Ako ay magpapahinga muna
Kailangan din mag-siesta
Bago ulit sumabak sa giyera
Ay sa trabaho pala
Grabe na naman kasi ang tao sa Kusina ni Camila
Ang aga-aga pa lang mga tao ay nagdagsaan na
Ako kasi ang tumao sa reception area
Ayun napalaban din sa English ng bahagya
Kasi mga bisita ay hindi basta-basta
At ang mga sasakyan ay ang gagara!
Mga bata pa kasi halos aming mga kasama
At di pa sanay makipag-usap sa ibang madla
Kanya-kanyang toka
Pero ang nakakaloka
Ako ang naghahanap at nagbubuhat ng upuan at mga lamesa
Bitbit ang aking wallet na bigay ni ina
Na lagayan ng aking mga nakolekta
At habang ako'y ngumunguya ng merienda
Biglang may darating ulit na di lang iisa kundi grupo pa
At gusto lahat pumwesto sa ibaba
Pano ba naman ang ganda kasi naman talaga
Payapa ang tubig, sarap titigan at kung gusto mo ay pwede ka pang maligo ng matagalan
Na ang init ng araw ay kaya mong labanan
Kaso sobrang dami talaga
Base sa listahan ko kanina
Halos 200 katao na
Di pa kasali ang mga bata
Salamat Lord sa biyaya
Kahit ang sahod ko ay wala pa
Dahil sabi ni kapatid ay understanding muna
Ayos lang, ang importante ay na-achieve namin ang main goal
'To regain Pug-os Beach it's glory'
At di lang yan, nagiging tourist attraction na din talaga sya
Kaya mga sissies @Firenze at @bbyblacksheep kayo ay humanda
Ipunin na ang BCH at kayo na ay dito pumunta
Isama nyo pa sis prof @Pisces-jr15 .
Nakakataba ng puso talaga
Makitang madaming nakaka-appreciate sa inyong ginawa
Na iba daw ang ambiance pag pumasok sila
Na babalik daw sila.
Kaya Lord, sana ay lagi mo kaming bigyan ng lakas at sigla
Na humarap sa iba-ibang klase ng tao na sa aming munting paraiso ay bibisita
Na sana ay masatisfy namin ang curiousity nila
At di sila magsawa na mag-spread ng magandang balita
Na sana ang mga taong nagtulong-tulong na mabuo ang proyektong ito
Ay di magkakagulo
At ang pera ay di nila maging issue
Bagkus ay maging open sana ang lahat sa kritisismo
Para di lang customers ang panalo
Kundi pati mga empleyado.
O sya mga kaibigan
Itutuloy ko na ang siesta ko
At mamayang alas-tres ay babalik na ako sa aking pwesto
Ako na ay rerelyebo.
Salamat sa pagbabasa at sana ay may napulot ka kahit onting moral lesson sa aking kwento.
Lead image is mine.
#originalcontent
Yan ang nakakatuwa sa mga events eh. Ung kaharap mo maraming tao tas sandamakmak na. Feeling productive ang peg hahaha. Kung pede lang tlga magteleport 😹😹