Hinagpis ni Maria

2 11
Avatar for bbghitte
2 years ago

Oktubre 12, 2019, alas tres ng umaga

Bagyong Maring ay rumagasa

Lakas ng hangin talaga namang pambihira

Bubong namin ay sobrang kalampag akala mo tuluyan ng mawasak

Napuyat halos kaming lahat

Dahil sa lakas ng kalabog unang pantakip ay di sapat

Aking kapatid na nasa ibang bayan tumawag ng pagka-agaaga

Kami ay kinumusta dahil sa kanila daw ay lubog na

Kasama ang kanyang kotse na bubong na lang daw ang nakikita

Akala ko yun na ang pinakasobrang balita

Na dulot ni bagyong Maring

Di pa pala, dahil pagsapit ng alas-onse y media

Tita ko na nasa Canada ay tumawag bigla

Ako ay nabahala dahil di naman nito ugali mangumusta

Tama nga ang aking hinala

Dahil may dala syang mabigat na balita

Nanay daw ni Maria, ang kasambahay nila ay inagos ng tubig na rumaragasa

Pagdating ng umaga ay nakitang nakalutang na sa kalsada

Wala ng buhay ang matanda

Samantalang ang kasama nitong anak na kanyang kasama

Ay dinala din sa hospital dahil nakitang sumabit sa yero ng kanilang bahay

Ang sakit sa puso, mabigat sa pakiramdam

Dahil noong isang araw lang

Balak ni Maria na umuwi at bumisita

Sa nanay nyang may edad nang otsenta at isa

Dahil lagi daw nitong sinasabi na miss na miss na sya

Di namin alam pano sasabihin dahil si Maria ay may sakit ding iniinda

Sakit sa puso na kanyang ginagamot pa

Umakyat si Maria

Tila ba may kutob na sya

Nagpaload at sabi kumustahin daw nya Nanay nya

Sabi ko na lang, sige kumustahin mo dahil grabe daw si bagyong Marina

Kaso di nya matawagan ang number ng kapatid nya

Subukan mo iba mong kapitbahay sabi ko pa

Pero di ko na talaga matignan ng diretso sa mata

Dahil baka bigla akong maluha at magtaka sya

Buti may tumawag sa kanya at bumaba muna sya

Yun pala kinausap ang kapatid ko

Na kung pwede daw ihatid sya sa bahay nila at makumusta nanay nya

Umoo naman agad si Ate kaso lubog pala mga bayan na kanilang dadaanan

Kaya sabi ni Maria, sa ibang araw na lang pag ang tubig ay humupa na

Umuwi muna si Maria sa kanila at nagluto ng tanghalian nila

Maya-maya bumalik sya

Umiiyak na at yumakap sa aking ina

Sabi nya, wala na ate ang nanay kong bibisitahin sana

Nakita daw ng kapatid ko nakapost sa social media

Nakalutang sa kalsada at patay na

Dun bumuhos ang aming mga luha

Di maibsan ang sakit na nadarama

Dahil mahal na mahal ni Maria ang Nanay nya

Sya ang dahilan kung bakit sya lumayo at nagtrabaho

Yun ay para may maipadalang pangkain at pambili ng gamot nya

Subalit pano na, sino na

Hirap at pagod sa trabaho ay di nya inalintana

Na kahit sobra-sobra na ang pinapagawa sa kanya ay tinitiis na

Na kahit minsan ay di na maganda ang trato sa kanya

Pinagkikibit balikat na lang nya

Para sa araw ng sweldo ay may maipadala sya sa kanyang Mama.


Hay Maria

Puso at pagmamahal mo ay talagang pambihira

Di ko alam pano maibsan ang sakit at pait

Kaya idadaan ko na lang sa dasal

Na sana sa mga araw ng inyong pagluluksa at pagtanggap na ang Nanay ay lumisan na

Sasamahan at aalalayan kayo ng Mahal na Poon

Na yakapin Niya kayo at iparamdam

Na si Nanay ay nasa masayang lugar na

Walang sakit, walang hirap, walang pagod.

...^•°...

Salamat sa pagbabasa at God bless us all.

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent

3
$ 1.87
$ 1.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.25 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Nakakalungkot naman. Nasabi ba sa balita na magiging malakas ang bagyong Maring? Ang sakit sa dibdib mg kwento ni Maria. Kaya kailangan maganda talaga lagi-lagi nakakausap ang pamilya at nadadalaw dahil ang oras natin dito sa mundo ay walang kasiguraduhan. 😔

$ 0.00
2 years ago

Oo sis pero di ganun kalakas tsaka 1st time daw bumaha ng ganun dun. May project daw kasi yata dun taz natakpan yung daluyan ng tubig kaya ganun

$ 0.00
2 years ago