Kampanya at Ugali Nila

5 31
Avatar for bbghitte
2 years ago

Wala ako sa mood magsulat kanina

Pero itong si Ate ko nag-marites pa!

Kaninang umaga

Dito, kami sa bahay ay todo handa

Partidong aming susuportahan ay parating na

May palobo, nagsuot ng kulay blue

Pati nga almusal namin ay naisantabi

Dahil itong si Ate, maya't-maya ang tawag

Updated kung asan na sila

Kaya naman kami ay naaaligaga

Naghanda ng softdrinks at biscuits pa

Para sa mga volunteers na nagutom na

At pati na din mga kandidatong nakaramdam na ng gutom

Pero habang papunta sila dito sa aming pwesto

Dami ng ganap mga kaibigan ko

Mga kapitbahay naming ang eleksyon ay sobrang isinasapuso!

Aba'y mga nagsara daw ng gate, di namamansin ng politiko

Ni kaway at pakikipagkamay ay di tinanggap ng mga ito!

Bibigyan pa nga daw ng tshirt yung isang nanay

Ang sagot ba naman daw ay ganito

'Naku, di ko isusuot yan!'

Luh, anlala di ba?

Nawala ang respeto!

Ito naman si lola ko

Competitive ng todo

Pumunta pang palengke

Bumili ng ibang biscuit

At imbes na idagdag na lang sa mga inihanda namin tutal isang compound lang naman kami

Eh dun pa mismo sa bahay nya

Bida nya kasi pamangkin nya si Mayor😁

Nakakatuwa kasi si Mayor, ma-appreciate yung aming ginawa

Nagpasalamat agad kanina dahil sa aming munting handa

May isang lola, sumama pa sa kampanya

At parang lumakas bigla

Itong si lola ko naman kakaiba talaga

Sinalubong nya ba naman at sinabihan sya

'Uy, bumalimbing ka na?'

Sagot naman si lolang isa, oo bumalimbing na ko kasi nung nagkasakit anak ko sila naman nakatulong samin

Ayun, smile na si lola😁

Akala ko, yun na ang highlight ng kampanya kanina

May mas malala pa pala

Dahil nung lumipat pala sa ibang area

Itong si ate girl

Na ex-barkada ni Ate

Prinangka ba naman daw si Mayor na di sya ang iboboto nya

Sabay sabi daw dun sa isang tatakbong konsehal

'Hoy ikaw kap, ayaw na ayaw ko sa'yo!'

Hiyang-hiya nga daw yung mga sumama sa kampanya sa inasal nitong ni ate girl

Kinain na ng sistema ang ugali nila

Parang nilabas naman ni eleksyon ang tunay na kulay nila

Bat ganun! Di ako maka-move on!

Parang sa mga nangyayari sa national election

Kaya ako naiinis na magbukas ng FB at IG kasi andaming magagaling

Hirap makipagsabayan sa utak nila

Na para bang ang perpekto nila

Bira ng bira

Para siraan ang ayaw nila at patuloy na iaangat yung gusto nila

Ang sakit sa mata

Parang naghahamon ng giyera

Kung may martial law siguro sa online world

Baka maipataw na!

So ayon lang mga kaibigan

Gusto ko lang talaga may mashare lang

Ganyan din ba sa inyo?

Mga kaibigan nyo ba'y biglang nagbago dahil sa politikong sinusuportahan mo?

...^•°...

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte

2
$ 3.11
$ 3.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Marts
$ 0.01 from @Zyrel04
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Naku totoo. Talagang nilabas nung eleksyon ang kulay ng mga tao, and we all discovered na ang petty pala talaga ng iba! Masyadong emosyonal, nawawalan pa ng respeto sa kapwa. Hehe.

$ 0.00
2 years ago

True, tsaka nakakalimutan na kadugo at kaibigan ka nila..

$ 0.00
2 years ago

nattawa ako pag kwenento ng asawa ko yong mga kawork niya kasi nagdedebatihan sa dahil iba-iba ang kandidati nila😂yong iba naman nagpaparinigan nalang sa mga post basta ako duon ako sa tamang tao hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Hahah, kaya nga nakakatawa na nakakainis kasi sobrang dinidibdib tlaga ng iba

$ 0.00
2 years ago
$ 0.00
2 years ago