Birthday ni tatay today. Kapiling na sya ng Poong Maykapal. Binawian sya ng buhay noong nakaraang taon dahil sa thyroid cancer, naglabasan na rin mga bukol sa ibat ibang parte ng katawan nya. At ang mas masakit, ako ang nakasaksi nang malagutan sya ng hininga :( Ayoko isipin na wala na sya dahil sa twing maiisip ko yun, ngbbreakdown ako . Yung gustong gusto ko syang makita at mayakap pero wala akong magawa (ayan naiiyak na ako). Iniisip ko na lang na nagbabakasyon lang sya, masaya at wala nang sakit na nararamdaman.. Happy birthday tay in heaven, sana dalawin mo ako sa panaginip para mayakap man lang kita.
2 comments
Happy birthday sa tatay mo sa heaven. Masakit at mahirap talaga mawalan lalo na sa panahon ngayon.
Salamat po ser.