Si Maria

1 14
Avatar for bbghitte
2 years ago

Kumusta mga kaibigan?

Ngayon na lang ulit ako nakadalaw at nagkaroon ng pagkakataon na magbahagi ng isa na namang kwento

Sa isang tao na itatago natin sa pangalang Maria.

Si Maria ay kasambahay nila Keana

Kapitbahay ito ng nanay nya doon sa bayang pinagmulan nya

No read, no write si Maria

Mahirap lang sila, nakatira sa isang barong-barong na tagpi-tagpi sa gilid ng kalsada

Doon iniwa nya ang inang 90 taong gulang na

Kasama ang dalawa nyang kapatid at tatlong pamangkin nya

Di na halos makakita si nanay nya

At sya ang dahilan bakit tinanggap noon ni Maria ang alok na maging kasambahay nila

Noong una, maayos pa ang pakikitungo nila

Dinala nga nila si Maria para ipaglaba at ipagluto sila Keana at kapatid nya habang sila ay nag-aaral pa

At noong nakapagtapos, nagbalik sa probinsya at dito na nakahanap ng trabaho

Dala-dala pa din nila si Maria

At dito na nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay nya

Nagbago bigla ang pakikitungo sa kanya

Higit pa sa kasambahay ang trato sa kanya

Isang beses, nadurog ang puso ko noong pumunta sya sa bahay

Sabi nya nahihilo ako bes at halatang maputla sya

Kaya agad kong pinaupo at pinainom sya

Bakit kako, anong nangyari sayo?

'Nahilo ako sa ulam ko

Aba masarap siguro ito, biro ko

Hindi bes, baka sa kinain ko 12 pirasong ulo ng hipon

Ha? Dose piraso? Bakit ang dami?

Yun kasi ang inabot sakin bes na ulam ko

Luh, bes di ba may highblood ka? Bat mo kasi inubos yun?

Sayang kasi bes tsaka tagal ko ng di nag-ulam ng hipon'


Isang hapon habang nagmemerienda kami sa tindahan ng kapatid ko

Bigla na lang nagmamadaling lumapit si Maria sa kapatid ni Keana

Sabi, bes tignan mo nga yung kambing namatay na yata

Tumakbo sila at pinuntahan yung kambing

Ayon patay na nga at lumobo na ang tyan

Di malaman kung ano ang dahilan

Pero sabi ng bayaw ko baka daw may nakain na uod at yun ang ikinamatay

Akala namin, ayos na kasi ang sabi naman sa kanya ng kapatid ni Keana

Wala naman na silang magagawa kasi wala na at di na maibabalik o maisasalba pa

At sinamahan pa nga nyang ilibing itong kambing na kawawa

Pero laking gulat namin kinabukasan

Si Maria ang tamlay at nung tinanong ni Nanay kung kumain na ba sya

Ang sagot nya wala syang gana

Pinagalitan daw sya at sinisisi bat namatay ang alaga

Hay, kung alam lang nila ang hirap na Maria pumunta sa mga karatig na bukid para lang makahingi ng damo na ipapakain sa mga kambing

Pati nga ulam nila minsan ay sya pa ang namumrublema na kung tutuusin ay dapat sa mga amo na nya

Pati nga kape ni Maria ay sya pa ang nasagot kasi di naman pala nagstock ang amo nya


Sa isa na namang pagkakataon, nagbuhat si Maria ng mineral water

Eh nadulas sa kamay nya kasi may kabigatan naman talaga lalo at puno pa ito

Nabasag tuloy ang galon

Aba, pinapabayaran ba naman daw sa kanya

Kaya ang kawawang Maria ay nakihiram muna sa tindahan para lang may kapalitan ang galon nila


At nitong nakaraan lang, nalaman nya na ang pinangakong SSS na sabi hinuhulugan buwan-buwan mula pa noong sya ay namasukan ay di naman pala totoo

Na ni isang buwan ay di man lang nahulugan ito

Yun pa naman ang inaasahan ni Maria,

Na pagdating ng ika-60 nya kahit pano magkakapension sya

Pero ang masaklap nung pinacheck nya sa kakilala

Nalaman nyang wala pala ni isang pisong duling sana.


58 na taon na si Maria

At may mga iniinda na sa katawan nya

Pinipilit lang lumaban para may maiabot ma sustento sa nanay nya

Pero sa nangyayari sa kanya

Sobrang abuso na kasi mga amo nya

At sa madaming pagkakataon na magpapaalam sya na magbakasyon at makasama ang kanyang pamilya

Laging sabon at panunumbat pa ang ipapabaon ng mga amo nya sa kanya.


Di ko alam pano sya tutulungan

Dahil ilang beses na namin syang pinagsabihan

Ihahatid na nga namin sya sa bahay nila pumayag lang sya

Pero ayaw kasi nya, iniisip nya ang Nanay nya

Ang pamilya nyang umaasa sa kanya.


Ibang klaseng tatag at lakas ni Maria

Mas malakas pa yata sya kay Hidilyn Diaz

Pano nya lunukin ang trato sa kanya

Dahil kung ako yun baka nilayasan ko na sila

At baka pinabaranggay ko pa

Di na tama, di na makatao

Pero alam ko lahat ng ito ay may hangganan

Matatapos din ang paghihirap ni Maria

Makakatakas din sya sa hawlang kinasasadlakan nya

Dahil ang Diyos ang kinakapitan nya😊


Hanggang dito na lang ulit mga kaibigan

Sana kayo ay may natutunan.

Salamat at magandang gabi.

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent

2
$ 2.81
$ 2.49 from @TheRandomRewarder
$ 0.25 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Bloghound
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Nakakainis yung may mga ganyan sa kasambahay nila. Hindi na lang maging mabait sa kanila. Lalo mabait naman si Maria tapos bibihira na lang may mahanap na kasambahay na mapagkakatiwalaan. May balik ang lahat ng mga ito kay Maria pati sa mga abusadong amo niya. Nakakagigil. Grabe yung sa ulo ng hipon.😠

$ 0.00
2 years ago