Humarap ako sa mukha ng prinsipal na may hindi maipaliwanag na reaksyon. Para bang may itinatago ito sa akin, sa amin. "How'd that happened?" Tanong ko ritong gulong-gulo.
"Well...I honestly don't know," sagot niya, nakataas ang kamay na pinapakita ang palad; parang bang namamalimos ng sagot sa hangin.
"You're a were? Bakit 'di kita mabasa? Your brainwaves are human like." Napabuntong hininga ako sa tanong ni Franco, magkahawak pa rin kami ng kamay. Mahigpit na parang takot siyang pakawalan ako ang pagkakapit niya.
"Kasi...I'm not changed yet."
"But that doesn't explain anything. Kahit naman hindi ka nakakapagpalit, dapat nababasa pa rin kita! Wait are you younger than sixteen?"
"No. My birthday was two months ago." Humarap ako sa prinsipal, "Am I even sanctioned to tell him this things?"
"Well..." Tumingin ang prinsipal kay Franco.
"No. Hindi ko nababasa ang nasa isip niya." Sagot ni Franco sa tanong ng mga mata ng prinsipal.
Muntik ko na makalimutan ang tungkol doon. Kung ganoon nga na hindi niya nababasa ang nasa isip ko, ano ang dala ng ugnayan namin? Ano pa rin ba ang aasahan ko gayong hindi nga naman kami normal.
Natauhan ako nang maramdaman kong nakatitig ang dalawa sa akin.
"What about you?" Tanong ng prinsipal sa direksyon ko.
Ha? Napaisip ako saglit. "No. Or...hindi ko alam?" Humarap ako kay Franco, "Are you masking your thoughts from me?" Tumango siya. "P'wede kong subukan?"
Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdam ko o dapat kong maramdaman sa oras na 'to. Ang alam ko lang, may nagbukas na pinto at nakapasok ako; isang pakiramdam na dati ay akala ko, hinding-hindi ko mararanasan.
"I know it's not cool, but I really want to taste your lips. Is that a bad thing? Heck! Why did I turned into a love sick puppy out of a sudden? Hindi ko alam kung naririnig mo ba 'ko pero mas gugustuhin kong hindi, I might sound stupid to you."
Nakangiti siya na umiiling-iling habang sinasabi ang mga salita sa isip niya. Napatawa ako nang malakas, isang bagay na hindi ko karaniwang ginagawa. Huminto ako nang mapagtanto ko ang nangyari, "Sorry, I...um...yes, I can read yours." Binalik niya 'yung pader na humaharang sa akin para hindi ko mabasa ang nasa isip niya at wala na muli akong nadinig.
"How that happened? Shit! I'm sounding like a broken record. I'm sorry." Huminto ito, tumayo at hinampas ng kaunti ang lamesa. "Tanda, ano ba wala ka namang ibinibigay na sagot sa'min. May alam ka ba o nanghuhula ka rin!?" Bumaling ng tingin sa akin si Franco, "Hindi kaya, ability mo talaga 'yun? Reading minds?"
"No. Wala akong kahit anong abilidad, I was born in a family of werewolves but I did not inherit any of their traits. Kung 'di tao, engkanto ang unang basa sa'kin ng iba, minsan pa nga bampira. I'm not strong, I'm not agile, hell my skin's color is even a ton lighter shade from them. Sabi nga ng dad ko, I'm a mistake." Humarap ako sa dingding sa taas ng ulo ng prinsipal, nagpapasalamat na wala pa ring nakakarinig sa mga nasa isip ko.
"Don't. Don't ever think of yourself as a mistake. For me, in my eyes you are perfect, in every ways possible."
Nagkunwari akong hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Gusto ko siyang paniwalaan pero paano ko gagawin ang bagay na iyon kung buong buhay ko iba ang pinaramdam sa akin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at naglabas ako nang matipid na ngiti.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin, p'wede bang umalis na kami? I want to sleep besides ang sabi ni Anna, we got classes early in the morning," sabi ko sa prinsipal.
"Yes...yes. Of course. We got only one issue, there. We have decided to put you in a same house. Sa tingin ko hindi magandang paghiwalayin kayo ng matagal."
"What!?" Sabay kaming napasigaw ni Franco.
"Alam n'yo ba kung bakit kayo nawalan ng malay?" Umiling kami ni Franco para sumagot. "You see, the bond between you two is the strongest I've seen in my lifetime. 'Yung sakit nakuha ninyo sa saglit na hindi pagkakadikit? Hindi normal 'yon. Hanggang sa hindi ko pa nakakausap ang konseho tungkol dito mas magandang, lagi kayong magkasama. Para sa kaligtasan ninyo," paliwanag ng prinsipal.
"Walang'ya ka, tinatakot mo ba kami tanda? 'Di mo ba alam sino 'tong kausap mo!? Anong gusto mong gawin namin? Pa'nong magsasama kami sa isang k'warto!? E, ngayong numero uno 'yang pinagbabawal sa mga tangang batas n'yo!" Napasigaw na nang tuluyan si Franco, nakaramdam ako ng galit. Para bang 'yung nararamdaman niya sobrang umaapaw na pati ako naapektuhan. I flinch at what I'm feeling, mixed with my own hatred it feels unbearable. Nahila ko palayo ang kamay ko pabalik sa akin, papunta sa sumasakit kong ulo.
"What's wrong?" Tanong ni Franco, halata ang pag-aalala sa boses niya.
"Your emotions...please, control it. Hi...hindi ko kaya. It's too much! I'm feeling your anger!" Muling kinuha ni Franco ang mga kamay ko at nabawasan ang sakit.
"Sorry." At sa bilis nang pagdating ng mga emosyon niya, ganoon din kabilis itong nawala.
"Interesting," kumento ng prinsipal.
"Bakit ba one sided lang ang lahat? P'wede bang sagutin mo kahit isa lang sa mga tanong namin?" Mahinahong tanong ni Franco, pilit pinipigilang magalit.
"Just, some other time? I got enough today." Sabay ng pagtanong ko ang mahinang katok sa pintuan.
"Pasok, Anna." Lumabas ang mukha ng babae.
"Handa na po 'yung tutuluyan nila."
Tutuluyan? Hindi ko pa rin lubos maisip ang mga nangyayari sa akin. Na, pup'wede talaga ito, para akong nasa isa sa mga panaginip ko. Malala pa, isang kuwento sa telenobela.
"Hindi ko na kailangang ipaalala pa na ilihim ninyo ito, hindi ba? Alam ninyo naman ang batas tungkol dito...matagal ng ipinagbabawal ang pagsasama ng magka-ibang lahi."
"Bakit tinutulungan mo kami? Anong kinaibahan namin?" Putol ni Franco sa pagpapaliwanag ng prinsipal.
"Dahil, kayo ang unang naitalagang may ganitong kaugnayan. The bond between you two is different. Hindi ako sang-ayon sa lahat ng batas ng bagong gobyerno, gayon pa rin....mariin ko itong sinusunod. Sa inyong dalawa, malay natin magkaroon ng kasagutan ang ilang tanong." Tumitig sa akin ito, alam kong isa rin sa dahilan niya ang impluwensya ng aking pamilya. "Isa pa, Adrianna...I need you to pretend. Kailangan mong magpanggap na isang bamipira. Madali mo naman itong magagawa dahil bago ka naman, wala pang nakakakilala sa iyo. May napagsabihan ka ba na lobo ka? Althea Morris, your roommate?"
Umiling ako, "Wala. Sino nga ba'ng nakakakilala sa'kin?" Sarkastiko kong tanong, sasagot sana ang prinsipal kung hindi ko lang siya pinigilan ng mga kamay ko. What's the sense, right? "Can we go now?" Tumango nalang ito at lumabas kami habang nakasunod kay Anna.
Tahimik kaming sumakay at bumaba ng sasakyan sa isa sa pinakadulong bahay sa esk'welahan, sa liblib na parte. Bakit bahay?
"Bahay? Bakit bahay?" Nagtataka kong tanong ko kay Anna.
"Mas gugustuhin n'yo ba'ng may kasama kayo at malaman ang mga nangyayari sa inyo? Makukulong kayo, the least to say. My mouth is sealed kaya wala kayong dapat ipagalala tungkol sa akin." Alam kong 'di mangyayari 'yun, hindi ito hahayaan ng ama ko kahit pa na ayaw niya sa akin, pinahahalagahan nito ang reputasyon niya. Pero, nanahimik nalang ako at dumiretso sa loob ng bahay kasunod si Franco.
Maliit lang ang bahay, isang karaniwang bunggalow na may dalawang k'warto maliit na kusina at salas. Mukhang minadali ang paggawa at paglalagay ng mga gamit at ang ilan ay may mga plastik pa. Seryoso, ngayong gabi lang rin ba nila 'to ginawa? Abuso sa kapangyarihan at literal 'yan. Paano kaya nila nagawang itago ang lahat.
"So? What's our arrangement going to be?" Sinarado ni Franco ang pintuan kasama ng tatlong kandado rito. Bigla akong kinabahan.
"Arrangements?" Lumabas na bulong 'yung sagot ko, gayun pa rin alam kong dinig na dinig niya 'to.
"Ang sabi ng prinsipal dapat daw lagi tayong magkasama so-"
"So sina-suggest mo bang magtabi tayo?" Tumango lang siya habang namumula ang pisngi. Shit. He looks like a freaking angel, how can he be so cute? DAMMIT!
"Don't worry, wala naman akong planong gawaan ka ng masama."
"Hindi mo naman kasi kakayanin." Pumasok ako sa isa sa kuwarto.
Sumunod siya sa akin at tumabi sa kama pagkahiga ko. He cuddles with me and my head fit perfectly in the crook of his neck. Hindi ako nailang na para bang matagal ko na siyang inaantay, na normal lang ang ginagawa namin. Tahimik, walang nagsasalita pero kontento ako.
"Tell me something about yourself." Binasag niyaa ang katahimikan para tanungin ako.
Humarap ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin, "Anong gusto mong malaman?"
"Anything. I mean, kasi ikaw p'wede mong basahin 'yung iniisip ko, nararamdaman mo 'yung nararamdaman ko pero ako 'di ko alam kung parehas ba tayo...kung halos mawalan ka din ba ng hininga sa tuwing titingnan mo ko. Don't get me as an over dramatic guy, it's the things happening to us...I mean...UGH! Sorry hindi...I hate saying sorry but I've said it more than I did in my life time. Ang alam ko lang ngayon, gagawin ko lahat para maging masaya ka."
"Hindi ko alam kung bakit one sided 'yung mga nangyayari but...all that you're feeling reflects mine. The thing is, natatakot ako...natatakot ako na nadamay kita sa mga nangyayari sa'kin. Natatakot akong malaman mo ang mga bagay na tungkol sa'kin."
Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mga mata ko, "Take your time, hindi naman ako nagmamadali."
"Okay. Thank you...bakit nga pala may humahabol sa'yo kanina?"
"Inggit lang sa'kin 'yung mga iyon, 'di hamak kasing mas g'wapo ako sa kanila." Tumawa ito nang malakas.
"Don't be so cocky." Ngumiti ako, tinapik ang ilong niya at pumikit para matulog. Maybe, it wasn't such a bad idea going here. Maybe I'll finally find my happiness, after all that's what I'm feeling right now.