Bakit ang sipag mo?

9 22
Avatar for bbghitte
2 years ago

Para kanino ka bumabangon?

Yan ang sikat na tagline ng isang kilalang kape

Mapapaisip ka nga naman di ba?

Para kanino nga ba?

Para sa mga bills ba or sa mga due dates?

Or sa gusto mong mabiling property or investment?

Or gusto mong makabuo ng 1BCH?

Or para sa pamilya, para lahat ng gusto nila eh maibigay ng walang palya?

Madaming dahilan ano kaibigan

Dahilan para bumangon, sipagan

Dahil kung di mo yun gagawin

Sasakit ulo natin sa charges

O di naman kaya masasaktan ka lang pag nagsale tapos di mo nabili dahil kapos ang budget

Tapos nagrequest si bagets at di mo kayang bilhan kasi sabi mo kapos na naman

Lahat tayo madaming dahilan

At syempre dahil gusto natin umasenso at mabili di naman lahat ng luho

Pero yung may madudukot tayo sa oras na tayo ay may kailangan

Naghahanap tayo ng di lang isang paraan

Pero lahat ng pwedeng paraan ating susubukan

Alam mo bang wala pa itong si aking bagets eh nagbabakasakali na ko magbusiness?

Nagtinda na ko dati ng mga sabon, damit, mga fashion jewelry

Ako pa dati gumagawa mga beaded earrings, necklace, headband at bangles

Dahil sa kagustuhan ko makabenta ng madami

May nag-alok sakin beh

Export nya daw sa Italy

Nagtiwala ako agad kasi kakilala ng kapatid ko

Nag-invest ako; oras, talento at pera

Kaso hanggang ngayon nganga

Ni ha ni ho, di ko na narinig galing dun sa tao

Pero nagmove-on na ko

Sabi ko na lang ayos lang, charge it to experience

May darating pang iba, subok ulit

Sabay-sabay yan, regular work, online at mga ibang raket

Akala mo nun dami ko ng anak

Pero hilig ko talaga sya at naeenjoy ko sila ng sobra

Pero dahil din dun sa credit card ako ay natuwa

Sarap magswipe di ba?

Yung pinaghirapan kong mga raket-raket eh sa credit card napunta

Nagsisi ba ko?

Aba'y oo! Nabiktima ako ng todo

Kaya kung ako ikaw, pag-isipan mo.

Ayun, mabilis talaga ako mag-move on

Nakaalis din ako sa hamon na yun

At ngayon, ang hamon na aking sinusuong

Eh kung pano ko mabibigyan ng magandang kinabukasan ang aking baby

May katuwang naman ako pero syempre sa hirap ng buhay kailangan magtulungan

Bawal ang di magsipag

Bawal ang tutulog-tulog

Bawal ang magastos

Dahil ngayon ang focus ay siya at mga kailangan nya

Sya ang pangunahing dahilan ba't ako nagsisipag ng bongga

At alam ko katuwang ko din si Lord palagi para ma-achieve ko yun.

Madami pang darating na pagsubok para matest ang sipag na meron ako

Pero ganun talaga si life

Icha-challenge ka para fight fight fight!

...^•°...

Magandang gabi kaibigan

Salamat sa iyong pagdaan

Sana ay kahit pano meron kang natutunan

O sya hanggang dito na lang

Kailangan ng matulog dahil eyebags ko ay nag-uumpisa ng maipon.

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent

5
$ 1.47
$ 1.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.25 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Judith1969
+ 2
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

sinabi na nila lahat... sinabi mo na rin... lahat yan ay rason para magsipag at bumangon. 🧡😂

$ 0.00
2 years ago

Kaya kape na lang tayo Ate..hehe

$ 0.00
2 years ago

-Sa maraming dahilan Sis! Karaniwan para work dahil sa schedule hehe! Ang galing ng makata!❤❤❤

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis!

$ 0.00
2 years ago

Depende sa oras ng bangon kung para kanino yon 😂

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, eh d wow☺️

$ 0.00
2 years ago

Ang sarap na ngang gawing ringing tone niyang "Para kanino ka bumabangon?". Ako ay bumabangon para kay Anabill at kay Judith. Ang mga anak kong nanggaling sa aking wallet. 🤣

$ 0.00
2 years ago

bakit na naman na mention ako... pati nga ako takot na sa pangalan ko, dagdagan mo pa. 🤣😂🤣

$ 0.00
2 years ago

Heheheh, soon sis makakaalis na tayo sa mga ganyan...

$ 0.00
2 years ago