Anomaly (Part13: Ang Mga Nakatakdang Mangyari)

0 22
Avatar for baoxian23
2 years ago

Franco?" Hanap ko sa kaniya dahil wala na ito sa tabi ko pagmulat ko. Maaga pa, saan naman kaya siya pumunta. "Franc-" napatigil ako.

"Sorry!" Mabilis na tumakbo si Marco papasok ng kuwarto para magbihis.

"Don't walk nude in the house, kung pupuwede lang? Even in boxers."

Tumango tango lang ito para sumagot, "Wala nga pala si Franco, he left a message sa fridge. Sabi n'ya he'd call later daw. Uhm...he left you in my care."

"Hindi na ako bata para mangailangan ng taga-bantay. I can take care of myself, so you just know," sabi ko, papunta sa direksyon ng kusina para kunin ang note na iniwan ni Franco kasama ang isang k'wintas. Marahil galing na naman do'n sa prisipal.

Balik ako mamaya, may biglaan lang na kailangan gawin. Wear the necklace, sabi ni tanda makakatulong daw yan sa distance natin. Marco wud be der for u. Call later. Love u baby. Take care and be safe.

"Told you." Tumingin ako kay Marco at napabuntong hininga. Whatever he says, I don't need a guard. Isinuot ko ang k'wintas at naglakad pabalik sa sala.

"I don't need a guard," sabi ko, palagpas sa kaniya.

"Well, technically...I am your guard."

Ang pinakamahirap sa buhay ay 'yung makipagtalo sa taong ayaw magpatalo kaya imbis na sumagot pa, itinaas ko nalang ang balikat ko at umupo sa sofa at pumikit. Sumasakit lang ang ulo ko. Kung pupuwede lang e, hindi na ako papasok; kahit kailan. I don't think I can handle more strange noises inside my head.

"Hungry?" Ibinukas ko ang mata ko at tumingin sa kamay na may hawak-hawak na bote ng dugo.

"I'm hungry. Human food hungry. Salamat nalang pero you can have it."

"So...you still eat human food, huh? Weird. But...uhm...you can cook there..." Itinuro niya ang direksyon ng kusina. I can't help but roll my eyes up.

"I can't even open a can of sardines, pa'no pa ko magluluto?"

"Burgis?"

"Huh?"

"Rich kid, what I mean." Hindi ako umimik, pumikit lang ulit ako. Siguro pag-inisip kong hindi na ako gutom, hindi na rin ako magugutom Lame, I know.

"Here. Pumunta ako ng Down Town". Binukas ko ulit ang mata ko at nakita ko ang hawak-hawak nitong pagkain. Burger and fries.

"Pa'no..." Muntik ko ng makalimutang hindi nga pala simpleng tao ang kasama ko, kung hindi bampira. Weird that I can't seem to get the hang of it since I've been living with wolves my whole life, not that I see them oftenly. "Thanks," sabi ko pagka-abot sa plastik.

Matapos kumain nagbihis na ako para pumasok, na kung pupuwede lang hindi ko gustong gawin.

"Are you ready, princess?" Tumingin ako ng masama kay Marco at sa mga nakalahad nitong kamay. Dahil sa napakalayo namin sa academic building, kinakailangan namin ng sasakyan para makapunta do'n pero dahil wala kaming sasakyan, isang paraan lang ang puwede kung gusto kong umabot sa unang klase ko. Huminga ako nang malalim at humawak sa balikat ni Marco sabay pikit habang mabilis akong iniangat sa sahig. Wala pang sampung segundo at nasa tapat na kami ng building.

"Salamat," bulong ko kay Marco.

Hindi katulad ng dati, pagkapasok ko sa loob ng silid aralan, wala akong kahit ano mang boses na narinig sa utak ko. Tahimik. Masarap sa pakiramdam. Natapos ang buong klase na walang gumagambala sa utak ko, walang humuhuning bubuyog. I wonder the why and the how of this.

"So...sa'n tayo? Sa'n kayo tumatambay?" Tanong ni Marco pagkalabas namin ng klase, recess na at nagugutom na naman ako.

"Uhm...kasama ng mga gurdian ni Franco. Sa labas." Tumuro ako sa bintana sa ilalim ng punong madalas naming tambayan. Walang tao doon ngayon. "Where are they? Pati si Ms. Hanni, wala rin. Nasa'n ba talaga si Franco?"

"He's doing business don't worry about him. Hindi rin s'yang p'wedeng bumiyahe ng hindi kasama 'yung mga ugok niyang guardian. So...they are all with him. Pati si Henrietta kasama nila. Sa...Canteen nalang tayo?"

Kinabahan akon pumunta sa maraming tao, pero...wala pa naman akong naririnig ngayong araw, hindi ba? Baka....okay lang. Ngumiti ako at tumango.

Kumuha si Marco ng dalwang bote ng dugo at nagsimula kaming maghanap ng upuan. Maraming tao pero gayon pa rin, tahimik ang lahat, ang isip ko.

"Yanna!" Agad na salubong sa akin ni Sam.

"Hey! Room mate!" Segunda naman ni Thea.

Dumiretso kami sa lamesang inuukupa nila at naupo ako sa tabi ni Sam at si Marco naman kay Thea.

"Long time no see, Al!" Bati ni Marco kay Thea na may kasamang malakas na batok.

"Aray! Gusto mo bang mabuhay pa, ha? MONTEVERDE?" Galit na singhal ni Thea, sabay ganti ng suntok.

Nakahinga ako nang maluwag. Okay lang ang lahat.

"So how's life?" Tanong ni Sam sa akin.

"Fine, I guess. Ikaw?"

"Surviving. Alam mo bang limampu't walo lang ang normal na tao sa buong eskuwelahan? But...I guess life's fine with me too."

"Kamusta naman Adrianna?" May tumapik sa likod ko at napabalikwas ako ng tayo sa upuan, hindi dahil sa nagulat ako kun'di dahil masakit ang pagkakatapik nito.

"Maureen puwede ba!?"

"Why, Marco? Pati ba ikaw nagoyo na ng babaeng 'to?"

I'll promise to make her life a living hell.

Kasalanan naman niya kung ano man ang nangyayari sa kaniya.

Hindi kasi dapat niya binabangga Maureen.

She looks pathetic.

Tama lang 'yan sa kan'ya.

She's an outsider anyway.

"ENOUGH!" Sumakit ang ulo ko. Napatayo ako nang tuluyan mula sa pagkakaupo, naitulak ko ng 'di sinasadya si Maureen. Salamat nalang at 'di kagaya ng dati, napaupo lamang ito sa sahig.

"How dare you!?" Sigaw ni Maureen sa akin. Tinulungan itong tumayo ng mga alipores niya, isa rito 'yung babaeng may kasalanan sa muntikan kong pagkasunog. "Hindi pa ba sapat na na-ospital ako! For the first time in my life! Are you really trying to kill me!?"

Naku! Lagot s'ya, hindi magandang mapunta sa bad side ng mga Elizalde.

Hindi niya ba alam na kahit pa Significant siya ng Prinsipe ay hindi siya makaka-ere sa apo ng isang Elder?

Shit. Pang-drama na naman 'to. Puwede namang magpakumbaba nalang ang isa sa kanila. Daig pa ang MMK.

"I-I'm so-"

Tumigil ako nang pumagitna sa amin si Marco, pagkahawak na hawak niya sa kamay ko, tumahimik ang lahat. Nawala ang ingay pati ang sakit na dala nito. Alam ko na kung bakit hindi ako nakakarinig ng mga iniisip ng mga tao kanina pa. It's because of Marco.

"Tama na, Maureen. P'wede ba? You are acting like a pathetic brat, whose candy is stolen. Tapos na kayo ni Franco, p'wedeng tanggapin mo nalang 'yun?"

"I'm not done with you. I will get you back bitch." Inihampas ni Maureen ang kamay sa hangin, matapos ay mabilis itong nawala kasabay ng mga alipores niya.

"Are you okay?" Tanong ni Marco habang inaalalayan ako palabas ng canteen. "Mauna na kami," paaalam nito sa mga kaibigan namin. Tumango lang sina Thea at Sam sa amin.

"Sorry, naistorbo ko 'yung kain ninyo." Ngumiti ako kay Thea.

"Its okay, don't worry about it Room mate. Next time sa Down Town nalang tayo kumain."

Tuluyan kaming umalis sa mataong lugar. Kasabay pa rin nito 'yung bulungan pero 'di tulad ng dati. Tahimik ang pag-iisip ko. Mahigpit kong hawak-hawak ang kamay ni Marco. Pakiramdam ko kapag hawak ko ito, ligtas ako. Na walang mangyayaring masama sa akin.

"Thanks," bulong ko, nakarating na kami sa labasan sa may damuhan sa may kakaunting tao.

"For what? I'm suppose to guard you. Para ngang hindi ko masyadong nagagawa 'yung tungkulin ko." Matipid itong ngumiti, ang mga mata niya marahang bumaba sa mga kamay namin pataas sa mukha ko.

"Franco told me about your powers. This whole morning I was thinking why I'm not swarming with other people's thoughts, I'm thankful because of it. It's because of you, Marco. Salamat and you are doing a great job." Binitawan ko ang kamay niya, panghihinayang ang sumunod dito.

"You know fate is fucking messing with me. I'm the one who saw you first, yet sa kan'ya ka napunta. Do you even remember me?"

Nagulat ako sa tanong niya, anong sinasabi niyang siya ang unang nakakita sa akin? "Ha? You saw me before? Kailan?"

"In that stinky cell in Manila. I should have the guts to atleast ask your name that night. Siguro hindi ako nanghinayang."

"Ano...? I thought it was Franco the whole time."

"Inakala mong ako s'ya? Why?" Lumapit sa akin si Marco. Hawak-hawak ang dalawang balikat ko. Pilit akong hinihingian ng kapaliwanagan.

"Marco, please...stop it. You look, too same as he is...I never thought na may kambal s'ya. And what kind of coincidence it was? Sorry...can we not talk about it...? I can't erase the bond with your brother and yours to me. Nothing could change that fact, we are all connected....I guess." Hinawi ko pababa ang mga kamay ni Marco, marahan silang pinipisil. "Mahuhuli na tayo sa next class." Matipid ko itong nginitian.

"Okay...I will let it go. But, just for now." Inilayo niya ang tingin sa akin at naglakad papasok sa loob ng academic building.

"Wait lang, Marco!" Sigaw ko pero hindi ito lumingon para hintayin ako. Kaya naman tahimik nalang akong sumunod sa kaniya.

"Marcus, long time no see! Tuloy- tuloy na ba ngayon 'to?" Itinaas lang ni Marco ang balikat niya para sumagot sa titser naming nagtanong matapos ay umupo ito sa isang bakanteng upuan na sinundan ko naman.

"Marco are you ignoring me?Don't ignore me, please...?" Kakaibang tingin at isang buntong hininga lang ang isinagot sa akin ni Marco. He is giving me a silent treatment, punishing me for something I don't have a hold of. Kung puwede ko lang suntukin si tadhana, baka nagawa ko na.

Matapos ang eksena sa labas kanina, 'ni simpleng kamusta, hindi ako magawang tanungin ni Marco. Kasama ko nga siya buong araw, nakabuntot sa akin pero ang pakiramdam ko, may kasama akong bomba na sasabog sa 'di ko malamang oras. Nakakakaba pero wala naman akong magawa. Hay... Ayoko lang matapos ang araw na may bigat sa loob niya, hindi ko kasi maiwasang mag-aalala dahil nararamdaman ko lahat ng nararamdaman niya. That is just how the bond works.

Author's Notes: Missing me? I'm kinda in sour mood lately. Hayyysss .. anyway thank you so much guys for reading my stories and if you love this one here's the link to the previous chapter:

https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-12-kapatid-kaibigan-kakampi-kaaway-59e36091

2
$ 8.77
$ 8.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
2 years ago

Comments