Kilala ang probinsya ng Bohol sa mga tourist attraction tulad ng Chocolate Hills, Panglao Island at mga nagagandahan mga falls. Isa na dito ang Pahangog Twin Falls na matatagpuan sa Brgy. Guingoyuran, Dimiao, Bohol at ito ay hindi magpapahuli sa ganda.
Mula Tagbilaran City mga 1 oras ang byahi papunta dito. Kahit malayo layo pa ang lakarin mula sa sentro ng lungsod ng Dimaio ay sulit parin ang pagod dahil sa kagandahan ng lugar.
Ito ay may taas na 30 meters (90 feet).
Tinatawag itong twin falls kasi nahahati ito sa dalawang falls. Napapaligiran ang nasabing falls ng mga naglalakihang kahoy kaya ang klima dito ay malamig lalo na pagnakababad ka sa tubig.
Napapaligiran din ito ng mga bato at makikita rin dito ang mga klasi klasing porma ng stalactites at stalagmites. Banayad lang ang bagsak ng tubig mula sa taas kahit mataas ang falls. Malakas lang ang tubig nito pag umulan at pahanon ng taglamig. Dahil napaligiran ito ng mga kahoy asahan mong malinis at malamig ang tubig. Sarap lumangoy at magtampisaw lalo na sa pahanon ng tag-init.
Bago maligo at lumagoy dapat tandaan ang mga safety rules at guidelines kahit saan man na mga tourist destination para manatiling ligtas at mapanatili rin ang ganda ng mga lugar na pinapasyalan.
abzero:)
Woow bro ganda nito meron pala ganito sa panglao? Yung kapatid ko na gumawa sila ng vlog. Sapa lang yun. Pero baka ito yung pinaka dulo na hindi nila na puntahan ahahaha ayos ang ganda puntahan talaga.