Anomaly (Part14: Nagbabadyang Trahedya)

0 23
Avatar for baoxian23
2 years ago

"Nagugutom ka na ba?" Lumaki ang mata ko habang linilingon ang lalaking nagsalita sa likod ko. May himala!

"So...kinakausap mo na ako? Hindi ka na..." Hinampas ko palayo ang kamay ni Marco. "Don't do that again. Don't shush me with your finger."

"Okay. I'll add that to your don'ts. Let us go to downtown and eat." Itinaas niya niya ang dalawang kamay para buhatin ako.

"Huwag nalang kung, sa ganiyang way. Wala ba ditong other way of transportation, I mean there are humans here. Hindi rin naman maliit 'tong eskuwelahan para sa lakaran."

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa mga portals? Binasa mo ba ang handbook!?" Hinila ako ni Marco papunta sa hintuan ng bus, kakaiba nga dahil wala namang umiikot ditong kahit anong sasakyan.

"That stupid hand book again. Yeah, next time I'll make time."

"Your weird, alam mo 'yun? Have you met Manang Josie? 'Yung bantay ng dormitory ng mga babae? Ang unang pinapagawa no'n ay kabisaduhin ang mission and vision ng eskuwelahan."

"Uhm...'yung lamang lupa? I mean engkanto na nangunguha ng gadgets? Hindi ko pa nga nakukuha 'yung phone ko. Hindi ko tuloy matawagan si Kuya Lyndon."

"Use my phone then."

Umiling ako, "Nah. It's okay. Kung gusto naman nila akong kamustahin, madali nilang magagawa...On the other hand, ano ba'ng inaantay natin dito? Walang dadating na bus, 'di ba...?"

"Wala nga. Pero, may inaantay tayong schedule."

"Ha...?" Nagtataka kong tanong.

"Hay...next time read that book. You see this..." tumuro siya sa gilid namin, sa isang karatula. "Schedule 'yan ng mga portals. Inaantay natin 'yung pang-alasais. Ten minutes na lang. The witches here at school see to it that they don't miss. Hindi naman pwedeng continuously working ang portal kasi madalas nagkakaroon sila ng glitches, iwas din sa cutting classes."

"Ow...I see." Napa-isip ako. "Teka, sino ba ang may-ari nitong skul?"

"You don't know? The Carmichaels."

Biglang may umusbong na bara sa lalamunan ko, bigla akong napaubo. Napahampas sa likod ko si Marco, para tulungan ako. Itinaas ko ang kanang kamay para sabihing ayos na 'ko. Darn it. My family owns the school, that explains the principal's covering up my identity. Pero, hindi na rin siguro nakakagulat na ang ama ko ang namamahala sa edukasyon ng mga susunod na pinuno. He oversees a lot of things.

"Tara na!" Nauliratan ako sa paghila ni Marco. Pumasok kami sa loob ng lagusan at kagaya ng normal, pakiramdam ko hinihila ang mga bituka ko palabas. A wild roller coaster ride.

"Next time. 'Wag mo ko basta-bastang hinihila," inis kong sabi. My headaches from the residual effect of goung through the portal, it freaking feels like I got hangover.

"Do'n! Tayo!" Itinaas ko ang mga kamay ko para pigilan ito sa muling paghila sa akin. "Okay. Another don't."

"Hindi ba magtataka ang mga tao kung makikita tayong kumakain? I mean the vampire thing. I'm craving for some Chinese."

"Food? We eat food. Hindi nga lang sa dahilan ng mga kagaya ninyo. You see, before we turn we spent years eating human food. Pagkatapos naming maging bampira, we miss it. Though, it feels like eating air. It doesn't satisfy our hunger. Chinese is good."

Our lives are all complex. Hindi ko lubos maisip ang dating mundo, kung saan nagtatago ang mga kagaya namin. Ga'no kahirap ang bagay na iyon. Tumango ako kay Marco at tumawid kami sa kalsada papunta sa isang Chinese Restaurant, katabi ng Mc Donalds. Nakakatuwang mayroong ganitong lugar. A little happy world inside the big ugly one.

"Wow! I love the smell! I'm really hungry." Pumuwesto ako sa isang lamesa sa gilid, sa wala masyadong tao.

"So what do you want?" Tanong ni Marco habang pinagmamasdan ko ang menu.

"Okay...I'll take a hot and sour soup, hot pot stickers, pork dumplings at isang bowl chopchae!" Nakangiti akong nakatingin sa kaniya.

"Hindi mo naman sinabing magpapakain tayo ng tatlong pamilya."

"Shut it! Nagugutom ako." Natatawa nitong sinasabi ang order namin sa waiter.

"Dagdan mo na din ng isang black bottle."

Umalis para kunin ang pagkain namin.

"Blood?"

"Yep. Blood and alcohol is a good combination. Wait till you try it." Sabi niya ng nakangisi. Ngumiti rin ako, sana maging swabe na ang lahat.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang pagkain. Wala anu-ano pa at nagsimula akong kumain. Galit-galit muna, matagal ko ring inasam to.

"Uhm...excuse me?" Sabay kaming lumingon sa pamilyar na boses. Si Dianna, 'yung mangkukulam na may gawa ng pagkaka-kulong ko sa bilog ay nakatayo sa gilid ng lamesa, inaantay reaksyon namin ni Marco.

"Dianna! It is nice to meet you," bati ni Marco rito.

"Hi Marco, it is good to see you too. Si Franco?" Bumaling ito ng tingin sa akin.

"His out," sagot ni Marco.

"Sorry to interrupt you guys...but...uhm...can I sit with you? Adrianna..." Hindi ko naman siya masisisi. It's not her fault, I guess, she is just trying to be a survivor in this wild jungle. Mahirap maging kakaiba sa mga kakaiba.

"Nah, go ahead sit with us." Umurong ako para maka-upo siya sa tabi ko.

"You see Adrianna..."

"Yanna would do," putol ko rito.

"Yanna, uhm, what I did was wrong. I know...it is just that...that...Maureen is my childhood friend, including the twins, Marco and Franco." Tumingin muna siya kay Marco at nagpatuloy, "At times, Maureen can be really difficult. She got territorial issues, for her...Franco would always be her possession...you know, and out of a sudden you came. It crashed her."

"But that doesn't mean you have to do her every whims. You have to stand for your self, hindi ka naman niya anino, 'di ba?"

"I know. But she's my friend. It's just I know her more...more than others. She's okay most of the times."

"Really? I highly doubt that." Nagpatuloy ako sa pagkain. Tumigil ako ng maramdaman kong nakatitig pa rin sa akin si Dianna. "What do you want from me?" Baling ko ng tanong dito

"Yanna..." Simula ni Marco pero pinutol ko siya gamit ang kamay ko. "Okay, I'll be quiet."

"Just wanna say sorry," mahinang bulong ni Dianna.

"Nagawa mo na, you can go now." Kinuha ko ang baso ni Marco na may lamang dugo, inubos ko ito sa isang tunggaan.

"Okay." Tumayo ito, inilahad niya ang kamay sa direksyon ko. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mata ko pataas. Seryoso, anong dekada ba siya nanggaling? Pero gayon pa rin kinuha ko ito at nakipagkamay.

"Aray!" Sigaw naming dalawa ni Dianna. Agad kong binawi ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa mga kamay namin. Mainit na parang nakapapaso, kahit pa na magkahiwalay na ang mga kamay namin dama ko pa rin ito. Pakiramdam na pamilyar sa akin, dahil kailan lang nang huli itong mangyari. Kagaya ng inaasahan ko, sumunod ang kirot sa braso ko. Hindi puwedeng mangyari 'to, lalo lang gumugulo ang mundo ko. Hindi ko gustong tingnan pero itinaas ko pa rin ang parte ng katawan kong sumasakit. Katabi ng simbolo ng bampira ay ang unti-unting pag-ukit ng isang bituin. A pentagram, the symbol of witches.

"Anong nanyayari?" Tumingin ako kay Marco, pabalik kay Diana. Ayaw bumukas ng bibig ko, walang boses na gustong kumawala. Bumalik sa pagkaka-upo sa tabi ko si Dianna.

"I'm Dianna Longwood and I promise to do whatever it takes to protect you with my life," bumulong ito sa akin. Patuloy ako sa pananahimik. Isa na namang guardian, napaka suwerte ko, naman! Fuck!

"No. No. No, you can't be!" Tumayo ako, hinawi ko si Dianna at tuluyang lumabas ng restaurant.

"Get her. I am just going to pay for these things," narinig kong sinabi ni Marco.

Tumakbo ako. Mabilis. Wala akong balak huminto. Kung puwede lang takasan ang lahat ng mga ito, gagawin ko. Kung alam ko lang kung papaano. Bumuhos ang mga luha ko, sobrang naguguluhan na ako. Ayos na sana, natatanggap ko na ang tungkol kay Marco. Tapos, ito na naman? Isang mangkukulam? Fuck guardians! Fuck 'em!

"Yanna! Yanna! Saglit lang!" Pilit akong hinahabol ni Dianna.

"Ano ba ang gusto mo!?" Huminto akong hinihingal.

"Talk to me. This thing...it is not my fault, okay?" Umaapaw palabas ang pag-aalala sa sistema niya. I wanted escape, to hide for eternity. Ayaw ko ng komplikasyon, pero 'yon ang nakukuha ko, sa lahat ng kilos ko. This is one hell of a week.

"Why? Bakit? Bakit ako? Can someone make sense of what is happening?"

"Yanna? Are you okay?" Bigla na lang sumulpot si Marco sa tabi ni Dianna.

"Block your emotions! Please!" Mabuti na lang at walang masyadong tao sa paligid para makita ang paghi-hysteria ko. Napaluhod ako sa damuhan ang mga kamay ko kusang pumunta sa uluhan. Pakiramdam ko, sasabog ito sa sobrang sakit.

"Are you okay!?"

"What is wrong!?"

Tumakbo palapit sa akin ang dalawa.

"I'm feeling you both. Empath. Scared.concern.sad.angry.happy...ugh! Mask it please!"

"Okay. Okay!" Parehas nilang sinabi at unti-unti nawala ang sakit. Ibinaba ko ang kamay ko at naupo.

"Thanks. I'm fine now." Iniling ko ang ulo ko sa kamay ni Marco na nakalahad para tulungan akong tumayo. Imbis, ginamit ko ang sariling lakas. Huminga ako nang malalim at humarap sa dalawa. "I can handle myself. So...um, what is it now? Plano natin?" Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagsimula muli akong maglakad na parang walang nangyari kani-kanina lang. My mind feels like floating in the air.

"Teka! Yanna!" Pinigilan ako ng mga kamay ni Marco. "Sa'n ka pupunta?" Hinawakan niya ang mukha ko para tingnan ko siya sa mga mata niya.

"Home. Wherever it is. I'm tired. My mind wants to explode and I'm missing my mom who won't bother to call me." Ibinaba ko ang kamay niya at lumingon ako kay Dianna. "Sorry."

"Let us get you home, okay?" Tumango ako at hindi na nanlaban pa ng buhatin niya ako. "Coming?" Sigaw nito sa direksyon ni Dianna.

"Yeah, but you know...I am not fond of flying so I'm making a portal. Give me something of yours." Iniabot ni Marco rito ang isang purselas. "See you there then, Di."

Umangat kami sa lupa at ilang segundo pa ay nasa harapan na kami ng bahay namin ni Franco.

"Nice house," komento ni Dianna, kalalabas lang ng portal.

Umakyat ako at nag-akmang bubuksan ang pintuan. Pero natigilan ako.

"Thank god I saw you! Kanina pa kita hinahanap!" Lumabas ang pigura ni Anna sa kotseng sinasakyan niya.

"Well...I am living my fucking life?"

"Not the right time for sarcasm. You need to come with me, kailangan kang makausap ng prinsipal."

"This time of night?"

"Yes it's urgent." Walang keme akong bumaba ng hagdan papunta sa kotse ni Anna. "You two can't come." Pigil nito kina Dianna at Marco.

"You don't have a choice, they are coming with me. O, hindi ako sasama." Tuluyan akong pumasok sa loob ng sasakyan, sumunod naman sa akin ang dalawa. Wala ng nagawa pa si Anna tungkol dito.

"You are going to be fine." Kinuha ni Marco ang kamay ko. Silently channeling support. Ngumiti lang ako rito. Where the hell is Franco, I need him. Kailangan kong marinig na sabihin niyang magiging ayos ang lahat, katulad nang madalas niyang ginagawa. Kailangan ko siya para kalmahin ako.

Tahimik akong bumaba ng sasakyan habang nakabuntot sa akin ang mga guardian ko. Walang katok katok kong binuksan ang opisina ng prinsipal, "Need to talk to me?" Pambungad kong bati.

"Celestine..."

"Kuya Lyndon!?" Nagulat akong tumakbo sa pinakbata kong kuya, mahigpit ko itong niyakap. Kahit pa magkalayo ang edad namin, siya ang pinaka-malapit saakin. "Why are you here!? Does mom and dad know about this? Gosh I miss you!"

"Kuya? You are Lyndon Carmichael's sister? Celestine?"

"I told Anna to take only you. Marco close the door please. Why are they even with you Celestine?"

Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol dito. Great! Talk about how things are going crazy. I got the valid reason to be out of my sanity.

"They are my guardians." Itinaas ko ang braso kong may ukit ng mga simbolo.

"It's happening..." Sabi ng prinsipal habang sinusuri ang mga ukit sa braso ko.

"Okay. Enough!" Inagaw ko pabalik ang kamay ko.

"Try to explain things here...?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Marco.

"What is happening? Bakit ka nandito Kuya?"

"Celestine...Dad is missing."

Tumigil ang lahat. Nawalan ng tunog ang paligid. Isang 'di makitang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ko. Sobrang sakit. Unti-unting naputol ang hininga ko hanggang sa...kuhanin ako ng kadiliman.

Author's Notes: Sorry kung at times magulo ang story. Hindi ko po ito forte. Mystery/Thriller/Action/Dark Romance ako eh. (excuses.XD) haha. Thanks though. If you like this story here's the link to the previous one: https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part13-ang-mga-nakatakdang-mangyari-875cd0e9

2
$ 0.55
$ 0.52 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
2 years ago

Comments