Sa probinsya di talaga nag kakaubusan nang Saba Banana! Nag isip isip ako kanina kung anong putahi pwede kong lutuin sa Saba. Naisip ko mag Maruya na lang.
Unang ginawa ko ay kinudkod ko ang sampong Saba Banana. Tapos nilagay ko sa isang malalim na lalagyan.
Hinaluan ko ito ng one half cup sugar, one half cup flour, one half cup bearbrand or your preferred milk powder at dalawang itlog. Hinalo ko lahat ng sangkap hanggang sa nagkaroon ako ng mixture.
Tapos ipinirito ko agad ito. Pag medyo golden brown na siya, kinuha ko na agad bago pa masunog hehe
Eto ang aking munting Maruya!
oo maraming nagtintinda ng maruya sa school namin. dami kasing.saging saba dito sa.amin. affordable yan ng mga bata...