Maruya!
Sa probinsya di talaga nag kakaubusan nang Saba Banana! Nag isip isip ako kanina kung anong putahi pwede kong lutuin sa Saba. Naisip ko mag Maruya na lang. Unang ginawa ko ay kinudkod ko ang sampong Saba Banana. Tapos nilagay ko sa isang malalim na lalagyan. Hinaluan ko ito ng one half cup sugar, one half cup flour, one half cup bearbrand or your preferred milk powder at dalawang itlog. Hinalo ko lahat ng sangkap hanggang sa nagkaroon ako ng mixture. Tapos ipinirito ko agad ito. Pag medyo golden brown na siya, kinuha ko na agad bago pa masunog hehe Eto ang aking munting Maruya!
20 comments
oo maraming nagtintinda ng maruya sa school namin. dami kasing.saging saba dito sa.amin. affordable yan ng mga bata...
Sa amin rin. Dami talaga pag sa probinsya hahaha
sarap n meryenda nyan.at nutritious at mur pa
Oo totoo! I agree! Masarap pa, marami pa nutrients hehehe sarap nga kahit hilaw kainin hehehe
Wow sarap naman po nyan Maan sa susunod nga po magawa, din Yan. Para sa mga pamangkin ko
Oo. Basta may Saba Banana lang, pwede na gumawa nang maruya, pinaypay o inihaw na saging hehehehe
Sarap nyan paborito ko yan ehhh kahit nga po simpleng prito lang .ansarap na lalo napo yang maruwa
Oo totoo! Kahit simpleng inihaw nga saging lang, masarap na eh lagyan lang margarine at asukal. Ahhhh sarap
Napaka sarap nyan sana makatikim ako ulit nyan. Tagal nadin nung huling kain ko nyan eh
San ba yung inyo? Padalhan ko kayo Saba Banana. Chos lang hahaha
Naku masarap po yan,marami din po yan dito sa probinsiya namin.At ang paborito ko pong pagluto ng maruya ay yung pinaypay,yung icut mo yung saging tapos lalagyan ng harina at magiging hugis paypay.Sobrang sarap talaga lalo na pag mainit pa po😍
Oo totoo! Masarap rin yung pinaypay at mas madali lutuin! Yan din yung meryenda namin nung nakaraang araw hahaha masarap rin yung inihaw na saging!
Ang sarap naman ng meryenda mo na yan, gusto ko din sana kaya lang wala din mga kasangkapan..
Yung pinakaimportante lang talaga na ingredient dito is yung Saba Banana kay pag nasa probinsya sobrang dali lang kasi marami hahaha
oo dami sa probinsya sis halos at karaniwan din binebenta yan ng mga may negosyo
Ang sarap na meryenda nian hnd na ako mkpgluto bsta kc ang hirap bumili sa palengke.
Oo nga eh! May color coding nang sasakyan, may alphabetical order para makapasok sa palengke. Hirap. Maswerte lang pag yung kapitbahay niyo mag isang lupa na sagingan hahaha nakaw nakaw onti, woops sorry hahahaha
Ahahaha yari ka jn😃😃..oo nga hirap nga bumili
wow uu sarap nyn maruya n yan isa s pina ka paborito kong luto ng sagin yan sobrang sarap nyn. gugawa din kami nyn ng asawa ko minsan sa meryenda ang iba pang gusto sa luto ng saging ay ang babana que saging con yelo banana cake at iba pa dhil masustansya yang saging at mdami taung nkukuhang benifits spg kain ng saging
yung saging con yelo pwede ba kaya ang Saba na saging yan? kasi Saba lang marami dito samin huhu maresearch ko nga din yan. tingnan ko kung ayos ba sa saba hehe thank you!