Bakit nga ba ako absent kahapon?
Onting interactions sa noise
At walang article sa read cash?
Pano ba naman kaibigan
Ako ay napakiusapan
Ng aking ateng sobra ang kabaitan
Ako daw muna sa reception ng Kusina NI Camila
Kaya ako ay walang nagawa
Kundi tanggapin ng walang alinglangan pa
Kahit maya't maya tinatawag ako ng aking unica hija
Buti na lang may cellphone na dala
At tumahimik muna
Andami kasing tao sobra
Di namin inasahan na aabot sa higit 300 katao ang aming magiging bisita!
Aba eh sikat na talaga itong abang lugar namin ano
Isa na syang tourist attraction
Iba-ibang lugar mula sa Ilocos Sur
Ay napaparito na at nacucurious
Maganda naman kasi talaga
Kakaiba ang design at ang view ay pambihira
Samahan pa ng masarap na milk tea
Na nagiging paborito ni Yuri
Masasarap na pagkain
Silog-silog, tusok-tusok at minsan pa ay may lomi
Na dinadayo na ng madami
At pagsakay sa atv
Lalo pag palubog na ang araw
Nakaka-overwhelm ang feedback
Minsan may maganda at meron din namang hindi
Syempre bago pa lang kasi
At di talaga sya inexpect na mangyayari
Nag-umpisa lang sa isang simpleng pagkusa
Na coastal clean-up ng magkakaibigan at pamilya
Na ang tanging hangad ay maiangat ulit ang aming munting barangay
Dahil dati talaga sikat sya
Sa magnanakaw at sa droga
Tsaka maganda din kasi talaga
Ang yamang dagat na dito sa aming bayan ay binigay upang aming alagaan at pagyamanin pa ng lubusan
Kaya pag maganda talaga ang intentions mo
Bibigyan ka ni Lord ng mga oportunidad at tao
Na syang tutulong at aakay sa'yo.
Nakakapagod sobra, oo
Pero makita mo lang madaming tao
Naku, mabubuhay ang katAwan mo
Ang pagod ay agad-agad maiibsan
Kaya pagpasensyahan nyo na din kung ang tulang kwento ay may kaguluhan
Antok na naman kasi ako
Nag-duty kasi ulit ako mula alas-tres hanggang 6:30.
O sya kaibigan, salamat ulit at ikaw ay napadaan
Sana balang araw ay inyo ding mapuntahan
Ang aming pinagmamalaking Kusina NI Camila.
Maraming salamat po!
All images are mine.
#originalcontent #randomshot
Awwww. Gusto ko yung kapag maganda ang intentions mo, bibigyan ka ni Lord ng oportunidad at tao. Parang itong platform na ito pati ang Kiki at kayong mga nakilala ko. 🥰 more success to Kusina ni Camila. Ang saya 300 na tao. Nakakapagod na ang sarap sa feeling.