maling akala

3 30
Avatar for batanguenaVersion2.0
4 years ago

Tiklop ang tuhod at nanginginig ang bumalot sa akin nang ako ag nagtangkang humingi ng tulong sa isa sa aking kamaganak.Ito ang paraan ko upang maibsan at masolusyunan ko ang aking problema kinakaharap.Lumapit ako ng walang pagdadalawang isip sapagkat alam ko na kaya nila ako tulungan sa aking problema.Subalit ang aking akala ay isang napakalaking pagkakamali.Walang pagsidlan ang aking luha at lungkot.Ang aking mukhang di maipinta sa sobrang pagkadismaya,masyado ako naghangad at umasa.Akoy labis na nasaktan sa nangyare.Hindi ko inaasahan akoy mabibigo sa gitna ng kagipitan at crisis na hinaharap naten.Ang taong akala ko kaya ako tulungan at isalba sa putikan ay sya rin nagbigay sa akin ng pasakit at pighati.Nagtanim ako ng galit at poot.Wala iba nasa isip ko kung hindi magtanong.Bakit kung sino pa kadugo mo,kung sino pa akala mo pwede mong lapitan,bakit??Sa ibang tao maririnig mo mabait sya keso ganyan..pero sa sarili kapamilya hindi niya maibigay.

Sa lahat ng ito may isa ako natutunan.Ang pagsisikap at pagsisipag ang gawin puhunan upang hindi natin maiasa sa ibang tao ang pagasa ng ating pagbangon at pag-angat.Gawin nating inspirasyon ang bawat pagkakamali ating nagagawa.Himukin natin ang ating sarili makapamuhay na hindi umaasa sa ibang tao.Dahil wala iba tutulong,wala iba aasahan kung hindi ang ating mga sarili lamang.Magsumikap tayo upang sa ganun maipakita sa mga inakalang maasahan natin na hindi lamang sila may karapatang umangat sa buhay.Ipakita natin na kaya nating umangat sa parehas na lupa kanilang inaapakan.At dadating yun araw na kaya na nating ipagmalaki ang mga sarili natin na pantay pantay at wala tayo inaapakan na pagkatao.Dahil akoy naniniwala na tanging Diyos lamang ang makakapagsabi nang ating kapalaran.Diyos lang ang makakapagdikta ng ating magiging tadhana.

5
$ 0.00

Comments

Make that an example to move forward and be strong! You can do it friend!

$ 0.00
4 years ago

Okay lang naman angboag kamali ng unang beses pero huwag lang paulit ulit dahil niloloko muna sarili mo noon.

$ 0.00
4 years ago

Madaming ganyan.. pero sa ibang tao matulungin sila at mabait.. pero da sarili ilang kamag anak at kadugo ay napakadamot at hindi ka tutulingan.. trust me on this.. totoong totoo yang article mo.. keep it up.. keep writing at mag sumikap tayo ng atin.. at kung tayo man ay aangat wag na wag mo silang tanggihan.. bagkos ay iyong tulungan.. kahit ginawan ka pa ng ganyan.. Godbless us all

$ 0.00
4 years ago