Relihiyon at Kasalan

6 19

Kinasal ako nung nakaraang taon 2019. Kinasal kami sa huwes kasi magkaiba yung relihiyon namin.

Ako ay lumaking isang Katoliko. Pinalaki ako ng isang pamily na makadiyos. Yung papa ko mahilig mag basa ng bibliya. Yung mama at lola ko kasama sa mga organisasyon sa simbahan at sa komunidad. Nagiging kwento namin ng papa ko sa gabi ay mga milagro na nagawa ni Jesus ar ibang mahahalagang pangyayari na nababasa biya sa bibliya. Yung lola ko naman nag kukuwento tungkol sa mga buhay ng mga santos kung pano sila naging isang santo. Bahay namin malapit lang sa simbahan, mga dalawang minuto na paglalakbay lang. Tas akoy nag aral sa isang Katolikong paaralan. Sa sobrang relihiyosa ko dati, dumating ako sa punto na gusto kong mag madre hehe sa maikling salita, lumaki akong Katoliko at lumaki ako sa isang Katolikong pamilya.

Yung asawa ko lumaki na isang Protestant. Di ako masyadong maalam sa relihiyon nila kasi sa tinagal namin sa aming relasyon, ni isa hindi pa ko nakasamba sa kanilang simbahan. Ang alam ko lang ay dati yung mga protestante ay sila yung sobrang tutol sa Katoliko.

Lumaki kami na magkaiba ang relihiyon at paniniwala. Siya ay Protestante at ako ay Katoliko pero hindi ito naging hadlang sa relasyon namin o naging dahilan ng away namin. Nirerespeto ko ang kanyang kinalakihan, kanyang paniniwala at kanyang pamilya. Sabi ko nga sa kanya na hindi siya magiging isang perpektong asawa ko kung hindi dahil sa kinalakihan niya. Natanong ko kung gusto niyang lumipat ng relihiyon para makasal kami sa simbahan. Sinagot niya ko na ayos lang naman sa kanya kung gusto ko talaga sa simbahan. Masaya ako sa narinig ko pero ayokong mag bago siya kasi nung simula pa lang, alam ko na na iba ang relihiyon niya at minahal ko siya ng buo kahit ano mang pagkakaiba namin. Ayokong baguhin kung ano man siya nung nakilala ko ng dahil lang mahal niya ko. Natanong ko rin ang sarili ko kung ako sa lugar niya, "Gustuhin ko rin bang lumipat ng relihiyon dahil sa pagmamahalan namin?" at ang sagot ko sa sarili ko ay ayoko ng ganyan na relasyon. Yung tipong gusto mong mag bago dahil mahal mo ang tao na yun. Ayos lang naman yung ganyan pero para sakin kung gusto ng isang tao lumipat ng relihiyon, dapat lumipat siya kasama ng paniniwala niya at hindi dahil lang mahal niya ko.

Kasi ang relihiyon ay nasa paniniwala mo yan. Kung ano ang gusto mong paniwalaan at kung ano ang papaniwalaan mo. Kasama rin sa pag lipat ng relihiyon ay ang pag sunod sa tradisyon at kultura ng relihiyon na iyon. Maraming bagay ang kailangan mong baguhin pag lilipat ka sa isang relihiyon at ang pagmamahalan ng dalawang tao ay hindi sapat na dahilan para lumipat ng relihiyon. Napakawalang galang naman sa relihiyon na yun kung lilipat ka lang dahil lang sa mahal mo. Di ba pwedeng dahil sa mahal mo at dahil sa paniniwala mo na rin?

Kaya yun, walang lumipat sa aming dalawa. Hindi ito naging dahilang ng away namin. Sumisimba siya sa kanilang relihiyon kasama ang anak namin at magulang niya. Sumisimba pa rin ako sa aming relihiyon kasama ang anak ko at magulang ko. Pag nasa bahay, nagdadasal pa rin kami ng sabay sabay kasi kung iisipin mo, isang Diyos lang rin naman ang aming pinaniniwalaan. Magkaibang relihiyon, proseso, paniniwala at natutunan pero iisang Diyos pa rin ang aming sinasamba at kinakausap.

Dapat buo kung mag mahal tayo ng tao. Ibigay ang lahat ng walang hinihinging kapalit.

Pero syempre, itong mga sinasabi ko ay aking opinyon lamang. Alam kong may iba't iba at sarili tayong opinyon, gusto kong malaman ng lahat na nirerespeto ko rin bawat opinyon niyo hehe

Salamat sa pag basa sa aking karanasan.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbhoho44
empty
empty
empty

Comments

Yung bf ko inglesiya ni Cristo ako katoliko din. Magkaiba din kami ng relihiyon pero never yun naging dahilan ng pag aaway at di pag kakaunawaan namin. Dahil gaya niyo parehas naming nirerespeto ang bawat isat isa. Atsaka naniniwala kami na Diyos ang magsasalba saatin at hindi ang relihiyon. Ang relihiyon lamang ang gagabay saatin pero nasa Diyos padin ang awa. Tama kapo iisa lang naman ang ating Diyos kahit ano pa ang ating relihiyon, kaya dapat hindi ito makaapekto sa isang relasyon

$ 0.00
4 years ago

Tamaaaaaa! Wala nakong masabi hahaha

$ 0.00
4 years ago

Ito din ang isang problema ko kasi akoy isang katoliko at siya ay isang born again,,isa lang din ang concerned ko kasi di ako makapag communion kasi hindi din kami kasal sa church 😥

$ 0.00
4 years ago

Para sakin din po kasi sa katolikong relihiyon din po ako lumaki at lola ko rin psalmist at seminarista sa simbahan nung buhay pa siya.Kung may gustong magpakasal na magkaiba ang relihiyon dapat yung lalaki ang lumipat pero óptional lsng naman yun para sakin.Pero yung kasal ay dapat talaga idaraos o gagawin sa simbahan or in a religious way kasi andun yan sa 7 sacraments po ntin yan the sacrament of matrimony,one of ways to save our souls po.Sa huwes kasi batas ng tao lang po yun at naging kasal lang po kayo sa mata ng tao at hindi sa Diyos.Pareho po ninyung mag asawa nalabag yung utos ng Diyos.Kung nais mo naman po makasal sa simbahan pwede naman po cguro kayu magpakasal sa church ng asawa mo or sa catholic.Sayang po kasi yung pagsimba mo di ka makaparticipate sa holy communion kasi may harang.Sorry po advice ko lang.Godbless🙏

$ 0.00
4 years ago

Wala nmn akong nakikitang mali kahit magkaiba pa ang inyong relihiyon. Jan mo masusukat ang pagmamahal nio sa isa't isa. Kaya di rin ako pabor sa ibang relihiyon na kailangan mo magpaconvert para lng maikasal kau or pwde kaung magsama. Well,it's also my opinion. Although parehas nmn kaming catholic ng asawa ko. It's good na ganun din opinyon mo..

$ 0.00
4 years ago