Ako yung nagsakripisyo pero siya ang napagod
Blog 84-13th
Date :May 19,2022
Time :3:08pm
Darating talaga tayo sa point na magtatanong tayo sa ating sarili. Talaga ba? Ako yung nagsakripisyo pero bakit siya ang napagod?
Last Saturday nag away kami ng asawa ko dahil umaalis siyang di nagpaalam sa akin Kung di pa nagsend ng picture yung kaibigan niya na magkasama sila di ko pa malalaman na pumunta Pala sila sa isang Fiesta. Before that nagchat yung friend ni hubby Kong asan daw si hubby, that time kasi hinatid ako ni hubby sa work kasi daw gagamitin niya yung motor at Sabi pa niya dun Lang daw siya kaibigan niyang my birthday at pinapatulong daw siyang magluto. So I chat him na hinahanap siya ng isa niyang friend kasi daw pupunta sila sa Fiesta at ang sagot naman niya eh bat daw siya pupunta dun eh my birthday naman sa malapit, so I expect na nandun Lang siya sa bahay ng my birthday. Later did I know na pumunta Pala siya Fiesta. Nung nalaman ko umaalis siya ng di nagpaalam, nasaktan talaga ako, yung feeling ko ginagago ako. So tinawagan ko agad ang asawa ko,sinabi ko sa kanya Kung bakit di siya nagpaalam, pwede naman siyang mgtext or magchat bago sila umaalis Para di ako ng mukhang tanga. Sa sobrang inis ko di ko na pinakinggan ang sagot niya and I ended up the call. I chatted him. Sinabi ko lahat ng hinanakit na nadarama ko that time. Pinaka ayaw ko kasi Yung pinag mumukha akong tanga. Anyway hindi naman kasi 1st time na ginawa sa akin ito. Yung pagmukhain niya akong tanga. For him maliit na Mali Lang daw bat ganun ako makareact. Talagang di niya ako kilala dahil till now di niya Alam na ayaw na ayaw Kong pinagmumukhang akong tanga. Sinabi ko sa kanya na he don't have to worry kasi it will the last time manginngialam ako sa buhay niya. He can go anywhere Kung saan niya gusto wala naman din siyang respito sa akin as his wife eh, di man Lang niya inisip yung mararamdaman ko sa ginawa niya. Dahil di maganda ang signal dun sa pinuntahan niya Kaya di siya makapag reply. He chatted me nung nakauwi na siya at nagmamadaling umaalis din dahil my importanteng lakad siya at late na siya. Nung dumating ako sa bahay from work di na kami nga abot pa dahil kakaalis Lang din niya. I received a chat from him he tried to explain na nagpunta daw siya sa my Fiesta kasama niya ang Papa niya at Yung friend niya at Kaya siya di makareply kasi di maganda ang signal sa lugar na Yun. I told him I don't care Kung sino kasama niya ang point ko eh bat di man Lang nagpaalam sa akin. Bakit di niya inisip ang mararamdaman ko pag nalaman Kong umaalis siya na hindi nagpapaalam?
Instead na humingi siya ng sorry at ipangakong di na niya uulitin Kung ano ano pa pinagsasabi, pinagmukha akong masama. Wala naman akong sinabi na makikipaghiwalay sa kanya ang Sabi ko Lang wala na akong balak intindihin pa Yung ugali niya. Sa mga nakabasa na ng aking mga previous articles Alam niyo naman na I was really trying to fix and save our marriage pero dumating na ako sa point na nakakapagod din Pala noh, nakakapagod lumaban ng mag isa. Ako yung gumawa ng paraan, tiniis ang lahat lahat. I gave him a lot of chances already kahit gustong gusto ko na talagang sumuko pero I tried to be strong Para sa family namin pero bakit? Bakit siya ang napagod?bakit siya pa ang my ganang sabihan ako na napagod na daw siyang intindihin ako? Talaga ba? Natural naman siguro na maiinis ako sa ginawa niya. Dapat Sana eh inintindi niya Kung bakit ba ako nagagalit pero wala eh siya pa ang my ganang mag initiate na maghiwalay nalang kami? Seriously? Ako talaga hinahamon niya ng hiwalayan dahil di na daw niya kayang intindihin ako. Wow! Sobrang sakit nun Para sa akin, di daw ako perfect. Eh sino ba my Sabi na perfect ako. When he got home, I confronted him if final naba yung sinabi niyang gusto na niyang maghiwalay kami? Di siya nagsalita at Doon na ako ngsimulang umiyak at naging super emotional sobrang sakit na kasi Yung feeling na ako naman ang nagsakripisyo bakit siya ang my ganang makipaghiwalay? Sabi ko wag niya akong hamunin ng hiwalayan kasi sanay akong mabuhay na mag isa at Kaya Kong buhayin ang anak namin ng wala siya. Sa sobrang inis at sakit na naramdaman ko I shouted at him, sinabi ko Kung gaano ka pangit ang ugali ko pag akoy nagagalit ng sobra pero kahit galit na galit na ako ni minsan di ko siya pinagmumura dahil kasi ayokong masaktan siya, nirerespito ko siya bilang asawa ko. Napahagolgol ako sa sobrang sakit ng aking naramdaman pero Alam niyo ni minsan di man Lang niya ako naisipang I comfort every time na umiiyak ako, di nga ako binigyan man Lang ng tubig Para naman gumaan yung feelings ko. Nandun Lang siya nakikinig sa lahat ng pinagsasabi ko. Di nagsasalita hanggang sa natulog nalang siya and it always happen na instead na ifix namin ang problema namin eh tinutulogan Lang niya ako.
If you ask me about the sacrifices that I've made for our family, ako po yung my regular na trabaho, ako yung kumakayod Para sa pamilya namin, nung time na nalasing siya ng sobra at nagwala siya naisip ko ayokong magtiis at makisama sa kanya Kung ganun Pala siya. Wala siyang kinikilala pag nasobrahan sa alak and it happened 3x the worst part yung nag attempt siya na mg suicide. Tiniis ko pa rin ang lahat alang alang sa pamilya namin. Kahit ilang beses na niya akong pinagmukha tanga. I still give him another chance baka kasi magbabago pa siya. Una, nung time nalaman Kong gumagamit Pala siya ng bawal na gamot, ikalawa nung time na akala ko tumigil na siya sa paninigarilyo Yun Pala pinagmumukha Lang niya akong tanga dahil patago Lang Pala siyang naninigarilyo. Yung time na Yun tumigil siya dahil ng kasakit siya wala naman siyang work that time so ako naman todo alaga at binilhan pa siya ng gamot Para gumaling Lang tapos ginago Lang Pala niya ako.
Ending thoughts
Mahirap at masakit pero tinitiis ko lahat Para sa pamilya namin. Hiling ko Lang Sana darating ang araw na akoy magiging masaya muli. Hindi ko Alam Kong hanggang kailan ako magtitiis. Kung kayo ba nasa posisyon ko ngayon? Handa rin ba kayong magtiis alang alang sa pamilya? Mali ba ako? Kasalanan ko ba Kung bakit nafall out of love ako sa kanya?
Anyway, dear readers pasensya na Kung sobrang bigat ng article na ito gusto ko lamang ilabas yung nararamdaman ko.
Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.
Lead Image edited using Canva
To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.
To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.
Pahirap ng pahirap yung sitwasyon mo sa kanya sis. Alam mo hindi mo naman obligasyon na bagohin asawa mo, kasi magagawa naman nya un kung gugustohin nya. Pero hindi eh, siguro kasi ganun siya sayo kasi nakikita nyang hindi mo kayang mawalay sa kanya. Nakikita nya kahinaan mo kaya binabaliwala nya mga nararamdaman mo, mga hinanakit mo. But anyway nasa sayo pa din ang desisyon sis, ikaw pa din ang mas nakakaalam kung ano ang nararapat gawin. It is your life and it is your family so you can decide weather you stay or let go. Hopefully magkaron ka ng peace of mind ano man maging desisyon mo.