Kapag Bread Winner ka,Bawal kang magkasakit
Blog:156-17th
Date :August 24,2022
Time :2:43pm
Tagalog muna tayo ha dahil ayaw kong pigain yung brain ko ngayon dahil 2 days na akong my trangkaso.Sa mga hindi pa alam jan na ako ang bread winner ng aming pamilya.Walang regular na work ang asawa ko at my dalawa kaming anak isang 15 years and 2 years old.
Nung Sabado black out dito sa whole Bohol dahil my inaayos ang BOHECO o yung electric company dito sa amin.So basically wala akong pasok sa work dahil need ng kuryente yung trabaho ko.Dahil hindi rin maganda ang pakiramdam ni hubby a day after his birthday kaya tambay siya sa bahay ng ilang araw.Siguro naover fatigue kasi nga di naman siya sanay na laging my work at dahil na rin sa pabago bagong panahon at weak niyang immune system.Mabisyo kasi kaya weak ang katawan niya ang bilis madapuan ng sakit.Inatake din ng hika si bunso dahil sa malamig na panahon at nung Sabado nga naging busy pagkatapos kong maglaba ng maraming labahin.Gumawa ako ng maliit na kanal para sa tubig ng lababo namin.I know gawain dapat yung ni hubby kaso nga may sakit siya so ako nalang ang gumawa.Double purpose din yung kanal na yun dahil nasa Slope area yung house namin so pag malakas ang ulan ang tubig galing sa my bukid pumapasok sa loob ng bahay dahil wala pang finishing yung wall ng kusina namin.Pure hollow blocks pa.At yung sink namin mali ang position sa bahay instead na sa lower part ng area siya nakapwesto nandun ito sa higher part.So medyo malayo layo din yung ginawa kong kanal.Kahit maliit na kanal lang yun eh super hirap at ang daming lupa na nakuha na kailangan ko pang gumamit ng pala o shovel para ilagay sa malayo.After kong gumawa ng kanal natulog muna ako mga around 3pm na yun.Nagising ako mga 5pm.Napagod at naubos talaga yung energy ko that day.So naligo ako dahil super init ng katawan ko at you know I can smell myself na.Literal na mabaho na talaga.
Sunday morning sobrang init ng panahon.Since marami akong nilabhan nung Sabado at di siya agad natuyo that day kaya gumawa ako ng sampayan sa labas ng bahay namin para matuyo agad yung mga nilabhan ko.Kinuha ko yung alambre namin sa dating bahay na tinitirhan namin.Para yun nalang ang gawin kong sampayan.After kong makagawa ng sampayan yung anak ko na yung pinalipat ng mga nilabhan ko dahil nga napagod ako sa sobrang init ng panahon.Pawisin kasi akong tao at bawal sa akin ang matuyuan ng pawis kasi inuubo ako.Agad akong ngpalit ng damit at nagpahinga.
Sunday night minasahe ko si hubby dahil di naman ako gaanong napagod.Marunong naman akong magmasahe o yung tawag naming traditional Hilot.Pag marami kang hangin sa katawan kaya kong palabasin ito,pag pisil ko ng part ng katawan na my hangin ng baburp ako,at hindi ko yun gawa gawa lang or sinasadya,kusa akong ngbuburp talaga.Dati di ko talaga alam kung bakit ako ngbaburp pag my minamasahe ,nalaman ko lang sa isang masahista(Manghilotay)dito sa amin.Sabi ng mga matatanda dito dapat daw pg my minasahe ka dapat magbigay ng tangkugi o kahit anong halaga ang minasahe mo para daw di malipat sayo ang kanyang mga nararamdaman.Di ako sure kong totoo ba yan o hindi.Sunday night I feel itchiness in my throat,agoi patay ka,paano na kung mgkakasakit ako? Kailangan ko pa ring magtrabaho kasi paano na yung daily expenses namin? So ayung Monday morning naligo at pumunta pa rin ako sa work kahit medyo hindi na okay yung pakiramdam ko.Mainit na ang hininga ko at makati na yung lalamunan ko.Dati kasi pag ganito yung nararamdaman ko inom agad ako ng Apple Cider Vinegar para di matuloy yung ubo.Mamatay agad ang bacteria.Kaso di ko na afford yun ACV eh.Dun nalang ako sa Ginger and Garlic tea na hinaloan ko ng lemonsito.Pagkauwi ko from work nung monday lumala yung pakiramdam ko dahil nga eh dapat magpahinga ako pero I had to work.Malamig na yung pakiramdam ko.Around madaling araw ba yun di ko alam eh basta nagising ako ng pinakikiramdaman ni hubby kong mainit ba katawan ko at kumuha agad siya ng bimpo at kinold compress niya ako.Ang sweet diba?sweet nga ba or nagwoworry lang siya baka di ako makawork paano na kami LOL.Anyway at least ng effort siya.So kahapun Tuesday busy day for me kasi market day at maraming taong dadagsa at ngpapaprint and laminate ng ID sa school.Sakto namang every market day pumupunta si Mama sa workplace ko dahil my maliit siyang business.Sakto din na bumili siya ng gamot para sa sakit sa katawan dahil siya rin ngka trangkaso last week.I tried to drink that med she bought at boom lumabas agad ang pawis ko kahit naka Aircon naman dito sa workplace ko.Anyway Rexidol Forte yung ininom ko at sinabayan ko ng Powercell yun kasi ang iniinom ni Mama kaya I tried it.Base naman sa aking research about powercell maganda naman siya.Power cells herbal capsuleĀ helps strengthens the body's immune system to portect the body from disease. It hardens the body's resistance,give additional energy which helps us from drowsiness,strengthens memory retention,helps clear skin,nomalizes sleeping cycle or sleep pattern and enhancess our sex life.
So maganda nga kasi it will help strengthen our body immune system.Mukhang kailangan kong uminom nito kahit once a day lang though medyo my kamahalan ang bawal capsule niya kasi 20 pesos yung isang capsule pero for me prevention is better than cure diba.Ayaw ko din namang mgkasakit kaya iinom nalang ako niyan mas less expenses pa kasi mas mahal ang gamot pag ngkakasakit tayo eh kasi di naman pwedeng isang tableta lang okay na agad.
Kahapun nagpabili na ako ky mama ng Rexidol at Powercell.Nagpabili na rin ako ng Paracetamol incase needed kasi malayo kami sa centro at hirap makabili ng gamot sa lugar ni hubby.Pinainom ko rin si hubby ng Rexidol para mawala yung sakit sa katawan niya at pinasabay ko ng powercell kasi kailangan niya yun.
Closing thoughts
Pag bread winner talaga bawal magkasakit kasi paano na yung umaasa sayo.
Kanina nga kahit di pa talaga akong 100 percent okay pero I have to wash our blanket iwas spread ng bacteria sa bahay kasi ang hilig ni bunso e bite yung edge ng blanket namin.Sumakit tuloy katawan ko pagkatapos kong mglaba.Medyo mabigay din yun tatlong makapal na blanket.Kaya uminom na rin ako ng Rexidol para mawala yung sakit ng katawan ko.Tuloy pa rin ang laban ng buhay.Para sa mga taong umaasa sa aking.Lalo na yung mga anak ko.
Sino mga bread winner jan?taas ang kamay?Mahirap diba.Para tayong walang karapatan magkasakit hehehe.
Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.
Lead Image and thumbnail edited using Canva
To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.
To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.
Now ko lang nalaman sis na marunong ka palang manghilot hehehe... that's a talent na binigay din sayo.
Peru tama ka ang hirap kapag tayo ang magkasakit, paano na lang yung mga nangangailangan sa atin, hayys.. pagaling ka sis.