Lumang kahapon

1 8
Avatar for batanguenaVersion2.0
3 years ago

Di ko mawari ang dahilan,di ko alam ang paliwanag sa bawat katanungan gumugulo sa aking isipan.Lahat ng aking nalalaman ay pilit ko hinahanapan ng kasagutan subalit palaging may kalakip na bakit sa huli.Mayroon ako isang kaibigan na maituturing kong isa sa malapit sa aking buhay.Halos lahat ng aking mga pinagkakaabalahan ay alam niya dahil lagi ko siya nakakasama.Pero minsan ng sinubok ang aming pagkakaibigan nauwe sa tampuhan pero hindi ito nagtagal.Datapwat makalipas din ang ilang araw kami ay nagkaayos pero nagkaroon na ng basag ang aming ugnayan.Hindi na maibalik ang dati naming samahan kaya naman dito nagumpisa ang kompetisyon sa aming dalawa.Hindi ko inaasahan sa bawat kilos at galaw ko ay siya magiging basehan ng kanya buhay.Ako ang naging daan para siya buhayan ng inggit sa katawan.Hindi siya tumitigil sa mga ginagawa niya basta ang kagustuhan niya ay makalamang sa akin.Lahat mg ginagawa ko ginagawa niya rin.Sa pananamit,sa gawain at sa lahat ng maibigan ko gawin halos ginagawa niya rin.Pakiramdam koy nang-aasar lamang siya.Lage ko tanong sa aking sarili bakit niya ito ginagawa.Anu rason niya para magkaroon ng inggit sa akin.Nais ko siya kausapin pero pilit at pilit niya ako itinataboy palayo.Maraming beses na niya ako pinagsalitaan ng masasakit Pero kahit kelan hindi ko siya pinatulan sa kanya mga ikinikilos at sinasabe.Bagkus hinahayaan ko siya na mamulat na mali na ang kanya ginagawa.Ipinagdadasal ko na lamang sa Panginoon na sana hipuin ang kanya puso na mabago ang isip sa anumang kamalian nagagawa.Ang lahat ay akin na lamang inuunawa sapagkat iniisip ko na ako mas kaya umunawa at maaring may dahilan kung bakit niya iyon ginagawa.Tanging Diyos lang ang nakakaalam kung paano ko makakalimutan ang lumang kahapon na aking napagdaanan.At iyon ay lage ko ipinagdarasal na mahanap niya ang kasiyahan sa kanya puso.

3
$ 0.00

Comments

Kaya nga may kasabihan tayo na dont rely too much on someone. Dont tell them everything because you might not know when he/she will be your best enemy in the end..

$ 0.00
3 years ago