Yanna, Yanna, Yanna." Bumukas ang mga mata ko sa tawag ng isang mahinang boses. Lumingon ako sa paligid ngunit wala naman akong makita. Tumayo ako ng kama, nasa bahay na ako. Sino kaya ang nagdala sa akin pauwi, baka si Marco. "Yanna. Yanna. Yanna." Patuloy pa rin ito. Pamilyar ang boses, may hapdi itong dala at ang mga luha ko ay kusang dumaloy sa aking mukha.
"Bakit ka umiiyak? Huwag ka ng umiyak, sige ka, papangit ka niyan." Tumingin ako sa kamay na bigla nalang sumulpot at marahang pinupunasan ang mga luha ko. "Hindi ka dapat malungkot. Malulungkot din ako, alam mo namang ang gusto ko lang ay makita kang masaya." Sinundan ko ang kamay hanggang sa makita ko ang nagmamay-ari nito. Lalong lumakas ang pagdaloy ng luha ko.
"Franco, I...I miss you!" Mahigpit ko itong niyakap. I smell his familiar scent, like the dew at early morning. "Ayos ka lang ba? Bakit ang tagal mong nakauwi? What happened?" Tinadtad ko ito ng mga tanong, pero, imbis na sagutin niya ang mga ito, umiling lang siya.
"Shh...Don't ask too many questions. I miss you too baby. I hope--" Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Nilapit niya mukha sa akin at nagtagpo ang aming mga labi. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay biglang napawi. Nandito na siya sa wakas, magiging ayos na ang lahat. Nakaramdam ako ng init at para akong kinukuryente sa kiliti.
Naghiwalay kami para humabol ng hininga, "I love you. Even without the bond, I think I would love you. I am so happy to be your mate," sabi ko rito, habang sinasapo ang bawat kurba ng kaniyang mukha. I don't know what to do if I lose him.
"I love you too. I love you so much that I die seeing you sad. Always smile, okay? Remember that no matter what happens...I am always right here." Tumuro ito sa kaliwang dibdib ko sa may puso. Marahan ako tumango, at ngumiti. "I love you so much Yanna. Always be brave and don't let others dictate your actions. I will always be watching you..." Nag-iba ang itsura ng mukha nito, isang malungkot na ngiti ang pumalit sa kaninang masaya nitong ekspresyon.
"What do you mean Franco? Ano ba tinatakot mo'ko." Bumitaw ang mga kamay ko sa mukha niya at humakbang ito patalikod. Ang kaniyang katawan ay unti-unting naglalaho, para siyang natutunaw sa hangin. "Franco what is happening? Franco!"
"Remember Yanna, remember that I love you. Be strong. Be safe." Tuluyang naglaho ang katawan niya, ang kubuan nito.
"Franco! FRANCO! FRANCO!"
"Yanna, Yanna, Yanna! Gising! Panaginip lang iyan! Wake up now." Isang mahinang pagyugyog sa katawan ko ang nagpagising sa akin. Balot ako ng pawis mula ulo hanggang paa, basang-basa ang damit ko na kumapit ito sa akin na parang pangalawang balat. Hapo ako na pagod. Panaginip lang pala ang lahat. Bakit ko mapapanaginipan si Franco, may nangyari ba sa kaniya?
Tumingin ako sa mukha ng lalaking may hawak-hawak sa katawan ko. "Franco?"
"I am sorry Yanna...si Marco 'to." At hindi ko na napigilan ang malakas na pag-iyak. Humagulgol ako sa balikat ni Marco. May mali, may mali! Si Franco, hindi puwede!
"Anong nangyari!?" Sabay-sabay na sigaw ng tatlong pares na yabag na pumasok sa loob ng kuwarto. Buong lakas kong iniangat ang ulo ko sa direksyon nila. "Tell me. Is he dead? please? Tell me." Pagmamakaawa ko.
Yumuko ang Prinsipal, isang luha naman ang pumatak sa mata ni Dianna. "Hi-hindi pa namin lubos na alam ang mga nangyari. Ang mga rebelde. Natagpuang patay ang lahat ng mga guardians pati ang mga media na kasama nila, kasama ang pinuno ng mga lobo at engkanto. Pero, wala si Franco at ang dalawa pang pinuno kasama ang Presidente, si Dad."
Walang humpay ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko ang sakit sa dibdib ko'y lalong lumala. Hindi puwedeng patay na siya, hindi maaari. "Ahh!" Malakas kong sigaw, parang sinisilaban sa sobrang sakit ang buong katawan ko. "Ahh!" Patuloy kong pagsigaw. Halo-halong emosyon ang nasasagap ko. Lungkot. Pighati. Poot. Galit. Pagkaiingit. Hindi ko na masabi ang pinagkaiba-iba nila.
"Yanna, what is wrong!?" Nagaalalang tanong ni Marco.
"It fucking hurts...my body feels like being shred. AHH! Make it stop! MAKE IT STOP!"
"Simon! Do something! Do anything!" Galit na pagsusumamo ni Marco sa prinsipal.
"We have to take her to Elder Matias," mahinang suwestiyon ng prinsipal.
"Tama. Tama...pero paano tayo makakarating agad doon?" Tanong ni Kuya Lyndon.
"Don't! Huwag mo kong hawakan!" Sigaw ko kay Marco nang mag-akma itong buhatin ako mula sa kama. "My skin burns! Everything hurts! Ayoko na please..."
"Gagawa ako ng portal!" Tumingin ang lahat sa nagsalita, kay Dianna. "Pero kailangan ko ng kahit anong gamit ng taong pupuntahan natin, meron ba kayong kahit anong galing sa tindahan niya ng libro?"
Elder Matias? Tinutukoy ba nila 'yung mabait na matanda noong naligaw ako. Kung siya nga..."I got something! D'yan sa gilid, sa may hunos ng corner table! May libro d'yan..." Agad tumakbo si Marco para kuhanin ang libro. Ibinigay niya ito kay Dianna na siya namang nagsimulang gumawa ng enkantasyon. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pagsigaw, hindi magandang mataranta sila. Kaya lang hindi ko alam kung gaano ako tatagal.
Bumulong so Dianna sa hangin, "Aperi nobis et domini tourum. Porta at domium tuum!" Mga salitang hindi ko maintindihan pero alam kong may dalang kapangyarihan. Nagsimulang humuni ang hangin na parang may tumatakbong kuryente rito. "Hali na kayo!" Sumigaw si Dianna.
"Ka-kaya ko na." Dahan-dahan akong tumayo, nag-iingat na hindi masyadong masagi ang katawan sa kahit na ano. Pati ang sarili kong damit ay parang mga patalim na humihiwa sa balat ko.
"Celestine, kaya mo ba talaga?" Ngumiti ako sa direksyon ng kuya ko, hindi na niya alintana ang kakaibang tinginan nila Dianna at Marco. Alam kong kanina pa sila nangangati na tanungin ako, sa koneksyon ko sa mga Carmichael.
"Tandang Matias!" Sigaw ng kuya Lyndon sa hangin.
"Anong mali at naparito ka--" Hindi nito naituloy ng matanda ang sinasabi nang makita ako. Hindi na kinaya ng katawan ko ang sakit na nararamdaman at humandusay ako sa sahig sa mismong nilabasan ko mula sa lagusan. "Anong mali sa kan'ya!?" Patanong na sigaw ng matanda sa lahat.
"Her mate is missing, si Franco Monteverde," sagot ng prinsipal.
"Ang batang pinuno ng mga bampira?"
"Yes."
Lumuhod sa tabi ko ang matanda, sinasapo niya ang noo ko, pinapakiramdaman ito. "Don't...every touch hurts! Please, make it stop."
"Paanong nangyari ito...? Isa ba siyang--"
"Yes," putol ng prinsipal sa matanda. "But, their bond is the strongest I have seen. Magda's necklaces didn't even work on her, I need her location, Elder. Hindi siya p'wedeng mawala. Kailangan mo siyang iligtas." Nagpalitan nang 'di-maintindihang tinginan ang prinsipal at ang matanda.
"Okay...pero, isa lang sa inyo ang sasama...ikaw..." tumuro ang daliri nito sa gawi ni Marco, "ang isasama ko."
Wala ng diskusyunan pang nangyari at kahit pa nagpupumiglas ako, binuhat ako ni Marco sa mga bisig niya. Wala na akong alam sa mga sumunod pang nangyari kung paano kami nakarating sa isang maliit na kubo sa gitna ng kakahuyan. Sumunod si Marco sa matanda sa pagpasok dito, buhat-buhat pa rin ako.
"Matias!? Ano ang ginagawa mo dito? Nagsama ka pa! Hindi ba sinabi k-"
"Magda! Hindi ngayon!" Sigaw ng matandang lalaki sa matandang babae. May katabaan ito at maputi na ang lahat ng buhok na mataas na nakupoyod. Sari-saring abubot, na kabibe at iba-ibang sangkap sa pagluluto ang nakasuot sa leeg.
Isang maamong mukha ang ibinigay nito sa akin nang ibaba ako ni Marco sa isang kawayan na upuan. "Hindi ko siya mabasa, ano ang bata?"
"Anak siya ni Arturo," maikling sagot ni Tandang Matias.
"Alam n'yo hong anak siya ng Presidente!?" Matalim na tingin ang isinagot ng matanda sa tanong ni Marco, kaya naman nanahimik itong muli sa tabi ko.
"Kailangan kong putulin ang uganayan nilang dalawa, ng kaniyang tadhana. Pero, kailangan ko ng ipapalit dito," malumanay na sabi ng matandang babae. Ang mga mata niya punong-puno ng panghihinayang.
"Hindi! Hindi p'wede! Ayoko! Ayokong mawala si Franco...hindi...hindi...hindi." Nagmakaawa ako pero iling lang isinagot ng matandang babae. Inilapit niya mukha sa tainga ko.
"Magiging maayos ka rin paggising mo," bulong nito at nawalan ako ng malay.
"Yanna, mahal ko."
"Franco? Pero..." Pagtataka ko dahil ang akala ko..."panaginip lang ba 'to?"
"Huwag kang umiiyak." Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko. He kiss them all away but instead of being happy, I feel sadder. I know it is not real and the moment I open my eyes, he will be gone. "Lagi naman akong nandito." Tumuro siya sa puso ko at ngumiti.
"Ayoko ng gumising, dito nalang ako, sa tabi mo. Mas sasaya ako kung kasama kita, Franco. Please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya.
Umiling ito, hinaplos ang mukha at naglabas ng malalim na hiniga. "Iyon din naman ang gusto ko, ang makasama ka habang buhay. But, it is not right. May mga taong nag-aantay sayo, umaasang ililigtas mo sila."
"Ililigtas? Hindi ko kayang gawin 'yon. Mahina lang ako, wala akong kayang iligtas. Nagkakamali ka."
"Sana nga nagkakamali na lang ako, dahil hindi ko gugustuhing masaktan ka. Pero, iyon ang nakatakda, alam kong kakayanin mo. Dahil, alam kong ikaw ang pinakamalakas sa lahat, hindi ka mahina. Give your self some credit. I love you so, so much. Fight for me, will you?" Tumango ako. Hinagkan ako nito sa noo. At, kagaya nang nauna kong panaginip, naglaho ito na parang bula sa hangin. Though his touch still lingers in my skin, like a phantom. I wish I could have him forever for all eternity, but he was right. Kailangan kong lumaban magpakatatag, kailangan kong malaman kung sino ang may gawa ng mga bagay na ito. Hahanap ako ng kasagutan sa mga tanong ko, hindi puwedeng patuloy nalang akong manghuhula sa kung anong susunod na mangyayari. Kailangan kong humakbang pasulong.
Ibinukas ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang tatlong pares ng mga tingin. Nawala ang sakit, pero...may naiwan itong pilat, isang puwang sa puso ko. A hollow feeling that cannot be filled again.
Author's Notes: thank you for the overwhelming support to my articles. I owe you a lot guys! And if you like this one here's the link to the previous chapter:
https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part14-nagbabadyang-trahedya-a86cf6f2