Hay buhay!

17 33
Avatar for bbghitte
3 years ago

Ang loob ko ay naghihinagpis

Di ko alam kung kanino ba dapat magagalit

Bakit kung sila ang may kailangan

Agad-agad gusto ibigay

Nagagalit pa nga kung nagsabi ako na busy ako

Na madami ako tinatapos

Na unahin ko naman ang munting pinagkakakitaan ko para mairaos ko ang pang-araw-araw na pangangailangan ko?

Kasi kayo, may regular na trabaho kayo

Na kahit absent may bayad pa din kayo

Pero ako, mag-isa lang

Ako lahat; gawa, benta, deliver pa nga minsan

Pero di nyo yun pinansin at ako pa din ay laging nasusumbatan

Pero pag ako, halos duguin na sikmura ko sa gutom

Unang tanong may panlasa ka ba?

Sabay may ubo at sipon ka?

Hala kapatid ko, ano ba?

Tanong na di ko inasahan bigla!

Bat di mo na lang diretsuhin, may covid ka ba?

Alam mo naman kung gano ako nag-iingat

Andyan si tatay at ang anak ko

Kailangan ko protektahan sila at ako

Kung kaya lang ng katawan ko

Di naman ako makikiusap ng ganito

Dahil kilala nyo naman ako hanggat kaya, pinipilit ko

Minsan nga kahit may ginagawa ako pag may inutos kayo

Agad ko iniiwan wala lang kayong masabi na kahit ano

Bakit kung kailan kailangang-kailangan ko kayo

Wala man lang ako makuhang mabilis na OO

Oo, andyan na

Oo, papunta na

Oo, anong gusto mo?

Oo, may kailangan ka pa ba?

Bakit kabaligtaran ang natanggap ko

Nagmakaawa na ko

Pero ang sakit ng sagot nyo

Ilang hakbang lang pagitan ng bahay natin

Pero bakit inabot na ng anim na oras

Bago ang pagkain ay makarating?

Bakit nakalimutan nyo biglang kapatid nyo ang nangangailangan

Wala na ba talaga ako maasahan?

Dahil ba di nyo ako kailangan kaya ganun na lang kung ako ay ipagpaliban?

Sana bigyan ako ng Panginoon ng lakas

Hipuin ng mapagpala Niyang kamay at ako't pagalingin

At bigyan ng pusong mapa-tawarin

Dahil ayoko magtanim ng tampo at galit

Dahil sila ay aking kapamilya at kapatid.

...^.Β°...

Ang tulang kwentong inyong nabasa

Ay hango sa tunay na buhay ng aking kakilala

Na sobrang hina na kanina

Dahil sa gutom at lagnat nya

Pero wag kayo mag-alala

Covid free naman sya

Overfatigue lang ba.

Salamat uli sa inyong sandali

Na dumaan at nagbigay ng pagbati

Hanggang sa muli!

Lead image is mine.
#originalcontent #randomshot #readcash

5
$ 2.04
$ 1.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Firenze
$ 0.03 from @bbyblacksheep
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Aw akala ko ikaw na yun. Hala sigurado matutuwa yang kakilala mo kapag nabasa ito. Ang kanyang pinagdaraanan ay naging inspirasyon ng isang makata upang ito'y maisalin sa pamanagitan ng poesiya. Bow talaga ako sayo!πŸ‘πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
3 years ago

Salamat, klngan tlaga may hugot para makalikha ng madamdaming tula☺️

$ 0.00
3 years ago

Panalo sa mangga!! Hahahaha. Nalungkot ako sa kwento. Pero kung sino man yung tinutukoy mo, kapit lang! πŸ’ͺ🏼

$ 0.05
3 years ago

Sinabi mo pa sis pero okay na..check mo new article ko..heheh

$ 0.00
3 years ago

ang sakit naman nyan.. nakkalungkot. at akoy nalungkot haha

$ 0.05
3 years ago

Hahaha, nakakalungkot at nakakafrustrate tlaga sya sis

$ 0.00
3 years ago

naapektuhan akis ahhaha.. empath problems hahahahha. hayst.. minsan mas nakakaintindi pa talaga ang iba kesa sa sariling pamilya πŸ’”

$ 0.00
3 years ago

True, bat kaya nga ganun ano..ang sakit naiyak nga ko knina sa kwento nya

$ 0.00
3 years ago

nateary nga ako eh ahhaha..minsan talag kapag wala ka..hindi ka kailangan. hindi ka kilala ;( (emo) haha

$ 0.00
3 years ago

Truth! Bat ganun ano, who u ka pag wla kailangan...kaya sa ofis dati may tinatawag kaming mangga..manggagamit..hehe

$ 0.00
3 years ago

hahaha winner yung mangga. nangyari saken yan eh.. ginamit card ko tas nag friendship over at iniwan ako sa ere kasi di na ko need hahahha

$ 0.00
3 years ago

Bad trip ano...naku kahit saan kalat sila tlga .hehe

$ 0.00
3 years ago

mga kinapos sa pagmamahal siguro sis. di sila mahal ng nanay nila charrr hahaha

$ 0.00
3 years ago

Aw, maaga sila nawalan ng nanay sis:(

$ 0.00
3 years ago

OMG seriously??? napakaepic pa nung sagot ko haha my gas

$ 0.00
3 years ago

Haha, what a coincidence 😁

$ 0.00
3 years ago

true.. ganyan litanya ko kapag my mga parang kulangsa aruga ung manners eh ahhaha

$ 0.00
3 years ago