Kumusta na?

2 13
Avatar for bbghitte
3 years ago

Hirap makapag-isip

Wala naman tumatakbo masyado sa aking isip

Kundi ang aking dalangin at panaginip

Na maubos na ang mga utang na laging sumisilip

Kahit di mo pansinin ay talaga namang nagpupumilit

Pero subukan ko muna syang deadmahin

Balikan ko sya pag ako'y may sapat na ipon na

At ng makabayad ng isang bagsakan

Nang makahinga naman ng matiwasay.

Ayun nga, kaninang umaga

Na-hit na ang aking sinulat na goal ngayong April

Umabot ng $200 ang aking nasa wallet

Ayun, na-hit!

Pero ngayong gabi at bumaba ulit

Naghihilahan aking mga salapi

Na sa dami ay di ko na mawari

Alin sa kanila ang salarin

Pero okay lang yun

Pasensya na lang muna at titigan sila

Habang silang lahat nagsisipag-pulahan na

Ayos lang, di ko pa naman sila kailangan

Baka next week ko na sila pagdiskitahan.

Ikaw kaibigan?

Ano naman ang iyong pinagkakaabalahan?

Apektado ka pa din ba sa mga balita?

O sanay na sanay na?

Hiral talaga kumilos ano?

Andaming bawal pero di naman nagbabago

Pataas pa din ang mga kaso

At mga politiko ay nagkakagulo pa din

Hinanap si Pangulo

Pero nung lumabas dami pa ding binabato

Pero tao lang, ikaw nga di ba minsan gusto mo magpahinga?

Na di kesyo tatay sya ng bansa eh wala na syang karapatang magkasakit at mag-absent

Ito ay aking opinyon lang naman

Wala naman ako gusto patamaan

Kasi di na matapos-tapos

Ayuda dito at doon

Pero hanggang kailan ba talaga ito?

Sino ba ang magbibigay ng sagot?

Tama ka kaibigan

Yes, si Lord ang tanging makakasagot

Dahil kita Niya ang ating nasasa-loob

Na ni isang araw ay di Nya tayo kinalimutan

Bagkus ay kinalinga tayo at sinamahan

Sa bawat takot, gutom at pangamba na sa ating puso ay pumasok

Lubos ang biyayang Kanyang pinagkaloob

Kaya kaibigan, awat na

Tigilan na ang drama

At tayo ay magbalik-loob

Nang ang buhay natin at umayos.

Lead image is mine.
#originalcontent

3
$ 0.54
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @bbyblacksheep
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Wow akoy nagagalak at nakatagpo ako ng isang makatang tulad mo siguro ngayon masaya ka na sapagkat tuluyan ng tumaas ang presiyo ni BCH Baka nga sobra sobra oa nag iyong ipon at magawa mo nang bayaran mga utang na iyong nabanggit, Ako oinagkakaabalahan ko iniispi ko kung paano ba ako mapapansin ni rusty dito sa read cash at kung paano ako maaalis sa spam section😂

$ 0.00
3 years ago

Naloka din ako sa paghanap nila. Parinig dito, parinig doon. May iba pang nagffeeling magaling na asan na daw ang bakuna at akala daw niya ay libre. Ayun buti nga at may sumupalpal sa kanya. Sa ayuda naman may mga nagrereklamo at hindi daw parepareho. Ang sa ECQ naman ay bakit daw 2 weeks lang na dapat inextend pa. Noon naman na matagal ang ECQ ay humihiling na luwagan na. Hindi mo na alam saan lulugar ang pangulo. Basta ako nakasuporta ako sa kung ano ang kanyang gagawin.

$ 0.00
3 years ago