"May tao ba d'yan? Tulong naman, o!" Kagaya nang inaasahan ko, walang nakakarinig sa akin. Sa totoo lang sa dami ng bampira sa eskwelahan? Napahampas ako sariling noo nang maalalang nasa isang banyo nga pala ako at malamang nakaselyo ito.
May isa pa namang daanan e, kaya lang kung doon ako dadaan iikot ako sa quadrangle at mataas ang araw. Really? A wolf afraid of the sun. How unique, right?
Puwede naman akong hindi lumabas ng banyo, pero pasasayahin ko lang ang gumawa sa akin nito. And I won't do that, not in a million chance. Bahala na, hindi ako luluhod sa harapan nila. Mapapagod sila pero lalaban ako.
Lumabas ako sa kabilang pintuan sa likod ng academic building. Mataas nga ang araw, agad akong pumasok pabalik sa nilabasan ko. Gaano ba kalayo 'yung lalakarin ko? Hindi naman siguro ganoon kalayo kaya kakayanin ko ito. Lakas loob kong itinapak muli ang paa sa mainit na simento at tumakbo. Ump. Nabunggo ako sa isang pader...sa isang babae pala.
"Ito ba 'yung hinahanap mo?" Sabi ng nakabunggo sa akin, itinaas niya ang kamay na may suot-suot na singsing. Ang singsing ko!
"Give it back to me!" Sigaw ko rito na may hingal sa boses.
"And why would I do that?" Inabot ko ang kamay ng babae kaya lang napigilan ako. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa kinatatayuan, parang nakadikit sila sa semento. Yumuko ako, napansin ko ang nakaguhit na bilog sa mismong paanan ko. "Very good Diana!"
Tumingin ako sa babaeng bigla nalang tumabi sa magnanakaw ng singsing ko. 'Yung nakatapon ng inumin sa akin. So, this was there plan all along. Shit!
"I can call Franco and you both would be in so much trouble," mahinahon kong pagbabanta. Wala naman sigurong makakaalam na wala kaming mind link ni Franco. I hope they would believe me.
"Go ahead and try your hardest. You know my bestfriend Diana here is a top ranking witch student at hanggat hindi niya inaalis ang spell d'yan sa bilog na kinatatayuan mo, hindi ka makakaalis. Call it even nalang sa ginawa mo kay Maureen. Maranasan mo ring masunog."
"Hey! Stop! Get me out of here! Hey! I promise you won't get away with this!" Nagsusumigaw ako pero wala na akong naggawa pa at umalis na ang dalawa nang tuluyan. Dammit, alam ba nilang puwede ko itong ikamatay? Stupid bitches!
Franco! Franco! Please naman o, tulungan mo ako! Franco!
Talagang walang nangyayari, nangangalay na ang mga paa ko at unti-unti nang humahapdi ang balat ko. One hour is the top I could withstand the sun. Matapos ang isang oras, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
"May tao ba d'yan!? Help me please! TULONG! Tulong! Tulong! "
Sumisikip na ang dibdib ko kasama nang paninilim ng mga mata ko. Napaupo nalang ako sa sahig upang mabawasan ang pangangawit. Itinago ang mga braso sa may tiyan at yumuko para matakpan din ang mukha. Pakiramdam ko dinidilaan ang buong katawan ko ng apoy. Lumulusot na sa damit na suot ko. Mainit. Sobrang init na nakakapaso, nakakasunog.
"Ahhh! Franco!" Sigaw ko nang tuluyan. Hindi ko na talaga kaya kinaya pa unti-unting napulutol ang hininga ko kasabay nang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
"Hey? Anong nangyayari sayo?"
Franco? Sinubukan kong itaas ang mukha ko pero wala nang natitrang lakas sa katawan ko. But I know it is him. The voice. Naramdam ko ang pagtatangkang pagbuhat sa akin ni Franco.
"Who did this to you?" Hinubad niya ang suot na polo at tinakip sa katawan ko. "Why aren't you in your uniform? Are you stupid?" Hindi ko na alam pa ang mga sumunod niyang mga sinabi at ang mga nangyari dahil dumilim na ang lahat at nawalan na ako ng malay. Nang huli akong nawalan ng malay, nakilala ko ang significant ko, ngayon ano naman kaya ang naghihintay sa akin.
She is darn cute. Kung hindi lang siya natutulog ngayon malamang nahalikan ko na ang mga labi niya. Shit! Ano ba ang iniisip ko? Puta. Hindi ko alam ba't ako nagkakagan'to. Nababaliw na 'ata ako.
Unti-unting bumukas ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Franco. Agad akong napabalikwas ng tayo sa kama at kapit nang mahigpit sa kaniya. "Thank God, Franco you came! Akala ko...akala ko..." Nanigas ang lalaki sa bisig ko, marahan niya akong itinulak palayo sa kaniya.
"Sorry. I am not Franco," sabi nitong nakatitig sa mata ko.
Anong ibig niyang sabihin? Nanaginip ba ako? Bumaling ang ulo ko pakanan, sumasakit na naman ang ulo ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Franco; hindi nga pala siya si Franco.
"Franco, no....I cannot understand. If you are not him...ugh! Sumasakit ang ulo ko."
"Thank God you are okay Yanna. I'll kill the person who've done this to you!" May isa pang Franco na pumasok mula sa kurtina. "Yanna, yanna...sabi ko na, hindi dapat kita iniwan. Hindi." Ikinulong ako nito sa mahigpit na yakap. The moment he touch me, I know it is him. The familiarity that he brings; the peace. But...who's the other one?
"Ahem... Marco. I'm Marco nga pala," putol nito sa amin.
"He is my brother. Twin brother," Pagpapaliwanag pa ni Franco nang pakawalan niya ako.
Kaya pala sila magkamukha. Pero hindi no'n ipinapaliwanag ang nararamdaman ko. Ito na naman, may kung anong nangyayari sa loob ko. May kakaiba, mainit na parang napapaso ang braso ko. Kumislot ang mukha ko at itinaas ang kumikirot na parte ng katawan. Isang hugis araw na may pangil ang kusang nauukit sa balat ko, ang simbolo ng mga bampira.
"Anong nanyayari?" Hindi maipaliwanag ang ekspres'yon ni Franco habang si Marco naman ay biglang lumuhod sa harapan ko.
"Ako si Marcus Angelo Monteverde nangangakong itataya ang buong buhay para sa kaligtasan mo." Kinuha niya ang kamay ko at marahang inilapit sa bibig para halikan. Fuck, I just earned myself a guardian. Hindi ko na alam kung anong reaksyon ang dapat kong iguhit sa mukha ko, gulat ba o saya? Patuloy lang akong naguguluhan, gusto ko ng sagot; ng kaliwanagan.
May humila sa pagkakahawak ni Marco sa kamay ko. Bumaling ako ng tingin kay Franco. Selos. Bigla nalang umusok palabas sa sistema niya ang pakiramdam, lingid sa kaalaman na nararamdaman ko rin ito. Matalim itong tumitig sa kakambal niya. Akin, pilit isinisigaw ng loob nito. Galit na may umaangkin sa akin. Hindi rin naman kasi karaniwang magkaroon ng lalaking guardian ang mga babae. Kagaya nang kay Franco, lahat ng mga guardian niya ay lalaki. Pero, hindi lang 'yun ang malaking isyu; lobo ako at parehas silang bampira.
Wala nagpapatinag sa dalawa, walang gustong pumutol nang naiibang temperatura sa loob nang makitid na kuwarto.
"Franco stop it," umpisa ko, hinahaplos-haplos ang braso niya. Pilit na kinakalma ito.
"Significant ka niya? That can't be right..." Napatigil si Marco, naghihintay ng sagot mula sa amin ni Franco.
"As if you being her guardian is any different," sagot ni Franco dito. Ano ba ang meron? I thought, from Franco's stories that they are close.
"But...she's...she's not a vampire. I'm sure that you are not." Bumaling ito ng tingin sa akin, parang sinusukat ako ng mga mata niya. Humahanap ng eksplenasyon sa tanong na ako mismo, hindi ko masagot.
"Hindi magandang pag-usapan 'yan dito," paalala ko.
Buti nga sa kan'ya! Sana nasunog s'ya nang tuluyan sa arawan! Pathetic bitch! Kulang pa nga.'yung ginawa namin, naku!
Napailing ang ulo ko sa gawing kanan at napahawak ang kamay ko sa may batok. I need to stop hearing these things; why am I even hearing them? As if it can change something.
"Why? May sumasakit ba sayo? Kanina ka pa gan'yan," nag-aalalang tanong ni Franco. "Don't lie to me," dagdag pa nito.
Yes, I could always lie, but, "I think I can read minds Franco--" Huminto ako, tinitigang mabuti ang mga mata nila. "Not just yours Franco, or yours Marco...but everyone...I can't explain, pero...I think I can hear all the intended thoughts for me. It's really freak--"
"Kumusta?" Isang lalaking nakaputi ang pusmasok sa maliit na kuwarto na pumutol sa pag-uusap namin. "Naistorbo ko ba kayo?"
"No.Hindi naman po Dr. De Mata," bati ni Franco sa doktor na unti-unti nang lumapit sa akin para masuri ako.
"So, Ms. Carlos? The second time this week? Dapat lagi kang mag-iingat, ang uniporme ng mga estudyante ay ginagawa para sa kaligtasan nila, ninyo. Hindi mo dapat ito hibnuhubad lalo't...alam mo ba kung sino ang may gawa nito?"
Nanahimik ako at umiling nalamang, hindi ko gustong lumala pa ang problema ko kay Maureen at sa mga kaibigan niya.
"Alam mo naman siguro na malalaman pa rin namin kung sino 'yon 'di ba?"
Malamang? Pero pinandigan ko ang una kong desisyon, ang pananahimik. Ngumiti na lamang ako sa doktor.
"Well...let me see." Tumuro ang doktor sa noo ko at bumulong ng mga kung ano man. "Suprisingly, wala namang deperensya sayo...kaya maari na kayong umuwi, maggagabi na rin. " Ngumiti ang doktor at marahang umalis. "One more thing, ijah, ang rule book ay ibinibigay sa mga estudyante sa isang magandang dahilan. Basahin ito, maari ba?" Tumango ako at tuluyan na itong umalis. Sa mga biglaang nangyayari sa akin, hindi ko na naisip gawin ang bagay na iyon. Hay. It seems lame.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Franko habang naglalakad kami papunta sa bahay. Lumingon ako kay Marco na kasama pa rin naming naglalakad, tahimik na nakapamewang sa may likod. There's something weird about him that I cannot put a name on, his presense. "Yanna?" Putol ni Franco sa pag-iisip ko.
"Yes? Uhm...pasensya na. Oo, lets eat."
Binuhat ako ni Franco at mabilis siyang tumakbo sa direksyon ng bahay. Nang ilapag ako nito nasa loob na kami, sa may sala.
"I'll get you some blood. Strawberry?" Ngumiti ako at tumango habang paupo sa sofa.
"You drink blood?" Nagulat ako at halos mapabalikwas ng tayo sa kinauupuan ko, hindi ko namalayang kaharap ko pala si Marco.
"Yep," maikli kong sagot dito.
"But you are not a vampire."
He said it with so much certainty that I cannot negate him. "Yep," sagot kong muli.
"Iyan lang ba ang alam mong salita?"
"Sorry. I know it is weird, especially to me. I just feel awkward about your twin being my significant and you being my guardian. I'm a werewolf Marco, or I am supposed to be one. Hindi ko alam...kung bakit ako nagkakaganito...I am being redundant with my own self, alam mo ba 'yon? I am not hearing anything with my family about this, 'ni hindi ko alam kung..."
"Stop thinking about it. You should stop worrying about things...malapit ng dumating ang mga taga-konseho. T'yak ko masasagot din ang mga tanong natin."
Inabot ko ang bote mula kay Franco, inubos ang laman nito sa isang tunggaan. Nang ibaba ko ang mukha ko, nagtama ang mga mata namin ni Marco na agad naman niyang pinutol, "Dalawa naman 'yung kwarto dito. Akin na 'yung isa! Alam ko namang nagtatabi kayo. Bye!" Paalam niya sabay pasok sa bakanteng kwarto.
"What's wrong?" Tanong ko naman kay Franco na parang naninigas na sa tabi ko. Umiling lang ito. "Don't fight with him, okay? You don't have to be jealous. I'm all yours." Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at nagtama ang mga labi namin. He let me kiss him, caress his hair and wash off his uncertainties. The kiss is so gentle and so soft but with that I feel renewed. Humiwalay ako para kumuha ng hininga. Ang mga noo namin, magkadikit pa rin. "Did Marco told you what happened?"
"About Maureen's friends?" Tumango ako, umurong nang kaunti para isandal ang likod sa sofa.
"Pa'no naman niya nalamang sina Maureen ang may kasalanan?"
"They've been bullying Dianna for so long. I don't even know why that girl let them. Si Dianna lang naman kasi ang may kakayanan para gumawa ng gano'ng spell. She's being groomed as her mother's successor," pagpapaliwanag ni Franco.
"Then if she's that powerful, how did Marco broke the circle? 'Ni hindi ko magawang itaas ang mga paa ko no'n." Pumikit ako, inaalala ang mga nangyari.
"He's a nullifier."
"Ha? I thought they are myths. Wow. So any spell won't work on him?"
"Yes."
"Wow."
"Tigilan mo ang pamumuri sa kan'ya dahil nagseselos ako." Itinaas bigla ni Franco ang kamay ko at hinalikan ako sa kilikili. Nagtatawa ako, sabay nang pagkarga niya sa akin papasok sa kuwarto at marahang bagsak sa kama.
"What are you thinking?" Sabi ko ng makita ko ang kakaiba nitong tingin. Itinaas niya ang dalawang kamay at hinubad ng suot na t-shirt tapos sinamahan niya ako sa kama at... kiniliti ako.
Sumasakit ang tiyan ko sa katatawa, "Stop it. Stop it! Franco tama na let us sleep na, okay?" Tumigil siya at yumakap sa akin, pinisil ko 'yung ilong niya at pumikit. Tiwala lang at magiging okay ang lahat. Pati sarili kong utak, hindi ko na pinaniniwalaan.
......
Author's Notes: Thanks for reading. If you like this story here's the link to the previous chapter:
https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-11-ang-mga-bulungan-4ae71b31