Isang maulang umaga
Gumising sa aking diwa
Tila ba nagbabadya
Sa isang malungkot na balita
Subalit pilit ko itong binalewala
Ngumiti kahit lang bahagya
Nagbasa, nagsulat, nagtrabaho at ano pa
Pero ang bigat sa dibdib ay di mawala-wala
Isang tawag, oo isang tawag
Sa akin ay lalong nagpakaba
Pangalan mo aking nakita
Ako'y nanginig sa takot at pangamba
Kung anuman ito ay ayoko na sanang malaman pa
Oh musta, anong balita?
Malumanay kong nawika
Ate, wala na sya
Diretso mong salita
Natahimik ako bigla
Balitang aking iniwasan ay ito na
Totoo na at di ko na kayang itanggi pa
Di ko alam anong aking sasabihin
Ang luhang pilit kong pinigilan
Ay sumabog na ng tuluyan
Para akong binuhusan ng isang malamig na yelo
Ang puso ko ay tila ba tinusok-tusok mg pino
Pano ba kita aaluin pinsan ko
Anak na iyong pinagdasal at pangarap
Naglaho ng isang iglap
Tamang salita ay di ko maapuhap
Sa panahong ito gusto sana kitang mayakap
Kaso ang hirap-hirap.
Tila ba ako ay nawala sa sarili
Di namalayan sumunod na mga sandali
Narinig ko na lang si Nanay ay nagsabi
Pakatatag ka at magdasal palagi
May dahilan ang lahat, di pa natin mawari
Mahirap anak ko pero di natin kontrolado
Magdasal ka at manalig
May dahilan ang lahat
Bukod tanging ang Diyos lang ang nakakaalam
Magtiwala, magpasalamat at ialay sa Kanya ang lahat.
Salamat uli kaibigan at ikaw ay napadaan
Sana ay iyong nagustuhan
Tulang kwentong aking naisipan
Ngayong umagang maulan.
Lead image is mine.
#originalcontent #readcash
Condolences. Tama si nanay. Hindi natin kontrolado ang buhay ng tao. Sabi nga ng iba ay ang buhay natin ay hiram lang.