Thank God Natuloy Kami Mga ilang Araw nag set Ang kapatid ko ng pagpunta sa sementeryo para linisin Ang puntod ng aming mga Mahal sa buhay. Two years Ang pandemic kaya ganun din katagal itong di nalinis. Pareho na Kaming senior ganun din ang mister nya kaya ung Plano ay pwedeng di matuloy dahil naka depende kung sa Araw na yon eh pare parehong nada kondisyon Ang aming mga katawan. Kaya naman simula ng Araw na nagplano at nag usap Kaming magkapatid ay sinimulan na naming ipinanalangin ito. Pinaghandaan na din Namin Ang mga dapat naming dalhin. At ngayong Araw ngang ito Ang aming pagpunta. Ayon sa aming dalangin , biniyayaan kami ng Diyos ng lakas na kailangan Namin kaya kami ay natuloy. Ung mister ng kapatid ko ang magmananehi ng tricycle at Kaming magkapatid kasama Ang Kanyang Isang anak Ang maglinis ng puntod. Nagising din ako ng maaga ngayon. Nagluto ng pagkain muna upang kahit paano ay makakain muna. Pagkatapos ay namitas ng mga bulaklak at ibinigay ko sa aking kapatid para ayusing boquette dahil mas nauna na syang nakagayak kaysa sa akin. Habang inaayos nya Ang mga bulaklak ako Naman ang gumayak. At mga ilang sandali pa ay lumabas na Ang Kanyang mister at iginayak na aming sasakyang tricycle. Nasa maayos at mabuti rin ang Kanyang pakiramdam, kaya ayon natuloy Kami sa paglilinis ng puntod.
10 comments
Mabuti naman ma'am at natuloy kayo. Mabuti yan maaga kayong nakapaglinis sa puntod ng mahal nyo sa buhay. Para hindi na kayo makikipagsiksikan sa mismong araw ng mga Patay.
Oo nga, niloob ng Diyos na maging maayos Ang kondisyon ng aming pangangatawan. Di masikat Ang Araw pero okey lang dahil hindi Siya mainit sa pakiramdam.
Kami po, hindi pa makadalaw.. Sinabayan naman kasi ng bagyo at sabi nga po sa balita, may bagyo na namang paparating after nitong bagyong Paeng.
Buti naman po at natuloy kayo sa inyong lakad.
Mabuti naman po nakadalaw na kayo nakapaglinis na sa puntod ng yumao.
Maganda pa po panahon sainyo diyan kaya tamang tama ang pagpunta niyo po ng sementeryo.Ingat po kayo
Naalala kopo nung nasa Manila pa kmi Sa manila north cemetery po naka libing lola at lolo ko talagang ginagayakan ko Ng tita Ng husto
Maaga nyo din pumunta ng sementeryo ma'am. pero mabuti yan para hindi pa matao at konditon din naman health nyo
Ingat po nay at sana ay nde maulan sa inyo Undas na pala. Busy na ang mga sementeryo para dalawin ang mga mahal sa buhay natin.
Flowers look so beautiful