Nagbago na Siya
Musta aking mga kaibigan
Madalang na naman ako magsulat
Wala kasi akong topic na mahagilap
Kaya ako ay nangapitbahay kanina
Nagbakasali na may ma-marites ba
Ayun, ako ay tumama
Dahil habang ang anak ko ay busy makipaglaro
Ako naman ay nakasagap ng kwento
Di kagandahan, malungkot at mapapatanong ka
Bakit sya nagbago?
Ito kasing aking tito at tita
Umuwi mula sa Amerika
Matagal-tagal din ang bakasyon nila
6 months din, mahaba-haba di ba?
Nagtulong-tulong mga anak nya
Para pamasahe ay mabuo nila
Dahil may edad na sila
Sa pension nila sila ay umaasa
May anak sila dun sa Amerika
Maayos naman sila
Kaso lang tulad ng sa pelikula
Meron talaga ding kontrabida
At kahit nag-iisa, ay matindi at malakas talaga
Ito ay ang asawa ng isang anak nila
Dun sila nakatira dahil sa baby nila
Nais nila makatulong at sila muna ang mag-alaga
Noong una lalo nung bagong salta itong si manugang sa ibang bansa
Mabait at marunong pang makisama
Subalit noong nagkaroon ng sariling trabaho
Nakapundar ng bahay, sasakyan at kung ano-ano
Ayun, nagbago na pala si loko
Minsan daw namalengke sila ng tita ko
Bigla ba naman daw sinabi ganito
'Akala ko ba mayaman kayo?'
Si tita ay nagulat, ano bang pinagsasabi nito
Di nya daw pinansin
Hanggang sa madalas na daw silang maliitin
Na muntikan na syang suntukin ni tito
Dahil sabi ba naman daw ay ganito
'Ako ang nagpapakain sa inyo dito!'
Kaya umakyat ang dugo ni tito, kahit ayaw sana manumbat kaso sumusobra na ito
Sagot nya daw, 'oo ikaw nga nagpapakain samin pero kung di dahil samin di ka naman makakarating dito!'
Dahil sa galit ni tito, nagtayo sila ng maliit na tent sa labas ng bahay nila
Mas mabuti pa daw na dun sila kaysa makabunggo at makita pagmumukha nya
Tinitiis ang lamig at init
Sinubukan silang papasukin ng anak nola pero sila ang nagmatigas dahil di nila kayang pakisamahan pa ang manugang nila
Ang kawawa lalo ay ang bata
Dahil pati sa kanila ay nilalayo sya
Makita lang na lumapit ito ay agad-agad tinatawag ng pasigaw
Na tila ba may sakit na nakakahawa ang mga matatanda
Walang respeto na kahit sa harap ng asawa at hipag nito ay pinakita na ang totoong kulay nito
Nakakaawa, ako ay naiyak sa narinig ko kaninang chika
Di ko yun inakala
Dahil dito ay nirerespeto sila
Madaming nagmamahal sa kanila
At di nila deserve ang ginawa ng manugang nila sa kanila
Para ko na din kasing nanay itong si tita
Dahil sya ang bff ng aking ina.
Dasal ko ngayon ay sana maenjoy nila ang bakasyon nila
Maibsan yung stress at kung anumang naramdaman nila
Makapahinga sila ng mabuti at maging masaya
Hipuin ni Lord ang puso ng manugang nila
At marealize na may magulang din sya
Na di nya kaya mabuhay ng mag-isa at manumbalik ang respeto sa kapwa
At sana mabago ang ugali nya para maiwasang maging mitsa ng pagkasira ng relasyon nila.
...^•°...
Salamat sa pagbabasa!
Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte
Ay ang galing, nice yung oagkagawa at sana nga magbago na siya, kasi kawawa talaga mga bata