Anomaly (Part 5- Ang Prinsipe at Ang Kanyang Puso)

1 21
Avatar for baoxian23
3 years ago

"Yanna....hindi tayo makakarating sa opisina ni Tanda kung maglalakad lang tayo." Napahinto ako sa paglalakad, ang kamay ni Franco napahawak sa balikat ko. Alam ko namang sobrang layo kung lalakarin namin 'yung daan, kaya lang ayaw ko talagang makita ang prinsipal na iyon. Kung papipiliin mas gusto ko pang magkulong nalang sa loob ng bahay. Habang buhay, kung maaari lang. "Yanna...?" Pangungulit ni Franco sa akin, marahan niyang niyuyugyog ang balikat ko

"P'wede bang bumalik nalang tayo. I am not feeling good?" Pangangatuwiran ko rito.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Tumango ako, hinawakan niya ang baba ko at ibinaling ito pataas upang magtama ang aming mga mata. "I'm here...always, for you. No one can touch you, as long as I am here. Trust me?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, "What if someone find out about us?"

"Wala. Wala, ako pa? Si Franco Monteverde kaya 'tong significant mo!" Hinampas niya ang dibdib, pinapakitang malakas siya. Tumawa ako dahil dito. Sa simpleng salita niya, kumalma ako. Ang taong katulad ko na hindi nagtitiwala ay biglang nahulog sa patibong. "Now, let us go? But, no more walking. Halika..." Lumapit siya sa akin at binuhat ako.

"Franco--"

"Don't Franco me. Come on, it will be fun." Hindi ko na nagawa pang lumaban dahil mabilis itong tumakbo na parang hangin at walang pang isang minuto ay nasa harapan na kami ng main building. "Fun right?" Laking ngiti nito akong ibinaba sa sahig.

"Hold my hand?" Sabi ko, nakalahad ang kamay sa direksyon nito. Masaya niya itong kinuha at sabay kaming naglakad paakyat ng hagdan.

"Good morning! Sit. Sit. Sit."

"Anong gagawin ko? Pa'no kung may makahalata? It's not easy pretending something that I'm not," sabi ko, hawak-hawak pa rin ang kamay ni Franco. Humuhugot ng lakas ng loob.

"Well, then be sure to be believable." Sagot naman ng prinsipal habang inaabutan ako ng isang k'wintas. Here we go again with his stupid jewelries.

"Para sa'n na naman 'to? The last one you gave me was off."

"No. Hindi lang talaga s'ya gumana dahil sa iba si Franco, 'cause he's your mate. This one is similar to a blood stone, you already got a sun ring, right?" Pagpapaliwanag pa nito.

Tumango na lang ako.

"Eto lang ba ang dahilan kung bakit mo kami pinatawag? Kung gano'n aalis na kami." Akmang tumayo si Franco na hila-hila ang kamay ko.

"Yes but there's one more thing, Mr. Monteverde don't forget about your declaration next week...maraming umaasa sayo kaya...p'wede ba ngayong taon, maiba naman? I think Ms. Carlos will be a great help to you."
"Okay," matipid na sagot ni Franco at hinila ako nito palabas.

"May itatanong lang ako sa kan'ya p'wede bang mauna ka muna?" Baling ko kay Franco pagkalabas namin ng pintuan, tumango naman ito at nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo. Pumasok akong muli sa loob ng opisina, agad akong bumaling sa prinsipal pagkalapat ng kahoy na pintuan. Kakaiba ang tingin sa akin nito. "What's with those looks? Anyway...is this room safe...?" Tanong ko habang bumaling ng tingin sa nakasaradong pintuan at balik muli sa prinsipal. Tumango naman ito para sumagot, "He's my mate. I don't like telling him lies...alam na ba'to ng dad ko? If yes, have he said something? Hindi ba nila ako kakausapin?"

"Yes. Alam na ni Arthuro ang tungkol dito at...kakausapin ka nito pagnagkaroon ng oras..." Napahinto ito. "Alam mo naman siguro kung bakit 'di mo p'wedeng sabihin ang mga ilang bagay kay Franco, 'di ba? Isipin mo na lang na pinoprotektahan mo s'ya at siguro biyaya na ang dahilan kung bakit 'di n'ya nababasa ang nasa isip mo."

"But-"

Umiling ang prinsipal, "No buts, now go ahead at mahuhuli na kayo sa klase." Wala akong nagawa kun'di kimkimin nalang ang nararamdaman ko. Lumabas ako ng opisina at binigyan nang huling tingin ang prinsipal na sinuklian niya nang matipid na ngiti at isang senyas para isarado ko na ang pinto.

"Ayos ka lang ba?" Bumuntong hininga ako sa tanong ni Franco at ngumiti para itago ang pagkakadismaya ko, gusto kong maging tapat sa kaniya pero talagang may humhadlang dito. Lalabas din naman ang mga sikreto kahit pa anong tago rito, sa tamang panahon siguro.

"I am. 'Wag ka na mag-alala. Let's go?" Sabi ko, inabot ko ang kamay niya, nakita ko 'yung pagdududa sa mukha niya pero hindi siya nagsalita at pinag-sawalang bahala nalang ito.

Tahimik kaming naglakad habang pinatitinginan ng mga tao. Ngayong mataas na ang araw, nakakalat ang iba't ibang estud'yante sa kalye. Ang ilan ay nagmamadali at ang iba naman akala mo naglalakad sa buwan sa kabagalan.

"Don't focus on them. Sa'kin ka lang tumigin. Think of them as dancing mushrooms." Umakbay sa akin si Franco at mas nilapit ang katawan niya sa akin.

Tumawa ako sa sinabi niya, "You're not a good joker, alam mo 'yun?"

"Then bakit ka tumawa? 'Di rin naman ako nagpapatawa." Seryoso nitong sabi at lalo akong tumawa.

"Thanks," mahina kong bulong sa kaniya. Alam ko namang nag-aalala siya sa akin at ginagawa niya lang ang mga bagay na 'to para sa ikatatahimik ng kalooban ko. I owe him to atleast try and smile.

Pumasok kami sa loob ng classroom at parang may anghel na dumating at tumahimik ang lahat. Bawat pares ng mata, madiing nakatitig sa aming dalawa.

"Yanna!" Sigaw ng isang estud'yanteng lalaki. Si Samuel. Ngumiti ako sa direks'yon nito at bahagyang kumaway.

"You know him?" Tanong ni Franco. Bigla akong nakaramdam ng selos mula sa kaniya pero mabilis din itong nawalang parang bula. Baka siguro imahinas'yon ko lang.

"Nah. Nakasabay ko lang s'ya sa eroplano papunta dito."

"Okay," matipid nitong sagot. Naupo kami malapit kay Sam. Kahit na hindi ko na nakikita ang ilang estud'yante ramdam ko parin ang mga mata nila; patuloy padin ang tinginan, marahil patay na ako kung may bala lang na lumalabas sa mga mata nila.

"So bakit mo kasama si Franco Monteverde?" Tanong sa akin ni Sam pagkalapat ng p'wetan ko sa kahoy na upuan.

"He is my..."

"I'm her..."

Sabay kaming nagsalita ni Franco at sabay rin kaming natigilan nang dumating ang guro namin. Isang babaeng naka-pusod ang buhok na animo'y matatangal na ang anit sa higpit ng pagkakabanat. Nakasuot ito ng uniporme ng mga titser, isang royal blue na blouse at pencil skirt at naka-high heels na kulay black. She looks strict but in a good way, the type where you would really learn something.

Humarap ang titser sa amin, sa mga estud'yante niya at nagsalita, "Welcome to yet another semester here at San Joaquin. I hope your stay here would be meaningful and fun. For the sake of the newbies I'm Henrietta Dumlao o Miss Hanni nalang, ang magiging adviser n'yo for this year. Now start the introductions..." Tumuro ito sa babaeng nasa unahan at nagsimula ang pagpapakilala.

"I'm Lia Lopez. I'm sixteen years old, isa akong lambana at nakokontrol ko ang tubig." Tumango ito at umupo sabay namang pagtayo ng sunod na estudy'ante sa tabi nito.

Nagpatuloy ang pagpapakilala hanggang sa si Samuel na at ako naman ang susunod, "Hi. I'm Samuel Perez isa akong uhm...tao..." nagkaroon ng bulung-bulungan, marahil hindi papular ang kagaya niya sa esk'welahan, "...I'm eighteen ang parents ko ang may-ari ng Perez Airlines." Bigla siyang naupo na parang hiyang-hiya sa kung anuman ang nagawa niyang mali.

Kabado akong tumayo, medyo nanginginig pa, buti nalang at hawak-hawak ni Franko ang kamay ko na marahang pinipisil para kalmahin ako. "I'm Adrianna Nicole Carlos, sixteen at isa akong...isa akong...bampira." Napaupo ako na walang tinitingnan at ang huling lumabas na salita sa bibig ko ay nagmistulang bulong sa iilan.

Tumayo naman sa tabi ko si Franco, "I'm Francisco Monteverde, eighteen, bampira at ang babaeng nasa tabi ko ang buhay ko. My significant." Sabi nito na laking laki ang ngiti sa mga labi. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na nagsasalita kasama ng bulungang hatid ng mga sinabi ni Franco. Para sa akin sa mga saglit na sandiling 'yun kami nalang ang natitirang tao sa mundo.

Nagpatuloy ang klase sa pagpapakilala at sa maikling diskusyon tungkol sa mga batas ng bagong bansa, sa mundong ginagalawan ko; kung saan hindi nalang k'wento-k'wento ang kagaya namin ni Franco.

"Hindi ko alam ang schedule ko...anong susunod na klase? Pa'no kung...pa'no kung-" napatigil ako ng hintuturo ni Franco na dumampi sa bibig ko.

"What did I tell you? Kumalma ka lang, nandito lang ako para sa'yo. Hindi kita iiwan okay? Kahit pa sa girl's CR sasamahan kita kung gusto mo."

Pabiro ko siyang sinuntok sa balikat.

"Stop being cheesy, tara na? tayo nalang ang nandito sa klase ohh." Kahit si Samuel, wala na rin. Tumingin si Franco sa paligid sabay tapik sa batok niya.

"Ikaw lang kasi 'yung nakikita ko 'yung iba hangin lang." Bigla siyang tumawa nang malakas.

"Hindi ba mahuhuli na kayo sa susunod n'yong klase?" Sabay kaming napalingon ni Franco sa harapan, sa adviser naming si Miss Hanni na may kakat'wang tingin.

"Sorry. Aalis na po kami," sambit ko.

"Sandali." Lumapit sa amin si Miss Hanni.

"I see you finally found her Franco. Would it be different this year? I hope it would be." Bumaling naman ng tingin sa akin si Miss Hanni, "I hope you'd be his catalyst." Ngumiti s'ya sa akin at napahigpit ang kapit ko kay Franco. May kakaiba sa kaniya at bigla akong natakot.

"Enough of this Henrietta. You're scaring her."

Tuluyan akong hinila palabas ni Franco sa pasilyo, papunta sa susunod naming klase. Natapos ang umaga ko ng puro bulungan tungkol sa amin ni Franco. Kung wala siya sa tabi ko, malamang hindi ko kinaya.

"Are you hungry?" Tanong sa akin ni Franco habang naglalakad kami papunta sa canteen. Hindi kami kumain bago umalis ng bahay kaya gutom na gutom na ako. Problema nga lang...

"Yes. But, hindi ako p'wedeng kumain ng pagkain ko, ng normal na pagkain, 'di ba? You only drink blood, right?" Bulong ko kay Franco, baka kasi may mga nakakarinig sa amin.

"I forgot about that...but don't worry." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan saglit matapos ay naglakad ulit kami.

Hindi kami dumiretso sa canteen bagkus sa labas sa may damuhan kung sa'n may apat na lalaki na ang nag-aantay, nakakagulat lang at parang walang ibang nagtatangkang lumapit sa kanila at sila lang ang tao do'n. Kumaway agad sila pagkakita palang sa'min. Laking ngiti ng apat lalu na't naupo kami sa tabi nila.

"Nabili n'yo ba 'yung pinapabili ko?" Iniabot ng isa sa mga lalaki ang isang supot kay Franco. Tumingin siya sa akin, "Eat."

Tiningnan ko ang laman ng supot, nakaamoy ako ng bawanh, "I can't eat garlic."

"Why?"

"Allergies?"

"Ano ka aswang?" Tanong ng isa sa mga lalaki.

Tumingin nang masama si Franco sa nagsalita, "Your not suppose to have food allergies, your a were for goodness sake."

Tumaas ang balikat ko para sabihing hindi ko rin alam kung bakit, "I told you, I'm different." Tumingin ako sa mga kasama naming lalaki, "Hindi ba sinabihan tayo ng Prinsipal?" Tanong ko kay Franco.

"Don't worry, they swore allegiance to me."

"That doesn't give it justice and I'm still hungry."

"You all heard the princess."

Tumayo ang isa sa kanila, "Okay I'll get your food. Any specifics?"

"Uhm...Tuna sandwich would do." Nakangiti kong sabi dito.

"Your wish is my command." Bigla itong nawala sa pangin namin at makaraan ang tatlong segundo may dala-dala na 'tong sandwich, "Here." Abot sakin ng pagkain. "I'm Migs by the way."

"Louie."

"Arjo."

"Mike."

Isa-isa nilang pakilala sa akin.

"So it is really damn true! Our prince finally found her! Congrats dude!" Tinapik ni Arjo sa balikat si Franko habang iiling-iling, parang hindi parin makapaniwalang nakita na niya ang Significant nito.

"Yeah congrats dude!"

"Sa wakas!"

"Finally!"

Sunud-sunod ang komento ng apat. Something is just bugging the hell out of me.

"Bakit prinsipe?" Bigla akong napatanong. Arjo called him prince, right? "I mean bakit ka nila tinatawag na prinsipe?"

"Hindi n'ya alam?" Sabay na tanong ni Mike at Migs. Umiling lang si Franco.

"I'm next to be throne as the head vampire for the council."

Nanahimik ang lahat. "At ang mga ugok na 'to ang mga guardian ko." Nagtanguan naman ang apat na lalaki.

Wala akong mas'yadong alam sa mga guardians. Ang alam ko lang, ibinibigay 'to sa mga makakapangyarihang pinuno ng bawat lahi. Hindi sila tinatalaga kundi tadhana raw ang pumipili sa kanila. Para bang katulad din ng konsepto ng imprinting sa'ming mga lobo. Apat ang pinakamaraming bilang at isa naman ang pinaka-kaunti. Nababase rin daw 'to sa taglay na kapangyarihan ng pinuno; mas malakas mas madaming guardians. Kung gan'on nga, edi napakalakas ni Franco.

"Why? Galit ka ba sa'kin dahil 'di ko sinabi sa'yo ang tungkol dito?"

Umiling ako kay Franco, "Ang bata mo pa."

"Yeah, I replaced my dad. His death was a big news back then. Ang uncle ko muna ang humahalili sa'kin habang 'di pa dumadating ang susunod na election."

"Pinatay s'ya ng mga rebelde, 'di ba? Ang parents mo?"

Tumango s'ya para sagutin ako.

"Sorry."

"No. Don't be," sagot niya. Mas madali siguro kung maari ko ring iparamdam sa kaniya 'yung nararamdaman ko at ipabasa ang mga naiisip ko. Pakiramdam ko tuloy parang may malaking pader sa pagitan namin. Sobrang taas, sobrang tibay na hindi ko magawang matibag.

"Tama na nga ang drama. Tell us how you two met!" Komento ni Migs na bumasag sa mailang na katahimikan.

Nagtawanan kami at nakalimutan namin ang realidad ng buhay. Walang nagtanong kung bakit kailangan kong kumain, hindi na nila kailangang marinig pa na may kakaiba sa akin. Dahil sa koneks'yon nilang apat kay Franco, marahil batid na nila kung ano ba 'ko. Walang diskriminasyon sa mga mata nila. Masayang, tanggap ako ng mga taong kailan lang ay hindi ko kilala.

4
$ 1.04
$ 0.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
$ 0.03 from @Marinov
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
3 years ago

Comments

Ang haba sis pero enjoy ako sa vampire story na to. Ano ba talaga c gurl, karaniwang tao or werewolf. Hehe

$ 0.00
3 years ago