"Franco...come on, pumunta ka na sa klase mo. I'll be fine, it's just PE and nothing more. Okay na ako, hindi na mauulit 'yung kahapon, now shoo off." Sumenyas ako gamit ang kamay ko para umalis na siya.
Tumango naman ito at tumalikod pero makaraan ang ilang hakbang, bumaling muli ang ulo nito sa akin, ang mga mata pilit akong tinatanong kung talagang ayos lang ba ako. Kaya naman ibinuka ko ang bibig ko at bumulong sa hangin, "I'll be fine love." Ngumiti ito at iiling-iling na umalis, namumula ang tainga.
Pumasok ako sa loob ng gym, kasabay ng bawat hakbang ko ang sandamakmak na mata na bumabaon sa likuran ng ulo ko. I'll be lying if I say I'm okay, actually I'm not. Sa mundo ng mga kakaibang nilalang, ang pagiging mahina ay walang kinalalagyan, lalu na sa klase ng pampalakasan.
"Hey! Long time no see roomate!" Tumingin ako sa may-ari ng kamay na humampas sa likuran ko.
"Althea. Hi," mahina kong bati.
"Hindi mo man lang sinabi na isang kang bampira! Well not that I'll be happy, kasi werewolf ako. Alam mo 'yung pagiging mortal enemy natin? Anyways...so I heard Franco Monteverde is your significant? Kaya pala bigla ka nalang hindi bumalik sa k'warto natin. Tsk. Nag-alala pa naman ako, 'yun pala si tadhana lang ang dahilan ." Halos malunod ako sa bilis nang pagsasalita ni Althea na hindi man lang humihinto para huminga.
"Yup, he is mine." Pagmamarka ko kay Franco, bilang akin at kasama nito ang matatalim na tingin galing sa mga babaeng kasama namin sa gym, halos mga bampira.
Bitch. Malamang may nangyaring foul play.
Hindi p'wedeng sa isang hindi kilalang babae manggaling ang kapareha ng prinsipe. Masyadong nakakababa.
Baka naman kasi nagpapanggap lang sila? Alam mo na para magtigilan na 'yung mga lintang dikit nang dikit sa Franko natin. Pathetic!
She looks like a faker. Baka nga mamaya binayaran lang 'yan.
Malayo sa kalibre ng mga katulad natin. Ni pangalan n'ya hindi ko pa naririnig. 'Sang lupalop ba nanggaling 'yan?
Kahit dito sa esk'welahan walang muwang ang katulad n'ya. Ang dapat d'yan pinapalayas.
"Hoy, roomate don't listen to them, mga ambisyosang palakang mga bampira lang ang mga 'yan. Feelingera, 'di matanggap na off limits na 'yung prinsipe nila." Alam naman ni Althea na maririnig siya ng mga sinabihan niya, pero sadyang malakas lang talaga ang loob nito.
"Stop! The chit-chats and we are moving on sa activity natin ngayong araw..." Huminto ang bagong dating na titser at panandaliang tumingin sa buong klase, "Jane! Althea! Kayong dalawa ang leader at maglalaro tayo ng patintero!"
Agad kumilos ang dalawang napiling estud'yante. "Adrianna!" Sigaw ni Althea na nag-umpisang pumili ng mga kakampi hanggang sa maubos na dalawangpu na mga pagpipilian.
And just when I thought my life can't get any worse, our teacher asks us to move out. Sa open field, sa gitna ng mainit na araw. Buti nalang suot ko ang singsing ko.
"Gan'to lang ang gagawin n'yo, bilisan ang pagtakbo at 'wag magpapalagas ng kahit na sino!" Maganda naman ang payo ni Althea, kaya nga lang dapat siguro sa PE class ng mga tao nalang ako sumama o kaya sa mga lalaki kasama ni Franco. Kung pup'wede lang, dahil 'di gaya dito na buwis buhay, do'n siguradong ligtas akong makakauwi.
Dug dug dug. Hindi ko alam, lumipat 'ata ng puwesto 'yung puso ko malapit sa tainga, o mismong sa tainga nga 'ata. Sobrang lakas kasi ng tibok ng puso ko, halos maka-basag eardrums.
Sobrang kinakabahan ako. I think I am going down the drain.
"IN!" Kasabay nang malakas na pagsigaw ni Althea ang mabilis na pagkilos ng mga manlalaro. Magandang ideya ang ilagay ako sa likod, sa pinaka dulong linya. Pero, hindi rin 'ata kasi mabilis na nakalagpas dito 'yung isang bampira. One of those stupid bitches that keeps on ranting about me being a faker. Humarap ako sa direks'yon niya.
"So, Franco's significant pala ha? May ibubuga ka kaya?" Inilapit niya ang mukha sa akin, pilit akong pinag-lalaruan at iniinis. Inabot ko siya pero mabilis niya itong naiwasan. Nakabibinging tawa ang lumabas sa bibig niya. "Cat got your tongue? You're too slow dear. Gan'yan ba talaga kahina ang pinili para sa prinsipe? Baka may sira na sa tuktok si Tadhana. Siguro napaniwala mo silang lahat pero hindi ako. 'Di hamak na magkalayo ang level natin."
Nanatili akong tahimik, 'yung galit na nararamdaman ko sa loob ko, umaapaw na pero nanatili akong kalmado sa labas. Alam ko namang walang magandang maiidudulot ang pakikipag-away, hahakot lang lalo ako ng pansin na lubos kong kinaayawan.
"Tanga ka ba? Alam mo ba kung sino ako? I'm his ex, his first kiss...first at everything at hindi mo kahit kailan man mabubura ang bagay na 'yon. I'll always be someone he would compare to. Specially with you."
Call me bipolar, pero hindi ko na talaga kinaya. May kung anong sumapi sa akin at mabilis ko siyang hinablot nang nag-akma siyang lagpasan ako. Biglaan ang lahat ng nangyari, nasa harapan ko lang siya pero nang dumikit ang kamay ko sa braso niya bigla nalang siyang lumipad sa hangin papunta sa isang puno, halos labing-limang metro ang layo. Gawa ko ba 'yon? Hindi rin ako makapaniwala.
"Maureen!" Nagsigawan ang mga estudyante sa mga biglaang nangyari, ako naman nanatiling nakatayong parang estatwa sa puwesto ko.
"Anong nangyari?" Mabilis na tumakbo sa direksyon ko ang titser namin. Nanlalaki ang mga mata kong tumitig sa kaniya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Hi...hindi ko ho, sinasadya, " mahina kong bulong.
"Class is dismiss!" Mabilis niyang sambit na tumakbo sa direksyon ni Maureen para tumulong.
"Okay ka lang?" Tango nalang ang naisagot ko sa tanong ni Althea. Kahit anong gawin kong pagpapaliwanag sa sarili, may kakaiba talagang nangyayari sa katawan ko, sa sarili ko. Hindi ko nga lang alam kung dapat ba akong matakot o matuwa, dahil sa wakas natupad na 'yung isa sa matagal ko ng hinihiling; ang maging malakas.
Para kalmahin, hinila nalang ako ni Althea papunta sa p'westo kung saan ko unang nakita 'yung mga guardians ni Franco.
"Are you okay?" Nagulat ako at napatingin sa kamay na humawak sa balikat ko.
"She just sent your ex flying in the air! She is a keepsake." Masayang kumento ni Althea na parang magandang balita ang pagpalipad ko kay Maureen.
"Althea," bati ni Franco.
"Franco," bati naman ni Althea.
"Yanna, are you okay? I heard from my guards 'yung nangyari. Maureen would be fine, she's a vampire. She'll heal fast." Tumabi sa akin si Franco habang hawak-hawak na ang mga kamay ko.
"Okay...aalis na ako. Sa susunod nalang room mate!" Pagpapaalam ni Althea. Hindi ko magawang magsalita kaya naman ngumiti nalang ako at muling baling sa direksyon ni Franco sa harapan ko.
"Narinig mo din bang nasunog 'yung balat n'ya? Franco natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin, how I turned from ordinary to something I don't know in just a few hours." Tumulo ang mga luha ko, malakas na bampira si Maureen, isa sa mga elite kaya naman malabong masaktan ko siya nang grabe. Hindi ko lubos maisip na nakasakit ako ng kapwa ko kahit pa napakasama sa akin ng taong 'yun. Hindi talaga tama ang mga nangyari, balik-baliktarin man ito.
"What? No. Pa'nong nangyari 'yun."
"That's the thing, hindi ko alam...ang narinig kong sinabi no'ng mga nurse, 'yung kamay ko bumakat sa balat n'ya na parang nasunog. A third degree burn. Franco I can hear them kahit pa na malayo ako sa kanila. I can hear them. I...I am scared."
Bumuntong hininga si Franco, marahil pati siya nahihirapang intindihin 'yung mga bagay na nangyayari sa akin.
"Shhh...magiging okay ang lahat." Kinulong niya ako sa mga bisig niya, pilit inaalis ang mga pagdududa ko sa sarili, inialis niya ang harang sa pagitan namin at hinayaan niyang maramdaman ko ang mga nararamdaman niya at mabasa ang mga nasa isip niya.
"We'll be fine baby. We'll be fine. Nahihirapan akong nakikita kang nahihirapan. Hindi ko alam kung pa'no kita aaluhin, gayong 'yang mga bagay na nagyayari sa'yo ay normal para sa'kin. Sa isang bampira. One thing I'm sure though, love, is I'll give my everything for you, to make you feel happy and safe. Gagawanko 'to ng paraan, okay? I promise."
Hinalikan ni Franco ang noo ko at damang-dama ko ang pagmamahal niya. Gayon pa rin hindi maialis nito sa isipan ko ang takot na baka nga tama ang ama ko. That I am really am a mistake.
.....
Thoughts? Welll...? Haha. Thank you ulit sa mga nagbabasa! Love you all! :3:D
jesā„