read.cash Log in

@anjhernan

Joined 8 December 2022 · 311 posts

music lover

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

a@anjhernan

para sa mga nasa Manila. Doble ingat po tayo. Kahapon nakasakay kami sa taxi at binabagtas ang taft avenue. Nakastop light sa kanto ng Remedios St at Taft Ave. Biglang may nagbukas ng pinto dun sa tabi ng driver at sa pinto sa passenger seat na katabi ng driver. Doon nakaupo si partner. Mga kabataan na parang mga tambay yung nagbukas nanghihingi ng pera. Dalawa dun sa pinto ng driver at isa dun sa pinto kung saan nakaupo si partner. Mabuti na lang nailock ko pinto sa likod . magisa pa man din ako sa likod. Binigyan nya na lang ng bente, sabe nya kase nakita nya may hawak na bato. Pagkabigay naman nya umalis na sila agad. Tapos nag-Go na ung sa traffic light. Kaya pag nasa taxi or kotse kayo siguraduhin nuo na nakalock ang pinto. Mabuti na lang talaga pagkasakay bg taxi, simisigurado ko agad na nakalock ang pinto. At mabuti din na hindi kami nagamit ng selpon habang nasa byahe. Panigurado, I nisnatch yun. Doble Ingat po noisy peeps

a@anjhernan

Umagang kay ganda noisy peeps. Thanks you Lord at nakalabas na ng hospital kaso ndi ko pa makasama ang bebeshark ko. Isolation pa din ako. Mahirap na baka mapasahan ko sya ng virus kahit wala na ako symptoms.. Nabalitaan nyo na ba. Nakapasok na daw ung monkey pox dito sa Pilipinas? Haist! Wag naman sana kumalat.

a@anjhernan

Umagang kay ganda noisy peeps. Sana makalabas na ako dito sa hospital at maging ok na result ng calcium level ko. Namimiss ko na ang bebe shark ko... Ingat kayo lagi

a@anjhernan

Good morning noisy peeps. Ingat po tayo tumataas n nman mga cases ng covid. Nkaconfine ako dahil sa mababang calcium pero ngpositive pa sa covid test. Ayun, nalipat tuloy sa isolation room. Kahit wala nman din ako mga symptoms.

a@anjhernan

Grabe nman. Ilang araw na walang internet. Kakainstall lang last week, nawala agad noong Wednesday ng gabi.puro system lang nakakausap pag nagrereport ng problem. Haist.

a@anjhernan

Lunes na naman. Pasok na naman. Malayuang lakad na naman. Kaya lakad seksi muna ako para ndi matagtag hehe. Good mornjng noisynpeeps

a@anjhernan

Grabe na talaga lagas ng buhok ko . Naiirita na nga si partner sa dami ng buhok sa sahig haha. Makokontrol kp ba un?. Sabe normal lang ito sa mga nanganak. Kaso natural na manipis na dati ang buhok ko. Ngayon napapanot na ako. Baka may marecommend po kayo na shampoo.

a@anjhernan

Masama po ba sa bagong panganak ang maglakad ng malayo? 4 months post partum ako.CS PA NAMAN Wala kase jeep sa loob ng BGC. Out of way naman sa akin ang mgaa bus kumbaga mapapalayo ako st mattrapik pa. Feeling ko kase parang binugbog ang matris ko. Natatakot tuloy ako baka bumuka tahi ko. Haist.. Pero kelangan kumayod.. Pambili ng gatas hehe Magandang umaga pala . ingat kayo

a@anjhernan

kamusta na noisy peeps.. its been a loooong time.. back to work na ako return to the office na rin. Haist. Balik komyut at trapik na naman. Kung sana nga lang ung pwedeng magwork from home ay iallow na lang nila.. kamusta na dito? Eto pala view ko habang nakain ng lunch..

a@anjhernan

Kakatapos lang ng first dose.konti na lang mga tao sa vaccination site. Napriority pa ako dahil breastfeeding. Natanong nga ako bakit ngaun lang ang first dose ko. Sabi ko kase buntis ako at kakapanganak lang. Ang sakit lang ng braso kung san itinurok at nilagnat ako. Pfizer pala ung 1st dose ko

a@anjhernan

"Grades arent important. Being safe and healthy is". Sa mga nakapanood na ng All Of Us Are Dead, for sure familiar kayo sa lines na yan. Ako din naman, di ako masyado ngbibigay ng pressure sa anak ko regarding sa grades basta pasado. Pero ang mga instances na ganito na nageexceed.sya sa expectations ko,.deserve nya ng treat from mami.

a@anjhernan

Pasado alas tres na pala.kakatapos lang mglunch. Nagsimula ako alas dose kumain, ngaunang natapos. Ayaw magpalapag ng bebe. Nagigising sya tuwing ilalapag ko sa crib. Nauubos na lakas ko .wala na ako ibang magawa. Ngayon, kakatapos lang namin bfeed. Nilapag ko sa crib ,gising na naman

a@anjhernan

Hindi porket ndi naglabor, mas madali na ang cs kesa normal delivery. CS ako sa 2nd child ko. Dahil sa kagustuhan kong makalabas agad ng hospital, ndi ko bineybi ang sakit. 8 hrs after ng operation, sinubukan ko na makaupo. Kinabukasan, sinubukan ko na rin tumayo at maglakad lakad. Success naman. 3 days lang kami sa ospital. Kase pag ndi daw agad nakakilos, magtatagal pa sa hospital. Ayun na nga, kinabukasan pagkauwi namin sa bahay, andami dugo sa gauze ng tahi ko. Dinala ako sa emergency, ndi naman bumuka ang tahi. May tumutulo lang. Pero syempre nagworry din ako. Binigyan ako pampaampat ng dugo at nilagyan ng pressure ung sa gauze sa tahi ko. Napwersa ko yata sarili ko.

a@anjhernan

It' s been a while. Matagal din nawala. Madaming nangyari.Nagpositive sa covid bago manganak. Madaming challenges na pinagdaanan, pero eto hawak hawak nya ako. Ang nagbibigay ng saya sa akin, na nagsasabe na magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga pagsubok.

a@anjhernan

Pabalik balik na lagnat for two days,may kasamang ubo.pero may panlasa at at pang-amoy pa naman.dapat na ba iswab test yun?

a@anjhernan

Magandang morning noisy peeps. Ako eto nakahiga pa rin.masama pakiramdam.kahapon kase makati lalamunan ko at nauubo sa kati. Sa lamig ata ito. Pero ndi naman ako nilalagnat.sana ok lang si baby sa tyan ko. Ndi din ako makainom ng gamot. Pinulikat pa ako kaninang madaling araw. Hanggang ngayon may sakit pa din sa binti ko. Question pala mga momshies, nung buntis ba kau nun naexperience nyo may dugo ung kul@ngot nyo? Pasintabi po sa kumakain.ngworry lang ako kung normal lang sa buntis ito

a@anjhernan

Taong 2015, bagong opera ako kaya medyo gipit sa badyet. Magpapasko na noon at dahil nakasanayan na namin magbigayan ng gift ng mga friends ko sa office (voluntary) lang, eto naisip ko na lang na ibigay na gift sa kanila. Bumili ako ng mga maliit na mason jar sa sa divisoria. Di ko na tanda ang presyo kung bente ba isa nun. Tapos pinuno ko ng mga Japanese origami stars. Special gift daw for good luck ang ganito.

a@anjhernan

Habang nabili ng barbecue kanina, may batang namalimos sa akin habang kinakalog yung lata na dala nya. Imbes na bigyan ng pera, tinanong ko sya kung gusto nya nung hotdog. Tumango naman sya na may kasamang ngiti. Parang natuwa sa offer ko. Tapos dumating kasama nya, kaya inalok ko din ng hotdog na pinaihaw ko na rin sa nagtitinda na pinasama ko sa babayaran kong barbecue. Nang maluto na barbecue, sabe ko sa tindero bigay na lang dun sa dalawang bata. Umalis na kami baka dumating pa mga tropa nila at magpabili din haha. Kidding aside, mas tumatak sa akin yung ngiti ng bata ng alukin ko sya nung Hotdog.

a@anjhernan

Kanina may dumating na parcel para sa akin eh wala naman ako inoorder online. Kinabahan ako baka scam, pero sabe ng rider bayad na daw. Takang taka ako san galing to. After 2 hours, ngmessage ang supervisor ko, kung may nareceive daw ba ako na shoppee. Pamasko nya pala sa buong team. Lahat kami pinadalhan nya. Nakakatuwa. Nakakatouch. Napakasweet at galante ni sup hehe.

a@anjhernan

Malapit na ang Pasko, oras na para buksan ang alkansya na sinimulan kong hulugan January this year. Sabi nila pag nag-aalkansya daw, madalas may magkasakit sa pamilya. ilagay mo daw ang purpose sa alkansya sa umpisa pa lang. Kaya ang nilagay ko ay "for Christmas 2021". Ayan, may pandagdag na sa mga panghanda ngayong pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.

a@anjhernan

ngstop ako magwork kani kanina para magpahinga.nahihirapan kase ako huminga habang nakaupo sa harap ng pc at ang tindi rin ng antok ko.ndi naman ako puyat. Naninigas din tyan ko at nagaalala tuloy ako sa bebe ko sa tyan ko.Kaninang umaga ko pa nilalabanan tong pakiramdam na to at nakaidlip namam ako kaninang lunch. Ngayon, nakahiga lang ako parang ayoko bumangon at pagod na pagod ang pakiramdam ko. Naexperience nyo rin ba ito mga momshie nung buntis kayo?

a@anjhernan

Birthday ni partner today. Simpleng salu-salo lang kaninang lunch with his family. Nagrequest sya na bilhan ko sya ng cake. Nagiisip ako ng kalokohan kanina na ilalagay sa dedication cake kaso di ko na lang tinuloy haha baka magalit. Kaya ayan na lang pinalagay ko para happy ang birthday celebrant.

a@anjhernan

saging para sa pulikat. Nararamdaman ko na ang pulikat sa binti ko. Parang naghihintay lang na matrigger sya. Kaya iniiwasan ko ang mgstretch lalo na pag natutulog, sobrang sakit kaya . Question lang noisy peeps, pano po ba pumili kapag nabili ng saging? Huwag nyo po sana ako ibash kung hindi ako marunong pumili ng saging. Hehe.

a@anjhernan

Gandang gabi noisy peeps. Kabi-kabila ang mga virtual Christmas party ngayon. Kami kahapon, ginanap kaso di pa ako naka-attend at nawalan ng internet connection. Bago sumapit ang December 24, nakagawian na namin ng mga friends ko sa office na magbigayan ng gifts. Ndi required, kung sino lang gusto magbigay pero nakasanayan na namin taon taon. Mga worth 20, 50, 100 lang na gifts. Nakakamiss yung ganito lalo na yung pagbabalot ng regalo.

a@anjhernan

Naiconsult ko na sa ob ko ang tungkol sa covid vaccine. And nirecommend nya na magpavaccine na ako. Safe naman and para sa protection namin ng baby..Kaso hesitant pa rin talaga ako. Iba iba naman kase reaction ng katawan naten. Maaring yung ok sau, sa kanya ndi. Baka magkaside effect pa kay baby..mahirap na.

a@anjhernan

Kaninang umaga habang nagwowork ako, nahirapan ako huminga. Marahil sa laki din ng tyan ko. Nakailang tayo din ako para makahinga ng maayos. Pero di ko rin kinaya. Nagpaalam ako sa supervisor ko kung pwede ako magpahinga at kanina pa ako nahihirapan huminga. Umabot pala ng 3 hours ang pahinga ko haha. Grabe.! Parang pagod na pagod ako Paggising ko,lunch time na.eto nadatnan ko sa dito sa table sa kwarto namin magpartner. Nilagay na ni mother in law ang uulamin ko. Nakakatouch naman.Ang dami, ndi pa naman ako malakas kumain. Si partner, nasa work pa. Kain tayo noisy peeps. Magandang tanghali.

a@anjhernan

Magandang lunes ng umaga noisy peeps. Sobrang busy at pagod kahapon. Medyo pagod pa din ako ngaun at parang pupulikatin paa ko dahil dami namin ginawang lakad. Namili kami ni partner ng iba pang gamit ng bebe sa sm. Kung yung iba sa shoppee nag-abang ng sale, kami sa mall para makita in person ang mga binili. Isa ito sa mga nabili namin kahapon. 3800 original price nya pero may less pa ng discount dahil sale. Mejo mahal pero matibay naman.di bale maginvest sa matibay kahit pricey kung matagal naman magagamit kesa mura pero madali naman masira.

a@anjhernan

Time check: 12:39 am. 15 minutes ago, half awake pa ako.inaantok na pero aware ako sa nangyayare sa paligid ko. Naka-off na ang ilaw. Nang biglang naramdaman ko na may kumagat sa middle finger ng kanang kamay ko. Nagulat ako at napasigaw, nagulat din si partner at ano daw nangyare sa akin. Sabe ko may kumagat and check nya baka may daga ba or something pero wala sya nakita kahit ano. Ayan naparanoid na naman ako dahil preggy ako. Pinabukas ko ang ilaw at sabe ko matulog kami na bukas ang ilaw..mahirap na. Baka naamoy ang bebe ko.. naku..

a@anjhernan

Good afternoon noisy peeps. Dito na ako ngstay ngayon sa bahay ng partner ko. Para magkasama na kami bago ako manganak. At kanina habang ngwowork ako (work from home) pa din ako, nag abot ng pameryenda si mother ni partner. Ang sweet hehe. di pa din ako makapag give love on christmas day ha.. waley pa din ayuda at wala din laman ang aking wallet na maswerte...Kalungkot

Everything by @anjhernan, by month