"Paano mag rehistro at mag withdraw sa Read.Cash?"

14 143
Avatar for avie018
4 years ago

Madami sa ating mga Filipino ay hinde pa din alam ang BCH o Bitcoin Cash. Pwede mong basahin ang artikulo na ginawa kong tagalog version mula sa article ni Cain tungkol dito ang "Para sa nagsisismula: Ano ang Bitcoin Cash?"

Ngayon kailangan mo muna mag pa rehistro. Sundan lang mga hakbang na to.

Mga hakbang sa pag sisismula:

  1. Mag sign up ka sa read.cash gamit ang link na to: Pindutin ito ; wag kalimutan itago ang phrase seed(tignan sa picture) at Bitcoin Cash Address (tignan sa picture) ng wallet mo O pede nio din gamitin ang Badger Wallet kung nasa desktop.

  2. Gumawa ka ng artikulo na nais mo. Pindutin ang "Write" button. Tandaan maging orihinal para maiwasan ang mga problemang legal.

  3. Ipunin ang puntos na binigay sayo sa pag gawa ng artikulo.

  4. Mag withdraw gamit ang BCH papuntang Coinsph.

1. Tignan ang litrato para mag register:

O gamitin ang Badger Wallet kung ikaw ay nasa Desktop/Laptop.

Importante!

isulat o itago ang SEED PHRASE. Importante ito kapag naglogout ka ng hindi inaasahan o nag palit ng mobile/laptop device.

Ang Bitcoin Cash Address mo ay ang pwede mong gamitin para ipasa sa gustong mag donate sayo or mag send ka ng pera sa read.cash account mo.

2. Gumawa ka ng article.

Pindutin ang "Write an article" o "Write a short post"

Simulan ang pagsulat. Pwede ka maglagay ng picture sa article mo. Huwag kalimutan ang "Lead Image", Piliin ang lenguahe. Pede mo din sya isubmit sa mga community tungkol sa sinulat mo. At ang huli, pindutin ang "Publish Button".

3. Ipunin ang puntos.

Makaka ipon ka ng puntos o "points" kapag nagtuloy tuloy kang magsulat araw -araw, isa man o dalawa sa isang araw, mag komento sa mga nagustuhan mong article, i "like" din ang mga to. Maari ka ding mag subscribe sa kanila para makatanggap ng "Notifications"

Ngayon napapaisip ka kung paano namin nakukuha ang mga Bitcoin Cash na galing dito sa Read.Cash. Kaya gumawa ako ng artikulo para sayo.

4. Withdaw O Send ang BCH sa iyong Coinsph Wallet.

Kung wala ka pang coinsph. Mag download at mag register dito.

Ang coinsph ang karaniwang ginagamit nating mga Pilipino pag dating sa pagconvert ng Bitcoin Cash, Etherum, Bitcoin, at XRP.

Kopyahin ang BCH Address mo. At ipaste sa "Send your Bitcoin Cash" (tignan ang picture)

(Siguraduhin na tama ang BCH Address na kinopya mo mula sa Coinsph Wallet mo)

Pindutin ang "SEND" at Okay button. Antayin dumating sa Coinsph ang winidraw mo. May text o notification itong ibibigay.

Salamat sa pagbabasa!

Thank you for reading!

Tagalog Version of STEPS on how to Register and Withdraw on Read.Cash.

12
$ 0.01
$ 0.01 from @Bitraph
Sponsors of avie018
empty
empty
empty
Avatar for avie018
4 years ago

Comments

Thank you sis Avie for this comprehensive guide. First time ko makakita ng article writing site na allowed ang language natin.

$ 0.00
4 years ago

True! Super ganda nito site db! Although recommended ang english, or translated version, marami pa din mas makakaintindi kasi multi language na.

$ 0.00
4 years ago

Galing naman sis😊

$ 0.00
4 years ago

Great explanation! I will try it again. Hope it'll work this time.

$ 0.00
4 years ago

what's the exact problem?

$ 0.00
4 years ago

Got mixed up the bitcoin.cash address. But I think I know how it works now. Just a little practice in this app. Lol

$ 0.00
4 years ago

Super linaw nito, salamat lodi

$ 0.00
4 years ago

Salamat sa pagbibigay ng detalyadong paraan sa pag wwithdraw ng pera sa read.cash. malaking tulong po to sa mga Pilipino especially sa mga baguhan. :))

$ 0.00
4 years ago

Tama. Gusto ko din ibahagi kasi ito sa mga studyante na nalilitl at baguhan sa crypto.

$ 0.00
4 years ago

Woow, magandang idea po yan madam hehe napakagaling!!

$ 0.00
4 years ago

Salamat Ty din sa upvote😍

$ 0.00
4 years ago

Youre welcome

$ 0.00
4 years ago

Good article for begginer.. very detailed procedure.. at sa lengwaheng tagalog pa.. good job po..

$ 0.00
4 years ago

Salamat. Sana umabot at matuto pa ang maraming pilipino sa paggamit ng readcash at bch.

$ 0.00
4 years ago