Ang Daan

1 12
Avatar for bbghitte
2 years ago

Galit, inggit at pride

Tatlong matitinding salita

Mahirap kalaban

Mahirap ding labanan

Pero kung sa iisang tao lang manggagaling

Mahirap ding ipaliwanag yan

Kung saan at paano nagsimula

Kailan matatapos ang damdaming ito sa puso ng isang tao

Ay isang malaking katanungan???

May isa kasi akong kakilala

Itago natin sa pangalang Magda

Matanda na sya sa edad na sitenta'y siete

Subalit ramdam mo at alam mong may kakaibang galit, inggit at pride sa puso nya

Ang nakakaloka, dun pa sa pamangkin nyang si Tina

Si Tina na walang ginawa kundi maging isang mabuti at huwarang ina

Di nga lumalabas masyado sa bahay nila

Dahil busy sa mga gawaing bahay at sa mga apong kanyang inaaruga

Libangan nya lang ay tong-its sa oras ng siesta

Mula sa hirap at pinilit igapang kinabukasan ng mga anak

Hanggang sa sila'y mapagtapos at ngayon nga ay pinatayuan sya ng malaki at maayos na bahay

Malayo sa barong-barong at masikip na kinalakihan ng mga anak

Dahil din dito naisamang ipinaayos ang daanan papasok sa kanilang bahay

Ito ay daanan din ni Magda at pamilya nya

Di nila isinagad yung sementadong daan

May natirang maiksing parte

Dahil nung panahon na ang mga gumagawa ay nagsusukat

Narinig ni Tina nung sinabihan ni Magda ang anak

'Bantayan mo baka may masakop sa lupa natin'

Agad namang tumalima ang anak

Nakalimutan yata na si Tina ay kanila lang kaharap.

Natapos ang daan, di na madudulas sa mabatong daraanan mga bata at matanda

Subalit sa di maipaliwanag na dahilan

Imbes na dun dumaan si Magda at pamilya nya

Hala sya, dun sila sa makipot at mabatong daan nagtatyaga

Na pati tricycle na sinasakyan nila galing palengke ay sinasabihan daw na wag ipasok sa sementadong daan

Samantalang noong mabato ito at matarik

Kahit hirap ang sasakyan at sumasayad

Pinapapasok nila ng walang pakundangan.

Di naman nagtatanong si Tina at pamilya nya

Hinahayaan lang sila

Dahil baka kung kwetyunin ay mapasama pa sila

Pero mga nakakakita lalo mga tricycle driver ay nagtataka na

Panay tanong bakit ayaw nila

'Di ko alam', yan ang sagot nila Tina.

...^•°...

Kung may daan ng maayos sa iyong harapan, yung alam mo at sigurado kang di ka na ipapahamak mas pipiliin mo pa ba yung matarik, mabato at di sigurado?

Uunahin mo pa ba ang galit, inggit at pride sa puso mo?

At hanggang kailan mo kikimkimin ang mga damdaming ito?

Pano mawawala ang mga balakid para maging masaya ang paligid lalo ang relasyon ng pamilya mo?

Mga tanong na mahirap sagutin, kaya ipasa-Diyos na lang natin🙏🙂.

...^•°...

Maraming salamat sa iyong pagbabasa

Sana ay may napulot ka sa kwentong aking nilathala

Hanggang sa muli!

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte

1
$ 2.72
$ 2.67 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Bahala sila jan na mahirapan hehe.

$ 0.00
2 years ago