Kumusta ang araw mo?
Kumusta nga ba ang araw mo kaibigan? Ikaw ba ay natakot, napagod o masaya naman? Andami kasing balita na nakakatakot Gaya kahapon, anlakas nung kidlat At sa lakas nya may dalawa palang batang tinamaan at isa dun ay namatay Tapos ang Covid na di na matapos-tapos Samahan pa ng mga namatay sa Air Force At ang pinaka-nakakatakot eh si Tatay Digong mukhang tatakbo pa ulit sa eleksyon! Sensya na sa mga DDS dito, di lang ako sang-ayon talaga Sana ibigay naman sa iba Baka sakali may pag-asa pa ang Pinas na ating bansa Pero natakot nga ba ako sa araw na ito? Hmmnn, wait isipin ko🤔🤔🤔 Medyo lang, kinabahan ako kasi baka di maubos paninda ko Ayon, awa ng Diyos Sold out naman ang unang araw ni Banana Balls😊
O napagod ka ngayong araw Sa dami ng gawain sa opisina at sa bahay Sinabayan pa ng ulan Naku po, antok naman ang kalaban natin dyan! Ako napagod din naman ngayong araw Umaga pa lang kasi nag-umpisa na ko mag-experiment nung bagong recipe Kasi mukhang nagsawa na mga kapitbahay namin sa banana cue, turon at tusok-tusok Kaya nag-isip ako ng kakaibang merienda na masarap na mura pa Buti may nakita ako kagabi sa youtube Ayun, iniba ko lang ng bahagya ang recipe Una kong pinatikim sa nanay ko Kasi maarte ang panlasa nito at mapili sa pagkain ito Ayun nakapasa naman Kaya gumawa agad ako ng 2nd batch Dinamihan ko na para pambenta talaga Ang hirap kaya mag-mash ng saging na saba Nakakangalay din sa braso ha Sabay lambing pa ng anak ko Maglaro daw kami kahit saglit lang Syempre pinagbigyan ko baka kasi magtampo Yun na din pinakapahinga ko Bago kami magsiesta nung tanghali Dinala ko na sa tindahan ng kapatid ko ang paninda ko Baka may bumili agad ng madami. Masaya naman ang araw na ito Pagod pero busog ang puso ko Napicturan ko pa ang ganda ng paglubog ng araw
Lalo pa may mahigpit na yakap at I love you Mula sa nag-iisang prinsesa ng buhay ko Tanggal lahat ang pagod ko😊 At syempre may isa pang bagay na nagpasaya sa araw ko na ito Ang mga WORRY WORM mula kay Ate @Judith1969 ay dumating na
At di lang un, may dagdag pang bag para sa aking prinsesa Aliw na aliw kami sa ka-cutan ng mga worry worms Talaga namang mapapa-smile ka at kung sinuman ang makakakita Ang ganda lang ng advocacy ni Ate Kung siguro bawat isa sa mundo ay makakatanggap nito Ang ganda-ganda siguro ano? ...^•°... Hanggang dito na lang kaibigan At kahit gusto ko pang habaan ang kwento ko Eh di naman na pala kaya ng battery ng phone ko Salamat sa iyong pagdaan At wag kalimutang magpasalamat sa Dakilang Lumikha. Gandang gabi! All images are mine. #originalcontent
12 comments
Wow sana makadaan ka dito sa amin para matikman ko po luto niyo hehe. Godbless po always ingat po.
I am really amazed on how you make a story in a poem way. Para talaga nagtutula ang magbasa. ❤️ Salamat sa pag mention. Masaya din kapag may napasaya ng iba. Glad that your banana balls were sold out, maki check nga sa tutorial. 👍🏼
Ang galing mo talaga gumawa ng tula nakakatuwang basahin. Kasla naimas dayta banana balls mo a. Pumatok dayta sigurado hehe. Ang cute ng worry worm ni ate @Judith1969!
Haha, wen naimas met mayat nga i-pair ti kape
Cute Brigette is a poet. May I have some of your balls please?
Sure Kuya! Hehe
Your work is an example of "TULANG PASALAYSAY" if I'm not mistaken, I love this style of writing, and I have a lot of work regarding this, I will publish it soon, hope you will find time to read my work. Anyways continue n'yo lang oo ang business n'yo malay natin one of this days makilala pa ang 'yong banana ball at maging daan sa 'yong pag-asenso.
Di ko alam ang term actually, basta natutuwa lang ako sa ganyang style😊. Salamat!!
Napangiti ako sa Worry Worm. Hehe. Una napaisip ako ano kaya yun at nakatag pa si Ate Judith? Pero feeling ko naman hindi tatakbo si Tatay Digong for VP. Parang hindi ko siya nakikitaan na ganung klaseng tao na president tapos bababa sa VP. Nakakatakot yung kidlat. So pwede pala talagang tamaan ng kidlat? Paano yun nasa labas mga bata? Scary. Eh noon pumapasok ako deadma lang ako sa kidlat basta ako lakad lang kasi kailangang pumasok or excited umuwi.
Unpredictable kasi si tatay Digs sis, hehe Pero oo may natatamaan nga ng kidlat at nung mga bata kami bawal manood ng tv pag nakidlat kasi daw baka tamaan dahil daluyan ng kuryente😊
Natakot naman ako sa kidlat. Naalala ko yang sa TV nung bata ako pero di ko naman sineseryoso noon. Magppicture nga sana ako ngayon na naulan kaso may kulog kaya naisip ko wag na lang. Hahaha
hehe, bka ang dating sayo nun sis panakot lng nila..hehe