Sipatan Twin Hanging Bridge

0 87
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ito ang aerial view ng Sipatan Twin Hanging Bridge na matatagpuan sa Sevilla Bohol. Ang tulay nato ay nag-uugnay sa Sitio Sipatan Brgy. Ewon at Sitio Ilawod Brgy. Lobgob ng lungsod ng Sevilla.

36 kilometro ang layo nito mula sa Tagbilaran City na nagiging stop-over sa mga turista na patungong Chocolate Hills ng Carmen, Bohol.

Ito ay may 40 metros ang haba at ang nasabing tulay ay gawa mula sa kawayan na nagsisilbing daanan ng mga tao at nagiging tourist attraction sa lugar. Nagiging pasyalan ito bukod sa maganda ang lugar at malinis ang ilog nito kundi napaka unique ang pagkagawa ng naturang tulay na kawayan at masasabing napaka tibay ng tulay kahit iti ay gawa lamang sa kawayan.

Ang tulay na ito ay nagsisilbi rin na daanan ng mga produkto at para maihatid ng mabilis ang mga pangangailangan ng taga rito at di na mapalayo ang biyahe. Hindi inaasahan ng mga taga rito na magiging tourist attraction ang nasabing tulay kaya ngayon mas lalong pinatibay at pinaganda pa ang tulay at para mas maenjoy pa ito ng mga bibisita dito.

Sa dulo ng tulay ay mga mga maliliit na tindahan na nagtitinda ng mga native handicraft na nagsisilbing souvenir ng lugar at nagiging hanapbuhay din ito sa taga rito. Malaking tulong ang tulay hindi lanq sa transportasyon kundi rin sa hanapbuhay at naging pasyalan ito.

Sana tangkilikin pa ito ng mga dayuhan at para na rin makatulong sa mga tao dito na maipakita ang angking kagandahan ng lugar.

abzero:)

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

Woow ayos talaga puntahan ang bohol diba boss? Yung kapatid ko na nag aaral jan sa bohol cya lang nakapasyal jan sa bohol.. Ahaha next bucket list ko visayas talaga

$ 0.00
4 years ago

wooooowww kaganda nman kaya lang d b nakaktakot dumaan jan buho lang ang tulay . naalala q noong bata aq may hanging bridge din saamin kapag dimadaan kami ng mga kaibigan q ung isa kc takot ginagawa namin pinapaindayog nmin kpag asa kalagitnaan n kami hahhaha 1st time q dumaan gumapang aq hahhahah

$ 0.00
4 years ago