read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Kawawang Maria

Kawawa naman si Maria Isang araw pagkalibing ng kanyang ina Sinundo na agad sya Nakiusap na antayin mag-siyam muna Pero sabi ng amo nya matagal na yun sobra Dahil iquarantine pa daw sya Pitong araw pa, sabi ni amo nya Miyerkules ang araw ng libing Huwebes sinundo na agad Buti nga hapon sila nagpunta Dahil umaga ng Huwebes Si Maria dumalaw sa libingan at nagpaalam sa kanyang mama. Pinatira sya aa bakanteng bahay ng lola ni amo Pero pagbaba ng sasakyan Di man lang sya tinulungan Lahat ng gamit at pabiling suka Si Maria pa talaga ang nagdiskarga Gabi, pumunta ng tindahan si Maria Bumili ng tissue at kape nya Wala palang stocks na hinanda sa kanya Kaya maya't maya lumalabas din sya at bumibili ng kailangan nya Biyernes ng umaga Narinig ko tinatawag si Maria Pasigaw nga, akala mo may ginawang masama Yun pala pinapapunta sya sa palayan Kailangan nya daw bantayan Dahil itong mga amo nya ay talaga naman Kung makaduda akala mo ninanakawan sila Kaya kahit puyat at matamlay pa Si kawawang Maria ay nagpunta kahit napipilitan Doon sa bukid, nakausap sya ng isa kong tita Di napigilan ni Mariang ibuhos ang damdamin nya Iyak daw talaga sya ng sobra Sabi nya ilang araw lang naman ang hinihingi nya Para lang sana makapagluksa Pero eto naka-quarantine daw pero sa bukid pinapunta sya Nakakahabag ang buhay ni Maria Dahil no read no write sya Inaabuso sya sobra Gusto man naming makialam pero sabi nya wag na Iniisip nya daw kasi ang aming lolang matanda na Na sya ding binabantayan nya Buong akala namin sa pag-alis nya ng ilang araw Marealize ng mga amo nya ang worth nya Pero mukhang iba ang nangyari Parang ang labas sa arte ng mga amo nya eh sobrang hirap na hirap sila. Hay, dasal ko ay sana magkaroon na mg lakas si Maria na lumaban At makalaya na ng tuluyan Dahil kahit pinsan ko mga amo nya Maling-mali ang ginagawa nila Abuso silang masyado at di na tao kung si Maria ay itrato. ...^•°... Hanggang dito na lang, dahil sobrang nalulungkot na ko Salamat sa pagdalaw aking kaibigan Hanggang sa muli! Lead image is from Unsplash. #originalcontent

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.