read.cash Log in

@Cher

Joined 16 June 2020 · 76 posts

I will travel the whole Philippines

120 KT

0 KT · 4¢ received · 0 KT given

Posts

@Cher

Good morning everyone have a nice day ahead. Always give good vibes to other people. But stay at home always. Stay safe godbless

@Cher

Sometimes you need to choose people who can make your best friend. But sometimes best friend makes you worst enemy.

@Cher

Some trick and tips to take good picture. Hello everyone, i would like to share to you my expertise in taking best pictures for your album. I am using 2 android phone and 1 canon camera. But i really like using mobile phone because it's easy to use adjust and click. In my photo cover in this article you will see the normal shot of the sunset with the reflection in the river. When i saw this view while im doing farming in websites. I take this opportunity to shot and make tricky using this view. I shot many times with different angles and different objects to use, just to get the best picture for my album. After taking, i use my editor app to enhance and get the best details for my picture. But while im doing editing, i have someting imagine in my picture so that i rotate it. And boom! it is look like you are looking the earth from the Outer space. And the earth is covered by a big storm with the sunlight. Take a look this photo 📸 **Here's my trick**. If you look the picture you will imagine that you are in the outer space. But if you rotate your phone you will see the normal picture which the sunset reflects on the river. Remember this, sometimes the imagination will start if what you saw. Thank you, i hope you like it.

@Cher

Halika pag usapan lang natin: Naniniwala ako sa pangyayari ngayon, noon sa panahon ni marcos may mga media na pinasara dahil sa mga proganda na pinapalabas laban sa gobyerno. Nabalik itong mga media noong c cory na ang naka upo. Sa panahon ngayon c digong na naman ang gumawa ng action para sa mga propagandang naglalabasan mapamedia or articles. Sa tingin mo magagawa ba ng mga dilawan ang ginawa ni cory noon?

@Cher

Banana chips This are the Step by step if how to make banana chips. **Step 1**: Use unripe but matured bananas (saba, etc). Peel by hand and immerse immediately in. 05 percent sodium metabisulfite solution for 15 minutes. **Step 2**: Cut the sulfited peeled bananas crosswise, about 1/8 inch thick, using a stainless steel knife. **Step 3**: Soak again the sliced bananas inbthe same concentration of metabisulfite solution for one hour to prevent browning. **Step 4**: Remove slices from the soaking medium and boil them in water for 30 seconds. **Step 5**: Spread blanched slices in sinamay covered wooden frames and dry in the sun or in an oven at 70°C for from 3 to 4 hours until the slices are dry with a minimum moisture level of from 3 to 5 percent. **Step 6**: Fry in thick fat and sprinkle with fine salt. **Step 7**: Anti-oxidants may be added to prevent rancidity when chips are to be stored for some time. Enjoy eating with banana chips. 👉 By : Cher90

@Cher

Preseved Tomatoes Preserving tomatoes is like a making jam or tomato sauce homemade. Lets start making tomato jam. Tomatoes and Salt - calcium chloride (pure form of "apog") ◾Select fresh, firm, fully ripe but not overripe tomatoes. Wash thoroughly in running water. ◾Blanch in boiling water for from one-half to 1 minute or in steam for from 2 to 3 minutes. ◾Dip in cold water; peel off skin and remove core. ◾Pack tomatoes firmly in previously sterilized jars to 1/2 inch from the top. ◾Do not add water. Add 1/2 teaspoon salt and 1/8 teaspoon calcium chloride (apog) to each pint jar. ◾Exhaust uncovered jar containing the tomatoes at 77°c in a kettle withvwater for 15 minutes or approximately 45 minutes feom boiling time. Water in kettle should not be more than 2/3 of the jar to prevent entrance of boiling water into the jar. ◾Seal completely and process in boiling water bath for 35 minutes. ◾ Cool and store Thats it! enjoy with your homemade tomato sauce or jam. 👉 By: cher90

@Cher

Be alert! Meron isang tao na laging active sa comment section nyo. Lage cya magkukument sa mga tagalog article kahit hindi nya alam ang detalye ng article nyo. Isa ito paraan para makuha nya attention nyo para makapag gawa cya ng way para mascam nya kayo. Wag maniwala agad sa mga offering ng iba para kumita ng malaki dito sa readcash.

@Cher

Hacking alert Dapat maging aware lage sa mga ginagawa. Hindi purkit nakakita kalang ng post or site link kung saan kumikita ng malaki. Tapos may pinapakita pasayo na proof. Wag agad agad maniwala kasi sa panahon ngayon ng pandemic at crises marami ang naglalabsang PHISHING LINKS para makuha lahat ng pera mo or mga accounts nyo sa email address niyo. Maging wise sa mga hacker kaysa ikaw pa ang ma hack. Hindi lahat natutulungan ng cybercrime.

@Cher

Address to philippines issue to filipino users: sino dito yung nakakaranas ng paghihina ng signal or data ng GLOBE? Araw2x nalang talaga ganito ang globe. Ano sa tingin nyo?

@Cher

Sino ba dito yung mga gusto magpasyal after ng pandemic? Try niyo po mag tour part ng surigao del sur at norte kasi maron na silang mga bagong location na pwede na mapupuntahan ng mga turista.

@Cher

Beto cold spring Ang beto cold spring ay matatagpuan sa barabo surigao agusan del sur, ito ang katabi ng bogac cold spring. Pero ang beto cold spring ay isang lagoon kung saan may pinaka malalim na lagoon sa lugar ng barobo. Wala pa sino man ang nakakapunta sa pinaka lalim nito. At dahil din sa subrang lamig at dilim hindi talaga kakayanin ng mga divers. Marami din ang naka pag sabi na may diwata na nagmamay ari dito kaya kung gusto nyo maligo dito wag sa malayo dahil hindi talaga natin alam ang nasa ilalim nito. Nakapunta narin dito ang artistang si wowie de guzman. Nag punta siya sa patin. Ay agusan del sur para sa event ng Niliyagan festival. Bago siya umuwi ay pumunta muna siya dito para gumawa ng vlog para sa mga kababayan natin. Lagda nyo na ito sa bucket list niyo.

@Cher

Bogac cold spring Tara na sa malamig. Puntahan natin. Ang cold spring ng Bogac barobo surigao agusan del sur. Ito ay subrang lamig marami na din ang nakapunta dito. Open ito sa public at may mga artista na rin ang mga naka punta dito. Minsan yung mga banda. After ng concert nila. Pupunta sila dito para maranasan nila ang ganda ng surigao del sur. Dahil laging tumatatak sa isip ng mga tao na basta marinig lang ang agusan del sur ay marami daw mga rebelde. Paalala lang ang agusan del sur ay subrang lawak at marami itong bayan na malalaki yung sinasabi na maraming rebelde ay yung mga malilit na sitio or yung nasa liblib ng kabundokan. Kaya kung may plano kayo puntahan yung mga water falls dito ay dapat makipag usap muna sa mga barangay para mabigyan kayo ng proteksyon or mga tour guide.

@Cher

Bega Falls Ito ang bega falls, na matatagpuan sa Barangay mabuhay prosperidad agusan del sur. Ang talon na ito ay na diskobre noong 2015 pa lang. Na buksan ito sa publiko noong 2016, dahil ito ay subrang layo at malilit lang daanan. Binuhay at denivelop ito ng municipyo ng prosperidad para madali itong puntahan ng mga tao. Gumawa na sila ng malaking daanan kung saan pwede na maka pasok ang mga sasakyan. Unti na rin nila ito senimento dahil ang lupa dito ay subrang maputik at malakas makakalawang ng mga sasakyan. Maganda at mahaba ang bega falls meron din itong maliliit sa baba nito. Lumalakas ang agos ng tubig dito kapag laging umuulan ng malakas.

@Cher

Top 10 Falls ng Caraga Region Hello sa lahat ng mga travelers na mahihilig sa talaga sa mga water falls. At sa mga mahihilig din mag hike para lang makita ang mga falls na isheshare ko s inyo. Ang caraga region ay may malaking population, at marami rin nasasakupang mga sitio, barangay at municipyo. May mga barangay din kung saan matatagpuan mo ang mga undiscovered na mga tanawin lalo na mga falls. Ang caraga ay napapalibutan ng mga bundok at kagubatan. Kaya hindi na talaga pagtatakhang may mga likas na yaman na pinoprotektahan ng mga tao. Na diskobre lang ito dahil sa ating mga taga forest ranger na nakabantay dito. May mga talon dito, makikita mo sa malalayo at may mga malalapit lang din sa mga barangay. Tara isama muna ito sa mga bucket list mo para mapuntahan mo ito pagkatapos ng pandemia na ito. Magsimula tayo sa Anitapan fall na matatagpuan sa Barangay tagmamarkay tubay agusan del norte. Pangalawa ang Lambingan falls, na matatagpuan sa San jose Jabonga agusan del norte. Pangatlo ang mayugda fall, matatagpuan sa poblacion jabonga agusan del norte. Pang apat ang saboro falls, barangay mahaba cabadbaran agusan del norte. Panglima ang sak-a falls matatagpuan sa san Antonio RTR agusan del norte. Pang anim ang alingatong falls na matatagpuan sa RTR agusan del norte. Pang pito ang bugsukan falls matatagpuan sa Barangay bugsukan agusan del norte. Pangwalo ang campo uno falls matatagpuan sa p-2 de oro butuan city agusan del norte. Pangsiyam ang pinandagatan falls na matatagpuan sa Barangay new tubigon sibagat agusan del sur. Pangsampo ang pinagalaan falls na matatagpuan sa Barangay pinagalaan, hamogaway bayugan city agusan del sur. Ito na ang undiscovered at discovered top 10 na falls ng caraga region. 😊 Tara! Arat na.

+8 more

@Cher

Tinago island Oh heto na naman tayo sa mga mahihilig sa lake. Ito ang lake Tinago, na matatagpuan sa taganaan surigao del norte. Ang lugar na ito ay subrang ganda mula sa barangay taganaan. Makikita mo na agad ang beach resort nila dito na may mga flaoting play ground. Pero dito muna tayo sa tinago island. Bago ka makapunta dito ay sasakay ka muna ng bangka patungo sa isla. Pero bago mo makikita ang lake tutumbad muna sayo ang mga napaka ganda na mga isla. Ito ang pangalawang lugar kung saan may maraming isla. Ang mga isla dito ay puro white sand at maaakit ka talaga sa ganda ng lugar na ito. Pag dating mo naman tinago islang tutumbad kaagad sayo ang napaka lawak na lake. Dito maraming isda na nagmumula sa katabing dagat na pumapasok kapag tumaas na ang tubig tuwing gabi or hapon. Kaya kung titingin ka sa tubig ay marami kang makikitang isda na malalaki. Sa lugar na ito pwede mo rin makita ang buong lake, kailangan mo lang mag hike ng mga 15 minutes para makita mo ang overview ng lake at ang mismong isla.

@Cher

Lukot falls Dito naman tayo sa province na pinagmulan ko. Ang province of Agusan del sur. Pero pag usapan natin itong talon na ito kung saan matatagpuan ito sa st. Nino, p-8 new leyte, bayugan city agusan del sur. Mula butuan city sasakay ka lang ng bus or van papuntang bayugan city pag dating mo bumaba ka sa Gaisano mall ng bayugan city. Tapos tatawid ka sa kabilang kalsada at hanapin mo ang phoenex Gasoline station. Doon mo matatagpuan ang terminal ng mga habal habal (skylab). Sasabihin mo lang lukot falls at alam na nila yan kilala yan dito sa lugar. Kailangan niyo pa mag hike ng mga 30 minutes bago mo marating ang lukot falls. Pero dapat laging tandaan mo, bawal ang mag tapon na basura para mapanatiling malinis ito. Kaya ito tinatawag na lukot falls ay dahil kapag malakas ang ulan ang na iipon na tubig mula sa taas ng bundok ay mabilis itong bumababa na may kasamang mga kahoy na paikot ikot.

@Cher

Panganan falls Tara sa panganan falls, ito ay matatagpuan sa cabantao rosario, agusan del sur. Ang falls na ito ay medyo may kalayoan. Mula butuan city sasakay ka ng bus or van patungong davao pero bumaba ka lang sa terminal ng lungsod ng rosario agusan del sur. Tapos sumakay ka ng motorcycle patungong cabantao rosario. Pag dating mo doon kailangan mo pa mag hike ng mga 30 minutes bago mo makita ang panganan falls. Medyo may kahirapan sa pag hike dahil sa subrang madulas ang daan tapos medyo matutulis nag mga bato sa kabundokan. Pero okey lang yan dahil sulit naman pag nakita muna ang panganan falls. Tingnan mo naman ang lugar na ito isang site lang pero dalawang talon na pwede mong magamit. 😊

@Cher

Bagyangon falls in malitbog I take this picture when i was in bagyangon falls in malitbog bukidnon here in the North mindanao philippines. I was surprised and amazed when i saw this gigantic at 150 meters high. BAGYANGON FALLS is located at sitio bagyangon malitbog in bukidnon. So powerful misty, this is hidden at the end of a verdant gorge. Beside this falls is another amazingly drop water, and higher around 200 meters high. From the town of malitbog you need to ride a motorcycle going to sitio bagyangon. It takes 45 minutes riding and it cost 200 pesos or 4 dollars one way. After you reach the sitio bagyangon there are kids that willing to guide you going to bagyangon falls. You can pay them 2 dollars or 100 peso just to bring you there. It takes 45 minutes to take the trek to the falls. You can also cross the river about 10 times approaching the falls. You will get dizzy by its strong mist. And if you want to getting closer, you need crossing a deep chest water. And then enjoy the best view of the falls. Always remember of their rule, please dont leave trash and food leftovers behind. Observe cleanliness of the place.

@Cher

Bagyangon falls Amaze kana ba sa mga falls na post ko? Ahaha ito pa,. Im sure mas maaamazed ka dito. Lets go to bukidnon ulit. Noong nasa bukidnon kami ng pamilya ko for vacation. Sympre sinulit talaga namin ang panahon na nadoon kami. Kaya isa sa pinaka gusto namin mapuntahan ang isa sa pinaka mataas na water falls sa bukidnon ang BAGYANGON FALLS. Ang bagyangon fall ay matatagpuan sa sitio bagyangon, malitbog bukidnon. Ang talon na ito ay may taas na 200+ meter high. At subrang lakas ang bagsak ng tubig dito. From cagayan de oro bumyahe ka patungong malitbog bukidnon, pagbaba mo sasakay ka naman ng habal habal patungong sitio bagyangon around 45 minutes ang byahe papasok sa sitio bagyangon. Nasa 200 pesos ang pamasahe Pagdating nyo doon may mga batang lalapit sa inyo na willing cla mag guide sa inyo papuntang falls, 2 bata ang mag gaguide sa inyo bali 100 pesos lang naman. Pero hindi madali ang pag trek papuntang talon. Aabutin ka talaga ng pagod at sasakit ang iyong balakang at tuhod. Pero dont worry sulit naman pag dating mo doon. Basta sundin mo lang din ang rules and regulations ng falls nato. Bawal ka mag tapon ng bato, at basura. Napaka lawak nito kapag nasa baba kana ng talon na ito. Isali mo na rin ito sa bucket list mo. Malay mo matutupad din yan at mapupuntahan mo soon.

@Cher

Linayapan falls Mahilig kaba sa mga falls at kagubatan? Tara puntahan natin ang linayapan falls sa barangay Bunawan brook, bunawan agusan del sur. Para makapunta dito, simula sa butuan city sasakay ka ng van or bus bound to davao. Tapos baba ka sa bunawan brook outpost terminal or sa philsaga mining. Pagkababa mo sasakay ka ng skylab patungo sa linayapan falls, mahigit dalawang oras lang ang byahe. 200 pesos ang bayad sa skylab mula highway hanggang falls. Pagdating nyo na sa barangay linayapan, pupunta muna kayo sa barangay nila para mag logbook. Tapos kukuha kayo ng isang tour guide para safe kayo sa Pag punta doon. Ang pag punta sa linayapan falls ay hindi paakyat kundi pababa lang subrang dali. Pero kailangan mo parin mag ingat kasi may mga matutulis at madulas na lupa at mga bato. Ang falls na ito ay protektado ng mga taga barangay at municipyo. Kaya marami rin bawal bago ka pumunta doon. Kaya kung may mga basura kayo dalhin nyo ulit, wag itapon kahin saan kasi nakapalaking multa. Ang linayapan ay subrang ganda kahit medyo malayo ito pero sulit naman ang oras at panahon mo sa pagpunta dito. Kaya kung maybalak ka mag lakbay sa mga ganito. Sumunod kalang sa mga patakaran.

@Cher

Kabujuan islet Tara puntahan natin ang kabujuan islet na matatagpuan sa claver surigao del sur. Ito yung buong kuha ko sa bagong featured nila na nagmumukha na siyabg little MALDIVES ng surigao del sur. Punupuntahan talaga ito ng mgavturista dahil sa gusto talaga nila makatungtong sa pinaka dulo ng light House. Kasi sa taas nito halos makikita mo ang buong paligid nito, tulad ng mga kabilang isla, at ang bundok kung saan kalbo na dahil sa mga mining company na nakapaligid dito. Malayo man siya puntahan, pero sulit naman ang pag punta nyo dito. Para maka punta kayo dito sa kabujuan islet, from butuan city sasakay ka van. May mga van kasi na dediritso na sa location na gusto nyong puntahan. Mas maganda pag marami kayo para isang sasakyan kayo. Pero advantage talaga pag may sarili kayong sasakyan kasi marami kayo mapupuntahan pa at makakatipid pa kayo. Kaya tara na sa Kabujuan Islet ang tinaguriang Little Maldives ng claver surigao agusan del sur.

+1 more

@Cher

Ave Maria falls Ito ang ave maria falls matatagpuan ito sa panikian carascal surigao del sur. Itong talon na ito ay hindi gaanong na pupuntahan ng mga tao. Kasi hindi pa ito nadevelop ng mga taga rito at ng taga municipyo. Kadalasan ang mga pumupunta dito ay yung mga malalapit lang na mga residente. Na diskobre ang talon na ito dahil sa mga minahan. Pag punta mo dito ay makikita mo agad ang lawak ng dating pinagminahan. Pero ngayon pinatigil ito ng mga taga rito kasi madaling lumambot ang mga bato at lupa dito sa tuwing lumalakas ang ulan o may bagyo. Kaya pag tumaas ang tubig ng talon ay umaapaw ito at nagkakaroon ng baha. Bago ka man makalapit sa talon, dapat ka munang maglakad papasok. Pero ang pinaka mahirap ay susuongin mo ang malakas na agos ng tubig, kasi sa daluyan ng tubig ka dadaan kasi ang naka paligid nito at puro mga matutulis na damo at may mga puno. At ang isa pa sa mahirap ay dapat hindi ka pupunta doon kapag masama ang panahon dahil baka biglang tumaas ang tubig ng talon. Kung makikita mo sa litrato na nakuha ko malaki po ang tubig nito dahil papasok palang kami ay biglang umulan pero saglit lang kaya medyo sakto lang yubg lakas ng tubig. Pero malakas talaga ang agos ng talon.

@Cher

I-falls Puntahan naman natin yung kabilang falls ng tagnote. Ang talon na ito ay mula pa sa tagnote kailangan mo pa mag lakbay patungo sa kabilang falls na tinatawag nilang i-fall. Sa subrang mabato at matirik yung pagdaanan mo bago mo ito masulyapan. Kaya tinawag muna nila itong i-fall. Medyo hindi pa ito na pupuntahan ng marami dahil sa wala pang maayos na daanan patungo dito sa falls na ito. Pero ayon sa mga taga rito denidevelop na nila ang daanan papasok sa fall na ito. Protektado rin ito ng mga taga LGU at taga DENR dahil sa lugar na ito marami rin mga puno. Kaya kung maliligo ka dito hindi lang ang tubig ang malamig kundi pati ang hangin dito. Kaya dahil mo yung minamahal mo para kung lalamigin ka yakapin mo lang siya. Ang I-fall ay matatagpuan sa RTR agusan del norte. Kaya arat na sa rtr. 😊

@Cher

Kawa-kawa Nakakita ka naba ng nature pool? Halika dadalhin kita sa kawa kawa sa awog, kung saan matatagpuan sa Barangay san jose bislig city. Kahit malayo at medyo liblib siya puntahan pero pagdating mo doon ay subrang sulit naman. Kasi kung makikita mo na tagala ito sa personal ay mawawala talaga pagud mo. Lalo na pag naligo kana dito at naka babad sa malamig na natural na tubig na nagmumula pa sa bundok. Masaya dito lalo na pag marami kayo nakapaligid mismo sa isang kawa. Ang salitang kawa ay ibig sabihin ay kalan. Mukha ka kasing nilagay sa isang kalan dahil sa purma nito na pabilog. Sa taas nito nandoon ang mga cottages nila at ngayon patuloy parin ito denidevelop ng lgu at ng may ari. Kaya aasahan natin na magkakaroon na dito ng mga hotel para sa mga turista.

@Cher

Tagnote Falls Tara! arat na sa Tagnote falls na matatagpuan sa RTR agusan del norte. Dito sa tagnote isa laman itong malapit na waterfalls dito sa parti ng agusan del norte. Kung saan pwede mong byahiin ng 45 mins or 1 hour lang mula sa butuan city hanggang RTR. Tapos pagdating mo sa RTR sasakay ka naman ng motorcycle para papasok patungo sa tagnote falls. Mula butuan city hanggang RTR (35 PESOS) MMula RTR hanggang tagnote falls (30 pesos) Entrance fee: 20 pesos adults at 10 pesos child Diba napaka mura lang at makakapunta kana sa malapit na waterfalls ng agusan del norte. Pero mas makakatipid kapa kung may sasakyan ka. Dito sa tagnote marami pa itong mga water falls sa taas at sa dulo kung saan dadaan ka sa mga malalaking bato. Nakapakaraming mga puno dito at subrang presko ang hangin. Pawang agos at bagsak lang ng tubig ang iyon maririnig dito kasi kahit malayo kapa, maririnig muna ang kabilang waterfalls.

@Cher

Laswitan lagoon Surigao Del Sur May mga tourist spot na hindi maganda puntahan kapag maulan or makulimlim. Pero alam mo ba itong laswitan ay kabaliktaran. Maganda dito pumunta lalo pag masama ang panahon. Kasi lumalaki yung mga alon. Kung makikita mo sa picture kapag humahampas na ang alon sa mga malalaking bato. Ito ay sumasabog at pumapasok sa lood kung saan nandon ang lahat ng tao na naliligo at mag palitrato. Napaka ganda at amazing talaga dito. Kapag na tinamaan ka talaga ng alon medyo masakit. At isa pa jan ang importante wag na wag kang lalapit masyado sa mga bato. Kasi baka pag hampas ng alon ay baka sa bato ka tutungo. Kaya malakas at malalaki ang mga alon dito dahil ang lagoon nato ay naka harap mismo sa pacific ocean. Kaya pag masama talaga ang panahon marami ang pumupunta dito para lang masulyapan ang lugar na ito. Kaya ikaw kung may plano ka mag tour after covid isali mo na ito sa bucket list mo. ☺️