Naranasan mo na bang pumila sa pagkahaba-habang pila?
Tagaktak ang pawis at nag-aamoy usok na
Yung papasok ka pa lang sa opisina eh mukha ka ng bilasa
Tapos sasabihin ng gwardiya delayed ang tren na papuntang EDSA!
Di ba ang sakit lalo na sa paa!
Kaya wala kang choice kundi humanap ng iba
Para kahit papano late ka lang hindi half-day sa opisina.
O di naman kaya pila sa groserya
Ang bibilhin mo lang ay asukal at mantika
Pumunta kang fast lane pero di naman pala fast
Kasi ang haba ng pila eh hanggang dulo na
Kung kaya ng powers mo o di ka naman magmamadali tyagain mo
Pero kung sing-sipag mo ko
Eh di labas na agad ako at bibili na lang ako sa kanto.
May pila din sa nga bayarin at problema
Pero na natin isama
Baka kulangin ng oras at abutan na ko ng umaga.
Sa totoo lang meron akong kwento
Si pareng ano pinapunta ng tatay nya sa munisipyo
Dahil di naman pwede si tatay dahil senior
At si kapatid ay injured
Ayon, no choise si pare kundi sumunod
Pagkadating sa barangay ng bandang alas-syete
Ang haba na ng pila nasa lagpas 100 na nga number nya
Kaso mga 9 pa lang nagstart ang bigayan
Okay pa naman kasi mahangin at di pa mainit
Lumagpas na ng tanghali
Ang mga natatawag ay wala pa sa kalahati
Tapos itong si ate girl, chika-chika yun pala balak lang sumingit kay kuya
Eh palaban si pare, di na sinanto kahit babae
Sabi nya kanina pa kami sa pila, pumunta ka sa likod
Huy kuya, kanina pa din ako umalis lang ako saglit
Hala si ate, di ka cute para mauto mo ako sabi daw ni pare
Eh di yun umalis din
Etong mga tanod naman
Abusado sa kapangyarihan
Bilad na bilad na nga sa araw
Pasingit pa ng pasingit sa mga kakilalang di kayang isaway
Buti mga pulis ay nagdatingan ayon nawala ang tapang
Ayon si pare natapos daw alas singko na
Walang alisan ng pwesto sa takot na masingitan
Na kahit gusto na nya sanang umalis na lang at wag ng kunin ang kaperahan
Kaso ti tatay nya ay matindi naman
Ibang klase mangunsensya
Kaya tiisin na lang na kahit sobrang nanliliit na sya sa sarili sa nararasanan
Kaya tinuloy na lang.
...°.°...
Pero ang hirap nga naman maging mahirap
Alam na ngang salat ka lalo pa nilang ipaparamdam
Sa kaunting halaga mga tao ay kayang makipag-away at makipagpatayan
Na sa kaunting halaga eh ipapain mo ang sarili para sa sakit na di nakikita
Na kung may sapat lang sana syang pera ay inabonohan na sana ang inaasam na ayuda ng tatay nya.
Tapos kanina sa balita
Yung mga taong pumila sa Community Pantry
Nagmamakaawa na wag ng bigyan ng issue ang mga taong dito ay nag-organisa
Na isantabi na muna sana ang politika at unahin munang punan ang tyan ng mga nagugutom na kababayan
Nakakaiyak ang sitwasyon
May isang lolo hirap na sa paglalakad pero pumila pa din para lang may makain
Di na inalintana ang peligro na nakaabang
Mapunan lang ang sikmurang ilang araw ng kumakalam.
Kaya ang dasal ko na lang
Sana Lord, dalangin namin ay Inyong pakinggan
Sana kami ay iyong kaawaan
At ng ang covid ay tuluyan ng mabura sa kasaysayan
Dahil Siya lang talaga ang may kapangyarihan
Tuluyang puksain ang ating kalaban. Amen.
...^•^...
Salamat kaibigan at iyong naisipang dalawin ang aking pahina
Sana ikaw ay may natutunan
Hangang sa muli!
Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
Mahirap talagang pumila at pinakaayaw ko sa kahat ay yaong masisingitan ka na para bang sila pa ang matapang at nagrereklamaong kanina pa daw sila habang mga nauna di nga umiim it k kahit dipa nakakain makuha lamang ang kakarampot na ayuda, sana naman mga taong nagtrarabaho sa gobyerno ayusin at bilisan ang kilos kung talagang ipinamimigay ito hindi na kailnagan ng listahan na siya pang nagpapabagal sa pila bakit di na lang ibigay agad at ng wala ng mahaba habang pilang ganapan, buhay pinoy nga naman nakakalungkot!