Nagreklamo

7 43
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Isang babae nagreklamo dahil hindi pinaupo ng lalaki at pinost pa ito sa Facebook..

Bus ang isa sa pangunahing mode of transportation sa ating bansa ngayon. Pero sa sitwasyon ngayon sa traffic, minsan hindi maiwasang mainis kung hindi ka makakaupo dahil siksikan at maraming nag-aagawang mga pasahero.

Isang Facebook post ang nagviral kamakailan matapos magpost ang isang babaeng hindi umano pinaupo ng lalaki sa isang bus.


Ito ay ipinost ng netizen na si Fran Rusti. Sa kanyang post, ipinakita niya ang isang babaeng nagngangalang Rizzy Nicole De Guzman. Sa nasabing post, makikita na nagreklamo ang babae sa isang lalaking nakaupo sa kanyang harapan.
“Baliktad Na Talga Mundo Ngaun Lalake Na Ang Naka Upo. Babae Na Ang Naka Tay Hahahaha,” eto ang post ng babae.

Hindi ito nagustuhan ni Fran Rusti; eto ang kanyang saloobin na ipinost niya sa kanyang Facebook account:

“Isang babae na gustong umupo sa bus nag picture sa lalakeng naka upo!na baliktad na daw ang mundo ngayon ang lalake naka upo ang babae naka tayo! Ate hindi porket babae ka dapat kang paupoin ni kuya, lahat tayo pagod galing trabaho hindi obligation ni kuya na paupoin ka!nag picture kapa sa kanya pinag tawanan niyo pa😔EQUALITY dapat!hindi mo alam ang pinagdadaanan ni kuya😔sana ma hanap natin si kuya at makasohan si ate!sana mag pa Tulfo si kuyang nasa picture!🙏 abangan na lang natin."

9
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

Nabasa ko na rin ito. Ahaha 😂 grave yung babae feeling maganda. Hindi nya alam pagod ng isang tao. Sarili lang inisip nya. Nakapag sagutan narin ako sa isang commuter na alam nya good for 4 person ang upuan tapos pilit pa nya palipatin ako sa likod kung saan apat rin ang nandoon. Ahahha 😂

$ 0.00
4 years ago

Malaki na talaga ulo ng ibang babae ngayon, masyadong feminist. Konsiderasyon na lang sana ate, pareho naman kayong pagod galing trabaho. Si porket babae ka at maganda priority ka na. Pareho lang naman kayo nagbabayad kaya may karapatan pa rin si kuya na umupo diyan. Alam mo namang siksikan na eh, bakit ka pa mag eexpect na makakaupo ka. Di mo pa yata na try tumayo sa bus ng dalawang oras eh.

$ 0.00
4 years ago

Well sa panahon natin ngaung pandemic na nasa stage na tayo ng tinatawag na new normal ay for sure wala ng mangyayari na ganyan dahil sa limitadong transportasyon ngaun na pinapairal ng gobyerno ay hindi na pwede ang sobra sobrang sakay ng mga pampublikong bus at halos singkwenta porsyento na lang ang pwede sa mga sasakay na pareho yun nga lang pahirapan naman makahanap ng masasakyan baka ang susunod na reklamo ay ang hindi pag una sa babae ng mga lalake na makasakay hehehe.

$ 0.00
4 years ago

Pare parehas bag babayad. Kaya Wala karapatan mg reklamo or else PWD . Para Kay ate mag Aral muna xa Ng batas regarding sa pag picture Ng Tao without his permission at pag papahiya sa Facebook dahil bawat action ma karapatan parusa.

Hay naku po.

$ 0.00
4 years ago

hahaha dapat magtaxi nalang sya gusto nya pala umupo....di na uso sa panahon ngyon ang ganya

$ 0.00
4 years ago

Nasanay ata siya na pinapaupo sya lagi ng ibang lalaki. Di lahat ng pagkakataon may gentleman na mag papaupo sa kanya haha. Dapat bumili nalang siya ng sariling sasakyan hehe

$ 0.00
4 years ago

A woman is lucky if she meets a gentleman who will open the door for her, gives her a seat, helps when she gets down, etc. Very lucky, yes. But if you are able, then soldier it out. Standing for 6 hours in a moving bus won't kill you. No need to call out on anyone who won't be chivalrous towards you; you don't know what they are going through.

$ 0.00
4 years ago