Anong Nangyari?

5 9
Avatar for bbghitte
2 years ago

Ganito kasi yun😁

Ako ay nagpunta

Sa paboritong pasyalan ng mga bata

At ako din pala

Kasama si Yuri, Jac, Heleina at pamilya nya

Alas singko na kanina

Pagdating sa dagat ang araw ay mataas pa

Nakakasilaw pa ang liwanag nya

Subalit di na mapigilan mga bata

Sa paglalaro ng buhangin at ng bola

Di na masaway sapagkat larong-laro na sila

Di alintana kahit pa mangitim sila

Ako naman si tiga-saway sa kanila

Di naman sila masusugatan sa buhanginan

Kaso mapupuwing naman

Pawis na pawis na sila ayaw pa din magpahinga

Hanggang sa ako'y mapagod at hinayaan na lang muna.

Mag-aalas sais na

Pababa na si haring araw

Naalala ko aking ginupit nung isang araw

Plastic na bote ng tubig

Agad ko iyong kinuha sabay takbo malapit sa tubig

Nung una ginawa ko lang frame ba

Pero binasa ko muna para may onting effect ba

Eto sya!

Maganda naman di ba?

May nakita kasi akong ganitong post sa FB

Kaya sabi ko sa sarili magaya nga

Pero syempre di naman gayang-gaya

Concept lang ba.

Pero ako'y nag-isip pa

Dahil maganda talaga ang sikat ng araw kanina

Di nakakasilaw, masarap sa mata

Kaya ito pa yung isa

Yung tulo effect naman

Nilagyan ko ng tubig ang bote

Tsaka ibinuhos ng unti-unti

Sabay click ng mabilis

Gamit ang burst effect

Ayun, nakadali!

Ang ganda nung pagkakakuha ng tubig

Tila ba naka-freeze

At nakuhaan pati ang sunset dun sa tubig

Ako ay masyadong natuwa

At more saboy tubig shots pa

Ayan, ang linaw ng tubig sa larawan

Di ko maexplain sa salita

Pero para bang nakakalinaw ng mata

Tsaka ng aking perspektiba

Na para bang ang isip ko ay luminaw din bigla

Malabong destinasyon ay tila ba naging klarong direksyon

Di na kailangan ng madaming ilaw sa daan

Para ito'y marating ng maayos ang paroroonan.

...^•°...

Hanggang dito na lang muna kaibigan

Antok na mata ay kailangan ko ng pagbigyan

Dahil narealize ko, pagod din pala ang aking katawan🙂.

All images are captured by myself.
#originalcontent
#bbghitte

1
$ 1.60
$ 1.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.02 from @charmingcherry08
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Woahh ang ganda ng pagka capture ng mga images po. anong cp nyu po hihi. Napaka nice talaga ng kuha niya maam pang professional photographer talaga angvpagkakuha hihih😊 Ang ganda mo ng pagkagwa ng poem po, hirap po mag compose ng ganto lalo na pag may taludturan ang ginawa may mga rhymes anhirap need ng time talaga😊

$ 0.00
2 years ago

Salamat! Vivo phone gamit ko🙂

$ 0.00
2 years ago

Ahh Vivo po pala, nice cam po😊

$ 0.00
2 years ago

Pang pro nga talaga. Mayat!

$ 0.00
2 years ago

Idol kayo gamin:)

$ 0.00
2 years ago