Blessed Sunday morning noisy peeps. So last thursday ngpacheck up kami sa ob.kinukulit ako ni partner na humingi na ng request for ultrasound nang magkaalaman na daw haha. Atat na atat na sya malaman ang gender ng bebe.. pagkatapos na pagkatapos ng check up, derecho na kami ultrasound. Ndi kase pwede ang kasama sa room ng ultrasound kaya ako lang. Pagkasabe pa lang ng ob na baby boy, di ko napigilan matuwa at matawa. Gustong gusto kase ni partner ng baby boy. Sabe ko baka umiyak sya pag girl ito. Ako ok lang naman sa akin kahit anong gender basta healthy si baby. Pagtapos ko sa ultrasound, message na pala sya ng message kung ano na result. Nang makita ko na sya, sabe ko: 'o ayan hanapin mo dyan'. Di ko malilimutan yung saya nya pagkabasa nya na "boy". Kulang na lang magtatalon sya. Haha. Nakakatuwa lang makita ang reaction nya .
2 comments
Congrats sis, sa baby boy. Pakahealthy lang kayong dalawa.
salamat sis .