Balik Tagalog na muna
Dahil isip ko ay di makapag-umpisa
Sa kung anong aking magiging topic ba
Di naman sa dami ng problema
Kasi sa totoo lang madami naman sila
Ayoko lang pansinin kasi nakakalula
At sabi ng aking nabasa habang binibilang mo daw sila
Lalo pang dodoble ang bilang nila
Kaya hayaan ko na lang, mapagod din sila
At baka sa'yo na nagbabasa mapunta
Oppsss, wag naman sana😁.
Pero kung tutuusin
Ang mga problema ay lagi naman nandyan
Di nya tayo iniiwan
Sinasamahan pa nga tayo
Di para tayo ay pahirapan
Kundi para tayo ay tulungan
Iahon sa kahirapan
Mapush ang ating mga kakayanan
At ilabas ang ating tapang na di pa natin nasusubukan.
Pero may ibang tao na talagang marupok
Onting problema, naghihimutok
Gigil pa nga at akala mo sobrang lugmok
Yun pala nakagat lang ng lamok😁
O kaya di naambunan ni bot (oopsssy!)
Pero alam mo si Lord iba din talaga kumilos
Sinong makapagsasabi na ang price ni pancake eh bababa after ko magharvest
Buti na lang ginamit nya si sis @leejhen para sabihan ako
Na baka kung di nya ko na-buzz nung nakaraan ay di ko pa maisipang i-out ang aking kaperahan
Pero ayun na nga
Naenjoy ko na ang aking kinita.
Kaya ikaw kaibigan
Wag ka na sad dyan
Smile ka na kasi ang ganda mo ay sayang naman
Ipakita ang ngipin habang kumpleto pa😁
At tawanan na lang ating mga problema.
Tignan mo ang langit, di ba ang ganda-ganda
Punong-puno ng bituin na animo kumikindat-kindat pa
Dasal lang katapat nyan
Gusto ko nga palang ipaalala sa'yo
Si Lord at di natutulog
Alam na alam nya kung saan tayo susunod na tatalbog
At alam nya kung saan tayo mananalo
Kapit lang, tiwala lang
Sa hirap at ginhawa, lungkot at saya
Pagod at pahinga
Alam Niya, kontrolado nya
Kaya kaibigan, smile ka na!
Hahahaha. Gusto ko yung part na "baka ikaw na nagbabasa ay sayo maipasa". Wag sa akin sa iba nalang. Joke. Oo smile lang talaga or tawanan na lang ang problema. Ganun talaga wala namang ibang magagawa. Tatanda lang tayo kung masyado natin poproblemahin ang mga bagay-bagay. 😊