read.cash Log in
a@anjhernan

@anjhernan in November 2021

a@anjhernan

suman na may latik.ito ang traditional na niluluto ni nanay tuwing undas. Alay sa mga yumao kasabay na rin ng pagsindi ng kandila.ndi rin nakabisita sa columbarium.

a@anjhernan

Pagpasok pa lang ng September, meron nang mga Christmas decors sa mga malls. Kami ngayon pa lang bubuuhin ang Christmas Tree. Natuwa ako nakita ko kanina tinutulungan ng 3 year old ko na pamangkin si Nanay sa pagbuo ng Christmas tree. Ang cute nila tignan.

a@anjhernan

Sinamahan ko ang panganay kong anak para sa kanyang 1st dose ng vaccine laban sa covid. Sa Makati Coliseum na vaccination site sya na-assign at Pfizer ang bakuna na naiturok sa kanya. First time ko makapasok sa loob at airconditioned. Nakakatuwa kase mabilis ang proseso. Sa bawat step, madami nag-assist kaya smooth at tuloy tuloy ang proseso. Walang hassle. Hindi matagal ang paghihintay. Good job sa sa local government ng Makati.

a@anjhernan

Alert level 2 na ang NCR. Madami nang mga bata ang lumabas. Huwag pa rin tayo magpakampante. May nabasa akong news sa FB at twitter at bumalik na naman ang Europe as epicenter ng covid at may surge na naman ng cases. Huwag naman sana tayo matulad.

a@anjhernan

Maliban sa hindi na ako active sa ibang social media platform, ni-hide ko din ang birthday ko kahapon. Surprisingly, wala pang sampu ang bumati sa akin sa messenger at nakaalala ng birthday ko without posting it sa social media. Nakakalungkot man, at least malalaman mo kung sino talaga ang nakakaalala sa iyo na mga tunay mong kaibigan sa mahalagang araw ng buhay mo.

a@anjhernan

Napost ko na dati na isa sa hinahanap ko kapag nagmmall ay malinis na comfort room. Maarte talaga ako pagdating sa ganito. Ayoko ng mapanghi at madumi. Isa sa mga mall na may malinis na cr ay ang Robinson's Manila. May bayad nga lang ,10 pesos pero ok lang sa akin kung ganito naman kalinis.

a@anjhernan

Mabilisang break lang. Dahil overtime pa at naubusan ako ng ulam, nagorder na lang ako online. Imbes na karaniwang fastfood, pinili kong suportahan ang mga local business within our barangay. May group kase sa FB and andun ang mga local sellers within our barangay at doon na ako umorder. Fried noodles with tonkatsu and mango graham shake for dinner. Kain tayo noisy peeps.

a@anjhernan

Nag-open na pala ang Festival of Lights sa Ayala Triangle Gardens sa Ayala, Makati City. Taon taon ko inaabangan at pinupuntahan ito, last year lang at ngayon taon hindi nakapunta. Noong ang office namin ay nasa paseo de roxas pa sa makati, tuwing uwian lagi ako nadaan para manood , ndi ako nagsasawa haha. Saka andami din laging tao. Dinadayo talaga kahit weekends. So sa ngayon throwback na lang muna na picture ang kaya kong ipost.

a@anjhernan

Nagpunta kami ni partner kanina sa mall para bumili ng ilang gamit para sa pagdating ng baby namin. Maaga pa nang makarating kami sa mall, mga past 10am ata, nagulat ako..andami na tao sa mall. .. at andaming mga bata at kabataan... Oo nagluwag na nga at nagbaba ng alert level dito sa NCR, pero hindi pa rin ako kampante magdala ng bata sa mall, andyan pa din ang virus. May nakita pa nga ako baby ang dala..haist.. Nang matapos na kami makapamili past 2pm, grabe akala ko…

a@anjhernan

Nagjoin ako sa ilang group sa FB tungkol sa bfeeding. Nais ko matuto sa mga advices at tips regarding sa topic na yun. (Kung meron lang dito sa noise sana). Hindi kase ako nakapgbfeed sa panganay ko and gusto ko pagkapanganak ko, exclusive bfeed ang baby ko. Bukod sa masustansya na, mura pa. Ang mamahal kaya ng mga formula sa grocery.. juskoday. At eto nagrresearch din ako mga pang-pump.so far eto pa lang nakita ko na murang electric pump.

a@anjhernan

Isa sa inabangan ko noong 11.11 sale ay ang mga buy 1 take 1 items sa watson. Kaso sa online lang available ung item , wala sa mismong store. Kaya ntry ko na din at bumili din ng ibang products na discounted. Kaso may shipping fee na 50. Nasabe ko na lang minsan lang naman saka mas malaki naman yung discount na nakuha ko. Pagdating ng inorder ko, ndi ko inexpect na may mga freebies na ganito. Marahil dahil big sale noong 11.11 kaya may ganyan

a@anjhernan

Galing kami sa Greenbelt Park kanina sa Ayala, Makati para samahan ang aking panganay. May mga kailangan syang kuhaan ng picture sa park na yun para sa subject nila na Earth Sci. At syempre, may nakita akong Christmas tree ndi ko pinalampas ang pagkakataon na picturan ito at mahilig talaga ako mgpicture ng mga decorations. Kung ndi lang ako buntis baka kasama ako sa picture. Hehe

a@anjhernan

Isa sa pinakamasayang parte ng pagbubuntis ay ang maramdaman mo ang pagsipa ng iyong baby habang ito ay nasa loob ng iyong sinapupunan. Dahil nasa 2nd trimester na ako ay ramdam ko na ang mga pagsipa na ito lalo na kapag nakahiga na ako at magpapahinga, doon ang kalakasan ng kalikutan ng bebe. Kaso kahapon nangamba ako, parang hindi ko halos naramdaman ang bebe. Baka dahil sa sobrang pagod ko kakalakad. Sakit pa nga rin ng balakang ko ngayon. Napatext tuloy ako sa ob ko at…

a@anjhernan

Ikaw ba ay namimili sa Puregold, SM supermarket at Mercury drug at ikaw ay nakatira sa Metro Manila, Rizal at Bulacan (Balagtas, Bocaue at Meycauayan), wag mo itapon ang resibo. Pwede ka maka-earn ng points sa pagpicture ng resibo ng napamili mo gamit ang Storerewards na app. At ang mga naipon mong points pwede iexchange sa gift card ng Lazada, 7eleven, Paypal etc. Nakailang redeem na din ako sa Lazada gamit mga points na naipon ko. Shawrawt pala sa isang generous na noisy…

a@anjhernan

It's only past 8am, pero dami ng tao dito sa Makati Coliseum. For 2nd dose na ang panganay ko.sabay sabay na ang 1st dose, 2nd dose pati ang booster kaya medyo dami tao.Madami man tao pero madami din nag-aassist. At dahil nakita na preggy ako na companion, binigyan pa ako special seat. Katabi ko mga seniors. mukhang matatagalan ata kami ngaun. happy thursday morning noisy peeps

a@anjhernan

Dami kong ganap kahapon kaya sobrang busy. Mula sa pagsama sa panganay ko sa schedule for 2nd dose vaccination, then punta sa school para kumuha ng school supplies at uniform then prenatal check up naman ng hapon. Mejo napagod pagkauwi kaya pahinga agad. May ipinagtataka lang ako sa aking naobserve dun sa vaccination site. Mga 9am, dumadami na ang tao kaya yung mga bagong dating dun na pinaakyat sa blue seats sa bandang taas. Then pababa ang usad ng pila. Tapos may dumating…

a@anjhernan

Blessed Sunday morning noisy peeps. So last thursday ngpacheck up kami sa ob.kinukulit ako ni partner na humingi na ng request for ultrasound nang magkaalaman na daw haha. Atat na atat na sya malaman ang gender ng bebe.. pagkatapos na pagkatapos ng check up, derecho na kami ultrasound. Ndi kase pwede ang kasama sa room ng ultrasound kaya ako lang. Pagkasabe pa lang ng ob na baby boy, di ko napigilan matuwa at matawa. Gustong gusto kase ni partner ng baby boy. Sabe ko baka…

a@anjhernan

Another blessing na natanggap. Sobrang nakakaproud ang aking panganay. Naway pagbutihan nya pa ang kanyang pag-aaral. Thank you Lord for the gift of wisdom.

a@anjhernan

Birthday ni tatay today. Kapiling na sya ng Poong Maykapal. Binawian sya ng buhay noong nakaraang taon dahil sa thyroid cancer, naglabasan na rin mga bukol sa ibat ibang parte ng katawan nya. At ang mas masakit, ako ang nakasaksi nang malagutan sya ng hininga :( Ayoko isipin na wala na sya dahil sa twing maiisip ko yun, ngbbreakdown ako . Yung gustong gusto ko syang makita at mayakap pero wala akong magawa (ayan naiiyak na ako). Iniisip ko na lang na nagbabakasyon lang sya,…