Isa sa pinakamasayang parte ng pagbubuntis ay ang maramdaman mo ang pagsipa ng iyong baby habang ito ay nasa loob ng iyong sinapupunan. Dahil nasa 2nd trimester na ako ay ramdam ko na ang mga pagsipa na ito lalo na kapag nakahiga na ako at magpapahinga, doon ang kalakasan ng kalikutan ng bebe. Kaso kahapon nangamba ako, parang hindi ko halos naramdaman ang bebe. Baka dahil sa sobrang pagod ko kakalakad. Sakit pa nga rin ng balakang ko ngayon. Napatext tuloy ako sa ob ko at ang sabe ay baka nga sa pagod at kumain ako ng matatamis. At yun nga, nagsimula na naman sa kalikutan ang bebe. Kahit masakit ang sipa mo bebe, ok lang , basta maramdaman ka ng mami..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet