"Anong ginagawa mo d'yan?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, kakaiba ang tingin sa akin ni Franco. Grrr... Nagugutom na talaga ako; nalaman kong hindi dahil sa bigla ko nalang nagustuhan ang dugo ay ito nalang ang kakainin ko. Hindi pala kasi kailangan ko pa ring kumain ng normal na pgkain. Nasa harapan ako ng kalan at mariing pinag-aaralan kung paano ito gagana. "Ano ba kasing ginagawa mo d'yan? Ba't parang gusto mo 'atang lamunin nang buo ang kalan?" Muli akong lumingon kay Franco. I let out an air of frustration.
"Nagugutom na ako," maikli kong sagot.
"Hindi ka marunong gumamit ng kalan?" Tanong ni Franco habang pilit ang hindi pagtawa. Umiling naman ako para sumagot.
"Can you just help me?" Grrr... Muling nagrambol ang bituka ko't hindi na talaga napigil ni Franco, tumawa ito nang napakalakas. "Seriously?" Hindi ko naman kasalanang madami pa sa mga daliri ko ang mga kasambahay namin. Kung iisipin ko nga, hindi pa ako nakakarating sa kusina ng bahay namin.
"Tumawa ka pagkatapos kong kumain...now, teach me how to use this freaking monster. UGH!" Itinuro ko ang kaldero kong may lamang tubig at sa noodles na nakalutang dito.
Lumapit sa akin si Franco, nahimasmasan na sa pagtawa. "Pinagsama mo ang noodles at tubig? Hindi p'wede 'yun." Kumuha siya nang bagong kaldero, nilagyan ito ng tubig at saka pinatong sa kalan. "Ngayon, para naman buksan itong halimaw na tinutukoy mo, kailangan mo nito," itinaas niya sa hangin ang isang bagay na kinuha niya sa katabing tokador, "lighter ang tawag dito. Nakikita mo 'yang drawing, 'yung bilog na itim? 'Yan din ang posisyon ng kalan na bubuksan mo. Ang gagawin mo...pihitin mo itong buton sabay pindot dito sa lighter at tapat sa kalan. Presto may apoy na! Pagkakumulo ang tubig tsaka mo lang ilalagay ang noodles kasi magiging labsa 'yun pag sa una palang nilagay mo na." Tahimik naming hinantay na bumula-bula ang tubig at inilagay ang noodles. "Ngayon pagna'lagay mo na ang noodles, susunod ang seasoning...mas masarap din ang may kalamansi dito. Matapos n'yan ay agad mong hinaan ang apoy kasi aapaw. Mag-aantay nalang tayo ng three minutes at makakain ka na!" Matapos maluto ang noodles ay pumunta kami sa sala para makakain ako.
"Thank you," bulong ko kay Franco, laking ngiting pasubo ng noodles. "How'd you learn to cook, huh, Prince?"
"Noodles lang 'yun..." Nagkibit balikat ako at patuloy na kumain. "I used to cook for myself, nung namatay 'yung parents ko, nagrebelde ako and there was a time na lumayas pa nga ako. Ang feeling ko kasi tinarantado ako ng tadhana at ng kung sino mang si hedus na nakatingin sa'tin mula sa itaas. Bumalik lang ako nu'ng hindi ko na malaman ang gagawin dahil sa, I was starting to...turn."
"That must be really hard."
"Nah, kasama ko naman 'yung kapatid ko."
"Kapatid? Si Miss Hanni?"
"No. Not her, himala ang bagay na 'yun kung mangyayari man. It was my brother."
"May kapatid kang lalaki? Younger o older?"
"Older, ako ang bunso. Ikaw may mga kapatid ka ba?"
"Oo, tatlong kuya."
"Tell me Yanna, are you from a powerful clan?" Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi ni Franco. He's quite getting closer to knowing, who I really am. "Okay lang, 'wag mong sagutin. Ang sabi ko naman sayo, mag-aantay ako 'di ba? But you must be rich as hell. Come on kalan? NOODLES?"
Tumingin ako sa kaniya nang matalim at biglang tumawa, "Kasi naman 'yung nakikita ko sa TV e... pipihitin lang 'yung parang switch then may apoy na. Hindi ko naman alam na ang dami palang kaek-ekan n'yang bagay na 'yan."
Tumawa kami, masaya. Saglit nakalimutan ko 'yung mga nangyayari sa akin. 'Yung kalituhan ko. Alam ko kasing nandiyan lang siya para gabayan at samahan ako, pero kaakibat nito 'yung kagustuhan kong maging matatag para sa sarili ko. Ayaw kong matulad sa mga babaeng nasa mga kuwento na lagi nalang nililigtas dahil sa mahina sila.
......
"Eyes on me," paalala ni Franco bago kami pumasok sa loob ng classroom. Tumango naman ako at ngumiti sa direk'syon niya. Pagpasok palang ay salubong na ang mga bulungan o bulungan nga ba? It's different this time.
She's hot god dammit!
Sexy as hell. If only I could my hands on her.
Baka galing s'ya sa mga ancient clans. Malakas kasi s'ya.
Ang lakas n'ya kaya, mas malakas pa s'ya kay Maureen.
Ang sama niya! Inagaw na nga niya si Franco kay Maureen tapos sinaktan pa niya to. Tsk!
Ang dapat d'yan inihaharap sa konseho para parusahan. Dapat sa kan'ya mapunta sa abyss.
She's a disgrace, anyone who hurt their own kind is a disgrace! If I don't know, she might be a rogue!
Napakislot ang mukha ko at kapit nang mahigpit kay Franco. Dammit, malapit na akong mabingi, bakit parang lumalakas lalo ang mga bulungan nila? Mas'yadong malakas na parang sa mismong tainga ko ibinubulong ang bawat salita.
"What's wrong? May masakit ba sa'yo?" Napailing nalang ako, patuloy ang paglalakad hanggang sa makaupo sa dating puwesto namin.
"Wala naman," pagsisinungaling ko.
"May problema ba Mr. Monteverde? Ms. Carlos?" Baling ng tanong sa amin ng titser naming si Ms. Hanni.
"Wala naman, Henrietta." Lakas loob na sagot ni Franco sa kapatid niya.
Napapasa'kin ka rin. Napalingon ako sa likod ko sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang iba't ibang itsura ng mga kaklase ko, walang kakaiba. Masyado lang sigurong malikot ang imahinasyon ko at kung anu-ano ang naririnig. I mean, their minds are the ones talking, right? Well, that's the only explanation I got. Nababasa ko 'yung iniisip nila. Wala naman kasi talagang nagsasalita pero alam ko namang totoo 'yung mga naririnig ko; siguro naman hindi pa ako nababaliw, 'di ba? At saka wala naman sigurong magkaka-interes sa akin, kagaya ng mga iniisip nila; mas'yado akong karaniwan. Kung 'di pa dahil do'n sa aksidente at sa pagpapakilala sa akin ni Franco bilang significant niya, malamang wala talagang makakapansin sa akin. 'Yun din naman kasi ang balak ko. I hate the feeling of prying eyes behind my back, I hate being watch and if given a chance I would love to be an incognito.
Nagsimula at natapos ang buong klase at sa totoo lang walang pumasok sa kokote ko, hindi sa dahilang wala akong maintindihan kun'di dahil sa patuloy kong mga naririnig. Parang mga langaw na pilit humuhuni sa tainga ko. Nakabubulahaw.
"Franco, sandali!" Pigil ni Miss Hanni sa amin bago kami makalabas ng silid. "Nakahanda na ba 'yung plataporma mo? Sa susunod na araw na ang..."
"Alam ko," putol ni Franco sa kaniyang ate sabay hila sa kamay ko.
"Franco." Hinawakan ni Ms. Hanni ang braso ni Franco at tuluyan kaming napahinto.
"I'll do it, okay? I promise I will be there. Wala naman akong magagawa hindi ba? Iba naman na ngayon kasi may kailangan na akong protektahan."
Tumango si Ms. Hanni, nakontento ito sa sagot ni Franco kaya naman binitawan na niya ito. "Good luck then."
Magiingat ka. Napalingon ako sa gawi ni Miss Hanni bago ako tuluyang makaalpas sa pinto. Takot at pag-aalala ang naramdaman kong nanggagaling sa kaniya. Mag-ingat saan? Nagpatuloy ako sa paglalakad at isinawalang bahala ang kuro-kurong iyon. Una 'yung boses sa klase, ngayon si Ms. Hanni naman? Ano ba talaga ang nangyayari? Lalo lang sumasakit ang ulo ko.
"Kukunin mo na ba 'yung posisyon mo? Hindi ka pa ba handa?" Tanong ko para iliko ang mga iniisip ko. Umiling lang siya at nakayukong naglakad.
Hindi ko alam pero kasi natatakot akong biguin sila. I'm young and naive, Marco would be much better candidate for the position. It was just damn luck that I get it.
"Hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan 'di ba? A bird wouldn't know if it is capable of flying if it won't flap its wings and jump. Malay mo, pinanganak ka talaga para sa posisyon na 'yun. Ang sabi mo nga tadhana ang dahilan, then there must be a good reason behind it. Trust, Franco."
Tumingin siya sa akin, "Ang sabi nang 'di marunong magluto?"
Pabiro ko siyang hinampas sa balikat at nauna na sa pagpasok sa klase namin. Kagaya ng kanina agad akong nabingi sa mga kakaibang bulungang naririnig ko. Hindi ko napigilan at napahawak ako sa ulo. Sobrang sakit. Pilit ko silang nilalabanan ngunit; wala sadyang hindi ko ito kayang gawin.
"Oops...sorry!" Isang babae ang pilit humingi ng tawad habang pinunasan ang damit kong nabasa sa pagkakabunggo sa kaniya. Natapon ang inumin niya sa akin kaya naman para tuloy akong naligo sa ulanan.
"No, it is fine. Don't worry." Hinawakan ko ang braso ng babae para pigilan ito sa patuloy na pagpunas sa damit ko.
Naku! Baka gawin n'ya rin sa akin 'yung ginawa n'ya kay Maureen!
Naramdaman ko ang takot sa babae. Bigla ako napahintong parang bloke ng semento na hawak-hawak parin ang kamay nito.
"Anong nangyari?" Basag ni Franco sa katahimikan na sandali kong naranasan. Nang makita ko ang pag-aalala sa mukha ni Franco ay agad akong nagkunwaring walang nangyayari sa akin.
"Ahh, nabasa kasi ako ng juice. Pero ayos lang magpapalit nalang ako ng damit. May extra naman akong pants at shirt sa locker. Walang pa rin naman 'yung professor natin." Pagpapalam ko kay Franco habang hinayaan ko na nang tuluyan ang babae. Hindi mawala sa isip ko 'yung tako niya sa akin. Gano'n na ba ako ngayon? Kinatatakutan?
Tumango lang si Franco nang piggilan ko siya nang mag-suggest itong samahan ako. Tahimik namn ang pasilyo patungo sa locker room, dahil halos lahat ay may klase. Iilan-ila lang ang nakaksalubong ko, at halos lahat sila may masamang iniiisip sa akin. I should not care, I know. Kaya lang mas mahirap talagang alam mo 'yung katotohanan. Mas madalu kasing minsan na bulag ka sa ilan.
Kinuha ko ang spare na damit ko sa locker at mabilis na pumasok sa banyo para makapagpalit. Humarap alo sa salamin at tiningnan ang repleksiyon ko. "Magiging maayos ang lahat," bulong ko sa sarili. Pilit pinaniniwala ang utak na magiging maayos ang lahat. Sana nga.
Naghugas ako ng mukha at kamay. Saglit akong nagbihis, paalis na sana ako ng banyong nang maalala kong hinubad ko pala ang singsing ko dahil nabasa ito. Bumalik ako sa lababo kung saan ko ito pinatong. I am really am stupid! Parang gasgas na eksena na ito sa mga kuwento pero gayun pa rin hindi ako nadaala. Ugh! San naman mapupunta 'yung bagay na iyon? Wala namang pumasok 'di ba? Kasi maririnig ko 'yung iniisip nila? God! Celestine you are oficially the stupidest living person in earth!
Lumabas ako ng banyo. Ang kailangan ko lang gawin ay hindi magpa-araw at ayos lang ako. Wala rin naman akong dadaanang walang bubong...
May pinapangank talagang saksakan ng malas, ano? Nakasarado 'yung pintuang papunta ng locker palabas sa hallway. Ump! Pilit ko itong tinutulak, pilit pinapalabas 'yung kakaibang lakas na ipinamalas ko noong isang araw kay Maureen. But it must be a fluke, because I'm sweating down on my toes and nothing is happening. The damn metal is still well intact. Buhay naman, may problema ka ba sa akin at ginagago mo ako?
Author's Notes: Hi! Musta na? Lol. Sorry po sa lahat ng typos! Unedited pa silang lahat.haha. Anyway I'm still finding my rhythm.
And if you like this story, here's the link to the previous chapter:https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-10-isang-natatagong-kapangyarihan-d696a855