Itoy isa sa hindi ko makalimutan na travel experience ko.
Noong taong 2011 diko inasahan na makapunta ako sa Mati City , Davao Oriental. Sinama kasi ako ng pinsan ko na magbakasyon doon ng isang linggo kasi taga doon ang kanyang misis. Excited ako lalo nat first time akong makapunta sa lugar na iyo. Nong nakarating na kami agad kaming pumasyal sa centro ng syudad.Masaya maganda at malinis ang lugar.
Kinabukasan nagyaya ang misis nya na maligo daw kami sa Waniban Island. Sumakay kami nang bangka kasi isla iyon.
First time kong sumakay ng bangka, pakiramdam ko may halong kaba at halong excited. Sobrang ganda ng dagat kulay asul na naqpapahiwatig na malalim iyon. Sobrang excited na makarating sa isla na tanaw na namin.
So pagkadating namin kumain muna kami bago maligo. Pero yong mga bata diretso agad nagswimming..heheh mga bata ba naman..
Sa isla ding iyon sinasabi nala na walang taong nakatira. May namamasyal lang doon para maligo kasi puti ang buhangin at malinis. Hindi naman ako masyadong naligo doon kasi sobrang init ng araw. Bawal magbilad baka iitim 😁😁😁. Mamimiss ko tong lugar na ito kasi alam kong malabo na akong makabalik doon..
abzero:)
Wow ang dami MO na po palang napunta hang magagang lugar boss. Saka ang Ganda po Dyan parang ang tahimik na lugar.