran?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, siguro hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ang sakit at lungkot na aking nararamdaman, hanggang kailan ko ba mararamdaman?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, sa aking hinagap, hindi ko inakala, sa isang iglap, ang lahat ay parang naulit sa simula.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ako ba ang nagkamali't nagkasala?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, sadya bang magpalaro ang kapalaran o ika'y sinusubukan niya lamang?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ngayon, parang uulit at magsisimula na naman sa wala.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ngayon nagtatanong sa aking sarili, anong rason o dahilan, bakit ganito ulit ang aking naranasan at nararamdaman, ako ba ang nagkamali't nagkulang o sadyang may ibang dahilan lamang?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, para akong bulag na nangangapa sa dilim at hinahanap ang liwanag.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, saan ako nagkamali't nagkasala, 'yan ba ang aking napala dahil napakadali kong maniwala't magtiwala?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ngayon, ako'y parang naulila at parang bata na nawala sa kanyang pamilya.

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, saan ako ulit magsisimula kung siya na ang aking naging simula, ang naging rason ulit para maging masaya at muling magmahal at magtiwala?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ako ba ang uuwi o maiiwang sawi dahil lamang sa isang pagkakamali?

Kami ba talaga'y pinagtagpo, ngunit hindi talaga tinadhana?

Iyan ang aking tanong sa aking sarili na sana ay mahanapan ko agad ng sagot kung hindi man, puwede bang ikaw na lamang ang sumagot?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, saan ako ulit magsisimula kung ang naging rason o dahilan ko ay bigla nalang nawala?

Pinagtagpo, ngunit hindi tinadhana, ang malaking tanong na nasa aking isipan sa ngayon na pilit kong hinahanapan ng sagot o kailangan ko na lamang ibaon iyon sa limot?

10
$ 9.74
$ 9.45 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Alther
$ 0.05 from @Jeaneth
+ 5
Sponsors of bheng620
empty
empty
empty
Avatar for bheng620
3 years ago

Comments

Thank you for the upvotes :D

$ 0.01
3 years ago

Welcome po :)

$ 0.00
3 years ago

Aww relate much..Gusto ko din gumawa ng article like this hehe

$ 0.01
3 years ago

Tlga po, pwde mn po kaung gmwa ng gnitong article din po, mdyo ibhin nyo lng po ng konti, lol

$ 0.00
3 years ago

@kingofreview, @Alther, @Idksamad7869, thank u po for the upvote :)

$ 0.00
3 years ago

Ang sakit nman miss bheng 😩

$ 0.01
3 years ago

Msakit po tlga, miss jeaneth, isipin u po, pnagtagpo po kau pro ndi mn po tnadhana, salamat po sa upvote, lol, gnun po cguro kapalaran q po eh, pro mnsan ndi q po maiwasan, ano po mali o ngwa q pong mali kc gnito po ulit ang ngyri n nranasan q po

$ 0.00
3 years ago

Pinagtagpo pero di itinadhana. Andaming puso ang nasaktan dahil dyan. Ang ganda. Siguradong makakarelate ang mga broken hearted nito.

$ 0.01
3 years ago

Salamat n opo, mdyo related po yan sa kanta n inspired din po sa kantang yan n mdyo broken hearted po kya yan po, lol, mgnda po yang kantang yan, dhil ung ngcompose po ng kantang yan msmo ang nkaexperienced mkpghwalay sa gf nya dhil ang dming kontra o ayaw o tutol po sa knya pra dun sa gf nya, kya un, khit mahal na mahal nya gf nya, nkpghwalay po xa kc ndi na po xa msaya n prang nhihirapan na din po xa

$ 0.00
3 years ago

Kaya naman pala. Hayaan mo, makapagmove on ka rin. Mahilig din kasi ako sa mga sad music.

$ 0.01
3 years ago

Opo, mraming salamat po, aq din po n ntaon na broken hearted po aq tpos yang kantang yan po nrinig q kya yan po ung cnulat q d2 n un din po kc tnong n nraramdaman q ng mga sandaling un po

$ 0.00
3 years ago

Yung title tlga kumuha attention ko . ang sakit nun bheng 😅

$ 0.01
3 years ago

Opo, msakit po tlga, mantakin u po, pinagtagpo po kau pro ndi mn po tnadhana, lol, salamat po sa upvote

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda. Ang sakit. May kulay. May hangganan. May ngiti. May hugot! Parang madrama ang ating kwento ngayon, bhengbheng. Naaliw ako sobra.

$ 0.01
3 years ago

Salamat po at ngustuhan nyo po n salamat po sa upvote, my hugot po tlga dhil base po yan sa estado po ng relasyon q po ngaun n mdyo ndala lng po sa kantang un po, lol

$ 0.00
3 years ago